Which is which?

49 11 0
                                        

Ikaw o ako?

Ikaw o ang pamilya ko?

Reality or my fantasy?

Which is which?

Mahirap. Alam kong mahirap ang gagawin ko. It's like choosing my happiness over love. But can't I just love while being happy?

But the problem is, my love began unrighteously. In the wrong place and in the wrong time, whilst the norm, it was beyond par.

"Callie, my dear ... You should tell them. For sure they'll understand." Ate Lorielle urge me to spill everything out.

Naiwan kami ni Ate Lorielle sa kwarto. Umuwi muna sina Mama at Papa sa bahay habang pumasok naman si Dylan sa school. Ang mag-asawa lang ngayon ang nakatokang magbantay sa akin. Ngunit kami lang ni Ate Lorielle ang magkasama ngayon, lumabas kasi si Kuya Danny para bumili ng gamot at pagkain.

Our conversation became serious as we are left alone together. Ate Lorielle has been encouraging me to open up but I refused.

No. This is not the right time.

Hindi sa wala akong tiwala sa kanila, sa aking pamilya, pero ayoko lang talaga silang mag-alala. I know they'll understand me someday.

"Ate Lorielle, did you already talk to the doctor about my situation?" I asked her with a calm voice. If so, it's fine with me. Maybe I'll just inform the doctor to keep what he learned from Ate Lorielle. Ayoko pang malaman ng pamilya ko ang tungkol dun.

Ayokong isipin nila na nababaliw na ako .. without acceptable reason.

"Sorry, dear. Nag-aalala lang naman ako sa'yo, eh.  I thought everything I've told you was not enough. Maybe it's time for you to seek some ... formal advice." She's hesitating wether to say it or not. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya. I know she's just concerned. And I can't blame her if she think that I'm having mental problem.

Kahit ako naman, minsan sumasagi din sa isip ko na baka nababaliw na ako. Baka kailangan ko nang pumasok sa mental hospital.

"Ate .. alam mo ba yung pakiramdam na ayaw mo na pero gusto mo pa?  At kahit gusto mo nang bumitaw hindi mo pa rin magawa dahil sa kakaibang saya na ibinibigay niya .." Again, my tears started to fall. Hinayaan ko lang iyon na umagos sa aking pisngi. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago muling nagpatuloy. " Have you dreamed of something and wished it was real?"

Muli akong tumigil sa aking pagsasalita. Hinagilap ko ang kanyang mga mata. Her eyes shows so much sympathy.

The sound of me crying ruined the silence in the four corner of the room. She sat beside me and started squeezing my cold hand.

"I can't say that I understand you .. I've never been in such situation, but I want to understand you. I wished I could in order for me to help you ease the pain." Her calm voice made me cry so hard again. I can't help it. There's too much burden inside me and crying is the only escape I can think of. This might help me lessen all the burden.

Paulit-ulit akong umiling habang  nakatingin sa kanya ng deretso. I slowly wiped the tears in my pale face.

"It's just me, I know. Still, I can't help it .. everytime I close my eyes all I see is him. I keep on dreaming of him until I can't control myself anymore." Para akong batang nagsusumbong dito habang patuloy na umiiyak.

"I'll ask my friend to help us if you want to. She's a psychologist, I'm sure she could be a great help .." Puno ng pag-aalala ang boses niya ngunit walang bahid ng pamimilit. Marahil ay nakikiramdam siya sa magiging desisyon ko.

"Should I?" I ask her in frustration. I'm confused. But I am slowly giving in.

Alam kong seryoso ang kinakaharap ko ngayon dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang bigat ng epekto nito sa akin. Wala na akong kakayahang labanan ang sarili ko. It feels like I'm too addicted as to some drugs. Maybe it's the after effect of my decision and the consequences I made.

I got destroyed when I chose him. I got lost ..

"Mahabang pahinga ang kailangan mo, hija. Avoid stress. Don't pressure yourself." Ilan lang yan sa mga paalala sa akin ng doktor bago ako pinayagang makalabas ng ospital.

After I got back to my consciousness, we decided to go home the next day. Hindi ko na matagalan ang mabahong amoy ng ospital. Nahihilo na ako sa mga taong pabalik-balik at paulit-ulit na nagtatanong kung anong nararamdaman ko, kung may masakit ba, kung nagugutom ako, and such. Ayoko sa lahat ay ang maramdamang nagiging pabigat na lang ako sa aking pamilya. Sa halip na makatulong sa kanila ako pa itong nagpapahirap  sa kanilang buhay. And I can't afford myself being a burden.

" Nak, dadalhin pa ba natin 'tong bulaklak?" My mother asked out of the blue. Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed habang pinanonood silang mag-empake ng mga gamit. Napalingon ako sa aking ina na nagliligpit sa aking likuran. Dumako ang aking tingin sa  kumpol ng kulay pulang tulips na nakalagay sa isang vase.

"Kayo pong bahala. Bakit po ba bumili pa kayo, ang mahal niyan, eh .." ngayon ko lang napansin ang bulaklak na hawak pa rin ng aking ina. Kaya pala may sumisimoy na mabango kahapon, hindi ko lang nabigyang pansin dahil sa dami ng aking iniisip.

Itinaas nito ang vase na babasagin at saka kunot noong tumingin sa akin.

"Hindi naman ako ang bumili nito. Dala ito ni Captain De Madrid noong pumunta siya kahapon ng umaga." Umarko ang aking kilay dahil sa narinig.

'Samuel came here?!'

Kinuha nito ang mga bulaklak at muling inipon sa isang plastic. Bahagyang tumalikod ang aking ina habang inaayos iyon. Halos lanta na ang dahon nito ngunit nananatili pa ring sariwa ang ibang talutot ng bulaklak.

"You mean, pumunta po dito si Sam- hmm .. Captain De Madrid?" Muli ko tanong kay Mama. Gusto kong siguraduhin kung tama ba ang aking narinig. Humarap sa akin si Mama at seryosong tumingin sa akin.

"Oo nga .. akala ko nga alam mo. Para kasing tinawag mo pa ang pangalan niya bago ka nagkamalay." Umikot ito sa aking pwesto at umupo sa aking tabi. Hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa aking hita. " Nakwento niya sa akin kung anong nangyari. Humingi na din siya ng pasensiya. Pero ang sabi ko, hindi naman niya kailangang humingi ng paumanhin sa akin dahil ikaw naman ang naapektuhan. Kaya sinabi niya na lang na babalik ulit siya kapag gising ka na." She squeezed both of my hand and looked at me worriedly.

For a moment, we let the silence passed by. She sigh heavily which made me look at her wearily. But she's already staring at me as I laid my eyes on her.

"Anak, may problema ka ba? Pwede ka namang magsabi sa'min .. Maiintindihan ka naman namin, eh." Those words cut me deeply. I looked down. I can't look straight in her eyes. I don't want her to see that I'm getting weak and near to be swayed.

"Ma, narinig mo naman ang sinabi ng doktor 'di ba? I'm fine .. 'wag niyo na akong alalahanin." Saglit akong tumingin dito at pagkuway tumayo na at kinuha ang aking backpack. "I'm fine .." I glanced at her again and gave her a quick smile before turning my back at her.

Nauna nang bumaba sa sasakyan sina Papa at si Dylan. Naiwan kami ni Mama sa loob dahil aasikasuhin pa ni Mama ang bill sa ospital. Pagkatapos magbayad ni Mama, bumaba na rin kami sa naghihintay na sasakyan.

I closed my eyes the whole ride. I didn't sleep though, I just pretended to. I don't want to start  a conversation again. I might spill the beans if I did. I'm not ready yet ..

Wake Me UpWhere stories live. Discover now