Sacrifice

171 52 79
                                    

"Paalam, Batangas! Hanggang sa muli nating pagkikita!"

Sakay na ako ng bus pauwi sa amin sa Bicol. Katatapos lang ng aming 6 months training sa Camp Angeles. Hindi naman mabigat ang training naming mga babae kumpara sa mga lalaki.

Malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa aking mukha mula sa bukas na bintana ng bus. Palibhasa magpapasko na kaya malamig na ang panahon.

Mabuti na lang nagdala ako ng jacket kung hindi, tiyak lamig na lamig ako ngayon. I am wearing black jumpsuit with strappy strings.

Na-miss kong magdamit ng pambabae. Sa kampo kasi lagi kaming naka army pants and t-shirt. Idagdag pa ang buhok namin na panlalaki.

Required kasi sa BFP na magpagupit ng maiksi ang mga babae. Kaya kahit may katabaan ang aking mukha wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Isipin niyo na lang na naka-jumpsuit ako tapos yung buhok ko ay parang lalaki, HINDI BAGAY!!  Kaya bumili ako kahapon ng wig pero hindi naman halata.
Mahaba ang pinili ko kaya para lang akong nagpa-rebond ng buhok.

Actually, ganito yung buhok ko dati, at sobra akong nanghinayang noong ipaputol ko. Literal na umiyak ako nun.

"SM San Pablo, may bababa?" Sigaw ng kundoktor. May ilang bumaba kaya bahagyang nagluwag.

Malapit na kasi ang pasko kaya marami nang umuuwi sa mga probinsiya.

Napakarami ng pagbabago. Parang kailan lang puro bukirin ang nadadaanan namin, ngayon halos may mga building nang nakatayo.

Siguro sa amin din. Buhay pa kaya yung talon na pinaliliguan namin?

Hindi na ako mapakali sa aking upuan. Parang gusto ko nang hilahin ang oras para makarating na ako sa amin.

Miss ko na ang hangin ng bukirin, ang huni ng mga ibon, ang ingay ng mga kulisap tuwing gabi, higit sa lahat, ang talak ng aking ina sa umaga.

Kumusta na kaya sila?

"O, yung mga iihi diyan, magC-CR, bumaba na! Kakain lang ang driver."

Nasa Sariaya na kami. May ilang bumaba para kumain.

May baon akong burger and fries, nag-take out ako sa Mcdo kay hindi na ako bumaba.

Ito na lang ang kakainin ko.

Hayy! Malayo pa. Matagal pa ang biyahe.

Maya-maya umakyat na ang mga pasahero at nagsimula nang umusad ang bus na aking sinasakyan. Nagpasya akong matulog. Mahaba pa naman ang biyahe. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa excitement ..

"Diyan po sa likod maluwag pa!" Naalimpungatan ako sa sigaw ng kundoktor. May ilang sumakay na mga lalaki.

Yung iba ay sumakay sa unahan ang iba ay pumunta sa likod.

Mabuti na lang walang umupo sa tabi ko. Inilagay ko kasi ang aking gamit sa katabi kong upuan. Baka malimutan ko pa pag inilagay ko sa taas.

Maya-maya dinalaw ulit ako ng antok. Hindi ko na din alam kung saang parte na kami. Siguro Quezon pa rin ...

"Walang kikilos! Lucio kunin mo yung sanggol!"

Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng isang lalaki. Nawala ang aking antok ng makitang nagkakagulo na ang mga tao. May mga hawak silang baril at ang isa ay nakatutok sa driver. Habang ang isang lalaki ay hawak ang kamay ng kundoktor at pinilipit patalikod.

Nagpapanik na ang mga tao. May ilang sumisigaw ngunit agad ding tumatahimik dahil sa takot. Apat na kalalakihan ang nakatayo at nagbabantay sa magtatangkang lumaban.
Sa gilid ko ay may nakatayo ding matangkad na lalaki.

Malaki ang kanyang katawan at may kayumangging balat. Wala silang suot na bonnet o anumang pangharang sa mukha.

"Huwag po ...  maawa po kayo sa bata! Pakiusap huwag po!" Sigaw nang ina na may hawak sa sanggol.

Pilit niyang inihaharang ang kanyang maliit na katawan upang protektahan ang sanggol. Ngunit wala siyang nagawa nang hablutin ng lalaki ang sanggol sabay suntok sa kanyang sikmura. Napaigik na lang sa sakit ang babae. Umiyak ang sanggol kasabay ng pagpalahaw ng ina.

Parang gustong sumabog ng puso ko dahil sa matinding awa. Hindi ko alam kung bakit sanggol ang pilit nilang kinukuha, marami namang ibang pasahero na tiyak pakikinabangan nila.

Walang nagtangkang lumaban nang makuha ang sanggol. Lalong lumakas ang hiyaw ng babae habang patuloy na humahagulhol.

Nangingilid ang aking luha dahil sa matinding awa para sa mag-ina. Wala pa akong anak pero ramdam ko ang sakit na nadarama ng babae habang pinagmamasdan ang sanggol na patuloy pa ring umiiyak.

"Ihinto mo sa tabi! Bilis!" Sigaw ng lalaki sa driver ng bus. Hindi maintindihan ng lalaki ang gagawin.

Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa takot.

Pare-pareho kaming hindi malaman ang gagawin. Bakas sa mukha ng mga pasahero ang takot at pangamba.

Parang hindi ko kayang hayaan na lang na dalhin nila ang walang muwang na sanggol. That poor thing needs to be saved.

Akmang bababa na ang lalaking may hawak sa sanggol nang mapagpasyahan kung tumayo. Nanlalambot ang aking mga tuhod na unti-unting lumapit sa lalaki.
Ngunit agad akong pinigilan ng lalaki na nakatayo sa aking gilid. Sa laki ng katawan niya ay halos napuno nito ang espayo sa gitna ng bus.

Kinakabahan man ay ibinuka ko ang aking bibig at nagsalita.

"M-maawa po kayo sa .. bata. Please, ... d-don't take him!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para pigilan sila. Dahil kung nanaisin kong lumaban, talo na agad ako. Pito silang mga lalaki at matitipuno ang katawan, halatang sanay sa labanan.

Ang takot na aking nararamdaman ay napalitan ng galit nang bigla silang magtawanan.

Lumapit sa akin ang isa pang lalaki na medyo mahaba ang buhok. Nakakatakot ang itsura niya. He really looks like a goon on a movie.
Napaatras ako sa sobrang kaba. Ngunit napatigil ako nang tumama ang aking likod sa dibdib ng lalaki na nakatayo sa aking likuran.

"Masyado kang maganda para saktan ng bakal kong kamay, Binibini." He touched my face with the back of his hand. It's so rough. Bahagya kong inilayo ang aking mukha nang halos isang dipa na lang ang layo niya sa akin.
"Gusto mo bang ikaw na lang ang isama namin kapalit ng sanggol?" Ngumisi ito habang nagtawanan naman ang ibang kasamahan.

"Magandang ideya yan, Mauro! Tamang-tama, matagal na akong hindi nakakatikim ng ibang putahe." Lalong lumakas ang kanilang tawanan.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng lalaki sa aking likuran. Nagdala ito ng kakaibang kilabot sa aking buong pagkatao. But it somehow comforted me ...

"Bilisan niyo na! Bumaba na kayo, andito na ang sasakyan!" Buo at parang kulog na dumagundong sa loob ng bus ang sigaw ng lalaki na may hawak na baril. It's an M16 rifle. Parang gusto ko nang umatras ..

Walang tigil sa pag-iyak ang sanggol na labis na nagpalambot sa aking puso.

It seems he's crying for help.
And I start to think again, I won't let them take that poor soul.

"Sandali .. a-ako na lang ..."

Wake Me UpWhere stories live. Discover now