Accidental Reunion

43 24 1
                                        

"Sandali .. " Naglalakad na ito palayo nang ako'y lumingon. Agad ko itong hinabol at hindi inalintana ang nararamdamang sakit sa aking puson. "Sir, sandali!" Muli ko itong tinawag ngunit mabilis na itong sumakay sa kotse.

Hinabol ko pa ito kahit nanghihina na ang aking katawan. Kailangan ko siyang makausap. Baka matulungan niya ako na makita si Samuel.

"Araay! Ahh ...!" Napaluhod ako sa semento dahil sa sakit na aking nararamdaman. Nanginginig pa ang aking mga tuhod at kamay. Naisin ko mang habulin ang lalaki ay hindi ko na magawa nang magsimula ng umandar ang sasakyan.

"Miss, okay ka lang?" Hindi ako makasagot sa lalaking lumapit sa akin. Nakatungo pa rin ako habang hawak ang tiyan. "Miss .." Muli akong tinawag nang lalaki kaya napilitan akong tumingin dito.

"M ..Miguelito?" Gulat kong tanong. Naka-sumbrero ito at bahagyang natataklukban ang mukha. Pero hindi ako maaaring magkamali, kahit ang boses niya ay pamilyar sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"

"Mahabang kwento .. Tulungan muna kita. Ayos ka lang ba?" Tinulungan ako nitong tumayo.

"Ayos .. lang ako!" Kahit nanghihina na ako ay pinilit kong lumakad sa kalapit na bench. Inalalayan ako nitong makaupo.

Marami akong gustong itanong dito kaya kailangan kong tiisin ang sakit na aking nararamdaman.

"Miguel .. alam mo ba kung nasaan si Samuel?" Nag-aalangan pa akong magtanong dito. Pero kailangan. Maybe this is my chance to see him.

Tumingin ito sa akin at umupo sa aking tabi.

"Hindi mo pa ba alam?" Parang alam ko na ang tinutukoy niya ..

"Kung ganoon, totoong anak siya ng presidente? Paano .. Bakit siya kasama sa grupo niyo?" Hindi ko alam kung paano pagtatagniin ang aking mga nalaman.

Marami pa pala talaga akong hindi nalalaman tungkol sa kanya.

"Nagulat din kami nang malaman namin .. wala kaming masyadong alam tungkol sa kanya. Ang sabi niya lang sa amin .. pareho kami ng layunin kaya gusto niyang sumapi sa amin." Makahulugan itong tumingin sa akin. "Alam mo bang matagal ka na niyang hinahanap? At marahil isa ka sa dahilan kung bakit siya pumayag na makipagkasundo sa presidente."

Gulat akong tumingin dito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi alam ng presidente na sumapi sa amin ang nag-iisa niyang anak kaya labis itong nagalit nang malamang isang komunista ang kanyang anak. Napilitang makipagkasundo si Samuel dahil dun .. at para na rin sa grupo." Huminga ito ng malalim bago muling nagpatuloy. "Kung hindi nakipagkasundo si Samuel, baka nasa kulungan na kaming lahat ngayon .."

"Ibig sabihin din ba 'nun, nabuwag na ang grupo niyo? Paano sina Ka Igno? Nasaan sila?" Labis akong nagulat sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Andito si Ka Igno .. Isinugod siya kanina nang bigla itong atakihin." Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin. Bakas sa mukha nito ang labis na pagod at pag-aalala.

"B-bakit? Anong nangyari?" Sa kabila nang ginawa nila sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. Lalo't wala naman silang ginawang masama.

"Sumikip ang dibdib niya dahil sa pagtatalo nila ni Mauro kanina .." muli itong bumuntong-hininga at saka yumuko na parang balisang-balisa.

"Gusto ko siyang puntahan .. okay lang ba?" Nagsusumamo ang aking mga matang nakatingin dito.

Gusto kong makausap si Ka Igno. Napakarami kong gustong sabihin dito. At tuloy ay humingi ng paumanhin ..

"Sige .. sasamahan kita." Inalalayan ako nito papasok sa loob.

Nadatnan namin sa labas ng pinto si Lucio at tatlo pang lalaki. Siguro kasamahan din nila ang mga ito dahil pamilyar sa akin ang mukha.

Sabay-sabay silang lumingon ng makita kami ni Miguelito na magkasama. Gulat ang nakarehistro sa mga mukha nila nang makita ako.

"Anong .. ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni  Lucio at wari'y hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. "Paano mo nalamang .." tumingin ito kay Miguelito na nakakunot ang noo.

"Aksidente kong nakita si Miguelito sa labas at sinabi niya sa akin na .. isinugod si Ka Igno dito." Nakahawak pa rin ako sa braso ni Miguelito. Pakiramdam ko ay matutumba ako kapag bumitaw ako dito.

Binuksan ng isang lalaki ang pinto nang tumango dito si Lucio. Kasama kong pumasok si Miguelito sa kwarto. Marahil ay naramdaman nitong nanghihina ako at may dinaramdam dahil sa bahagyang panginginig ng aking kamay.

Nadatnan naming natutulog si Ka Igno. 

"Wala bang huhuli sa inyo dito? Okay lang ba na nadito kayo?" Tanong ko kay Lucio na sumunod sa amin pagpasok.

Umiling ito at nanatiling nakatingin sa matandang nakahiga.

Parang wala itong pinagdadaanan. At kahit nakapikit bakas pa rin ang pagiging matapang sa mukha nito.

"Nagsakripisyo si Samuel para sa kaligtasan naming lahat .. bilang kapalit, tumiwalag siya sa grupo. Dahil doon wala na kaming komunikasyon sa kanya." Paliwanag ni Lucio.

Tumanaw ito sa bukas na bintana na mukhang napakalalim ng iniisip. Lumapit ako sa maliit na lamesa at umupo sa upuan . Nanatili akong tahimik at naghintay sa iba pang sasabihin nito.

'Kung ganoon, hindi nila ako matutulungang makita o makausap si Samuel ..'

"Nagkita na ba kayo ni Samuel?" Tanong ni Lucio sa akin. Hindi ito lumingon at nanatiling nakatitig sa labas.

"H-hindi .. hindi pa." Tugon ko na nanatiling nakatungo.

"Gustuhin ko mang tulungan ka, hindi ko alam kung paano." Lumingon ito sa akin at sumandig sa dingding. "Pinagbawalan kaming lumapit o makipag-usap sa kanya. Ayaw ng presidente na makarating sa mga tao na sumapi si Samuel sa amin."

Bumagsak ang aking mga balikat dahil sa kawalan ng pag-asa. Kung naabutan ko lang sana yung lalaki kanina ..

Bigla kong naalala ang sinabi ni Miguelito sa akin.

Totoo kayang hinahanap din ako ni Samuel? Pero bakit hanggang ngayon hindi pa kami nagkikita?

Wake Me UpWhere stories live. Discover now