Kagat na ang dilim nang makarating kami sa Casa Isabelle. Lubog na ang araw at may ilang bituin na ang kumikislap sa kalangitan. Umaawit na din ang mga panggabing kulisap sa may kalayuan. Palibhasa'y malayo ito sa kabayanan kaya napakatahimik ng paligid at tanging huni lamang ng mga kuliglig ang naririnig at ang mabining pagaspas ng hangin.
Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa aking balat. Hindi ko napigilang yakapin ang aking sarili nang maramdaman ko ang panunuot niyon sa aking katawan. Mas pinalamig pa ang gabi sa paminsan-minsang patak ng ulan sa mga halaman na natatanglawan ng ilaw sa mga poste.
Ala-siyete na ng gabi ngunit marami pa rin ang kumakain. Karamihan sa kanila ay mga magbabarkada at ang iba nama'y magkakapamilya. Nasulyapan ko ang mesang parati naming inuukopa ni Joaquin. May dalawang lalaking nakaupo roon at masayang nagke-kwentuhan.
Muling sumagi sa aking isipan ang tagpong nangyari doon ilang araw na ang nakakaraan. Ipinilig ko ang aking ulo at iwinaksi ang nasa isip. Nahihiya ako sa aking sarili sa tuwing naaalala ko iyon, ngunit mas nahihiya ako kay Joaquin ...
"Dionne, anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Ate Lorielle nang makakuha na kami ng pwesto.
Pinasadahan ko ng tingin ang menu na nakapatong sa mesa at naghanap ng bagong putahe. I heard they are catering new set of delicacies.
"You should try their Baluko and Kinagang. Kakaiba yung lasa niya .." she said that in full awe, with matching pagtaas pa ng kilay.
At dahil nakumbinsi ako ng kanyang napakagandang expression iyon nga ang inorder ko. Though, it's not new to me. Marunong din kasi si Mama magluto ng mga ganyang putahe at masarap naman, Baluko is actually one of my favorite. But I want to try their version of the two known recipes in Sorsogon.
"So, ano nga pala yung iku-kuwento mo sa akin?" Tanong sa akin ni Ate Lors habang hinihintay namin ang aming pagkain.
It will take 10 minutes to prepare our food according to the waiter, so we decided to have a chat while waiting.
Tumingin ako kay Ate Lorielle at saka bahagyang ngumiti. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko sa kanya ang tunay na nangyari. Naikuwento ko na sa kanya ang tungkol kay Samuel, pero hindi lahat.
Hindi ko masabi sa kanya na nakilala ko lang ang binata sa aking panaginip. And I'm afraid she'd think I'm crazy for falling in love with him that fast, and in that weird kind of situation.
"Do you think dreams can come true?" I asked out of the blue. I am staring at her not leaving her eyes to make her feel how serious I am right now.
"Bakit mo naman naitanong?" Natatawa nitong tanong sa akin. She looks confused and entertained by my question.
I rolled my eyes then sigh. Inilapit ko ang mukha dito at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.
" Can you just answer it, please?" Napipikon kong sabi dito na lalong nagpalakas sa tawa nito.
We really do sound like best of friends rather than sister in law's. And we are used to it. She knew how childish I am and I am comfortable with it. It's like I can show the real me in front of her better than when I'm with my family.
Being the only girl in the family is no joke kaya ..
"Well, maybe?" She answered but seemed unsure. She place her elbow on the table and cupped her face with her hands. She looks like she's taking it seriously now. "Do you know about Tom Robbins?" She asked after a minute of silence.
Umiling ako bilang tugon. "Gwapo ba?" Biro kong tanong dito na lalong inilapit ang mukha at naghintay ng magandang sagot.
Pero humalakhak lang siya sa naging reaksyon ko at umiling-iling.
"Baliw ka talaga! He's a writer. And he once said that, in his book, dreams don't come true, they are true ..." She has a lot to explain but I already cut her off.
"Wait! What do you mean that they are true? You mean, totoo? Totoong nangyayari?!" I asked excitedly.
Lalong nadagdagan ang mga tanong sa aking isip dahil sa paliwanag ni Ate Lorrielle. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya o hindi. Mahirap tanggapin sa akin na totoong nangyari ang aking panaginip lalo't hindi ko naman kilala si Samuel bago pa mangyari iyon.
"Can you give me a clue why you are so interested about it? Tell me, para saan ba ang usapang 'to Callie?" She raised her eyebrows and stretched her lips after that. She's giving me a look of an eager lady. At parang wala na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya ang lahat.
"Ok, fine. Sasabihin ko na." I said with complete surrender in my voice. "It's actually about Samuel ..-" Huminto ako sa pagsasalita nang lumapit ang waiter na may dala ng aming order.
Hinintay ko itong matapos sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa bago muling nagsalita. Kinuha ko ang kutsara at pinaglaruan iyon sa mga daliri.
Natatakam na ako sa aking mga nakikitang pagkain pero mukhang wala akong balak pakainin ng aking kasama hangga't hindi ako natatapos sa aking kinukuwento. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin habang nakapatong ang baba sa magkasalikop niyang kamay.
"Ang totoo kasi niyan .. nakilala ko lang si Samuel sa aking ...panaginip." humina ang aking tinig nang banggitin ko ang huling salita.
Napatuwid ito sa kanyang pagkakaupo na marinig ang aking sinabi. "Wait ... What?! Sa panaginip?" Napatingin sa amin ang ibang kustomer nang halos mapasigaw si Ate Lorielle dahil sa labis na pagkagulat.
Kung nagulat at mukhang hindi makapaniwala si Ate Lors, lalo na ako. Dahil hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang aking sarili kung anong nangyari.
How and why the hell I'm feeling this way with him?
"Anong ibig mong sabihin? I thought you just met him in the terminal?" She asked dumbfoundedly.
"I really don't know how was that happened. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano nangyari 'yon. Nung mga oras na 'yon pakiramdam ko totoo lahat. Yung saya nung kasama ko siya, yung lungkot, yung sakit .. hanggang ngayon malinaw pa rin sa akin ang lahat." I stopped for a moment. Ipinikit ko ang aking mga mata sa muling pagdaan ng mga ala-alang iyon. Kahit si Ate Lorielle ay natahimik din at tila napakalalim ng iniisip.
After of long silence, she cleared her throat and asked me surprisingly.
"Have you heard .. lucid dreams?" Mahina lang at wari'y ingat na ingat nang sabihin niya iyon. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagguhit ng pag-aalala sa kanyang mukha na agad din niyang pinawi.
Muli akong umiling. Hindi sa bobo ako pero never ko pa talagang narinig ang salitang iyon. O baka naman yan yung tagalog ng dive. Charot! Next!
"Lucid dream is a dream of which the dreamer is aware that they are dreaming." Umpisang paliwanag ni Ate Lors. Sabagay, nars siya kaya marami siyang alam sa mga ganitong bagay. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata na wari'y humahanap ng angkop na salita na mas madali kong maiintindihan. "Gising ang ibang bahagi ng utak mo habang nangyayari yun kaya may kontrol ka sa iyong panaginip. Your feelings, and everything you see, or hear seemed all true and real. Parang pakiramdam mo nandoon ka sa mismong panaginip. At hanggang sa paggising mo hahanapin mo ang mga karanasang iyon, while thinking it's all true .." nakatingin lang ako at matamang nakikinig sa kanyang mga paliwanag.
With total astonishment, I did't notice my widely opened mouth. Sobra akong nagulat sa mga sinabi ni Ate Lorielle, dahil akmang-akma ang paliwanag niya sa naranasan ko. And it hit me big time ...
Another questions flashed inside my mind.
Bunga lang ba ng panaginip ang pag-ibig na nararamdaman ko para kay Samuel? If that so, is it even real?
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...