HOPE and PAIN

41 24 1
                                        

Sadyang mapaglaro ang tadhana .. sa isang iglap parang naging eksena sa pelikula ang buhay ko. Simula sa kung paano kami nagkita ..kung paano kami nahulog sa isa't isa .. at hanggang ngayon kung paano ako nasorpresa sa mga sekreto niya.

Mangha pa rin akong nakatingin sa tv screen at pilit inuunawa ang sinasabi ng reporter. Parang may paru-parong umiikot sa aking tiyan habang pinagmamasdan ang larawang nakapaskil sa aking harapan.

'Paano nangyaring siya ang anak ng presidente? Bakit ngayon lang siya ipinakilala sa publiko? Kung totoong anak siya ng presidente, anong ginagawa niya kasama ng mga komunistang rebelde?'

Napakarami pang tanong ang naglalaro sa aking isip ngunit hindi ko alam kung saan o paano ko malalaman ang mga kasagutan.

Samuel ...  No. You are not Samuel, Dave Sawyl Harrison ... you never stop surprising me.

'Alam kaya nina Ka Igno na anak siya ng presidente? O alam kaya ng presidente na kasali siya sa grupo ng mga rebelde?'

Pabalik-balik ako sa harap ng tv habang patuloy na kinakausap ang sarili. Muli akong umupo nang makaramdam ng ngalay. Ngunit hindi ako makanali sa aking inuupuan dahil sa mga katanungang patuloy na gumugulo sa aking isipan.

Muli akong bumalik sa kusina para uminom ng tubig. Nanuyo na ang aking lalamunan dahil sa labis na pagkagulat at pag-aalala.

'If he's the presidential son, then it would not be easier for our path to cross again ... Lalong lumabo ang pag-asang magkita kaming muli.'

Hindi ko namalayan ang panginginig ng aking kamay hanggang sa mabitawan ko ang hawak kong baso. Nakita ko ang pagbagsak nito sa sahig ngunit nanatili lang akong nakatitig dito at hindi nag-atubiling pulutin ang kumalat na bubog.

"Anak, anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Tanong ng aking ina na nagmamadaling lumabas kasunod ang aking ama na bahagyang nagulat nang makita ang kalat ng bubog sa sahig.

Napakapit ako sa upuan nang makaramdam ng pagsigid ng kirot sa aking tiyan. Bahagya akong napaigik nang masundan pa ito ng hindi maipaliwanag na sakit at tila paghilab ng aking tiyan.

"Ahh ... 'Ma! A-ang .. sakit ...!" Hindi ko maintindihan kung saan kakapit para mapigil ang sakit. Hindi ko alam kung alin ang saang parte ang masakit, pakiramdam ko namamaga na ang aking buong katawan.

"Baka manganganak ka na! Kaloy, ihanda mo ang jeep, tara na sa ospital!" Tarantang lumapit ang aking ina at inalalayan akong umupo. " Anak, huminga ka muna ng paulit-ulit .. inhale .. exhale! Ihahanda ko lang ang mga gamit mo, ok?" Tumango ako at sinunod ang sinabi nito.

Nagmamadaling umalis ang aking ina para ihanda ang mga gamit na gagamitin ko sa ospital. Mabuti na lang naayos ko na ang mga iyon at napagsama-sama ko na sa bag para madali nang kuhanin.

Napapikit na lang ako nang muling humilab ang aking tiyan. Parang mapuputol ang aking hininga dahil sa matinding kirot na aking nararamdaman.

"Ma ...!" Tawag ko sa aking ina. Nagmamadali namang humangos si Papa palapit sa akin.

"Kaya mo bang lumakad, anak?" Kumapit ako sa balikat ng aking ama at pilit na tumayo. Inalalayan niya ako hanggang sa sasakyan.

Umalis na kami pagkalagay na pagkalagay ng mga gamit.

'Samuel ... Or for who you really are .. I need you now. I hope you are here .. maybe your pressence could take away the pain I am feeling right now.'

Oh God, how I really wish he's here .. with me.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now