"Anak, kasama ba sila sa mga dumukot sa iyo? Kilala mo ba sila?"
Narinig ko ang tanong ng aking ina pero hindi ko magawang sumagot. Blangko pa rin akong nakatingin sa tv kahit tapos na ang balita.
"Dionne ..?" Lumapit si Kuya Danny at bahagyang inalog ang aking balikat. "Ayos ka lang? Kilala mo ba sila?" Muling tanong ni Kuya. Tumango ako at mariing pinikit ang mga mata.
"Si Aling Felisa ang isa sa nag-alaga sa akin habang naroon ako. Siya ang asawa ng lider ng kanilang grupo." Simula nang ako ay makabalik ngayon lang ako nagkwento sa kanila tungkol sa nangyari sa akin.
They didn't ask about it nor force me to open up. They just waited for me to speak on my own. I am glad they understand me and my decision to keep silent about what really happened.
Maybe this is the right time for me to tell them everything.
"Lahat po ng sinabi ko sa press ay totoo. Wala po silang ginawang masama sa akin. They treated me very well while I'm with them, especially ... Samuel." Unti-unting gumaan ang bigat na aking nararamdaman nang magsimula akong magkwento.
Bagamat kinakabahan, matapang ko inamin sa kanila ang mga bagay na hindi ko pa nasasabi. Maging ang dahilan ng aking pagbubuntis ...
"Ma, I'm sorry!" Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay upang maibsan ang panginginig. "Ma ... patawarin niyo ako ... nagmahal ako ng isang rebelde ... s-siya po ang ama ng aking dinadala." Sa wakas nagawa ko ding sabihin ang bagay na matagal ko ding ipinagkait sa kanila.
Lumapit sa akin si Mama at saka ako niyakap. Isinandig ko ang aking ulo sa kanyang balikat at habang patuloy na umaagos ang aking mga luha.
Lumapit din sa akin si Kuya Danny at marahang hinaplos ang aking buhok saka marahang pinisil ang aking kamay.
"Naiintindihan ka namin ... Wala kang ginawang masama. At lagi mong tatandaan, andito lang kami para makinig sa'yo." Lalong bumalong ang aking mga luha dahil sa kadramahan ni Kuya.
Agad naman akong inalo ni Mama dahil masama sa akin ang mapagod at ma-stress lalo't malapit na akong manganak.
Kung naging matapang lang ako dati at sinabi ko sa kanila ang totoong nangyari baka hindi ako naghirap ng matagal.
Masyado akong nilamon ng aking takot at pangamba. Natakot akong baka hindi nila ako maintindihan at talikuran nila ako. At ang tanga ko sa part na 'yun ...
'Kung sumuko si Aling Felisa, paano si Ka Igno at ang grupo? At si Samuel ... asan na siya?'
May kabang lumukob sa aking dibdib. Ayokong mag-isip ng masama pero dahil sa nangyayari hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
Ilang buwan na ang nakalipas buhat nang tumakas sila at wala pa ring balita ang mga sundalo kung saan sila nagtatago.
'Bakit sumuko na sina Aling Felisa? Pinilit lang ba sila o nadakip lang sila sa operasyon?'
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...
