What if I planned to escape? And if I get caught, that's what I can't afford. Baka patayin nila ako.'
Marami akong nakitang mga lalaki na nakabantay sa aming dinaanan kanina. Mga malalaking tao at may hawak na baril. Mukhang mga walang sasantuhin.
Bumukas ang pinto at isang babae na hindi katandaan ang pumasok. May dala itong kumot at isang bestida.
"Ito muna ang isuot mo. Pasensiya ka na, yan lang ang matino kong damit."
Iniabot niya sa akin ang kulay puting bestida. Medyo malaki iyon sa akin dahil may katabaan ang babae, pero tinanggap ko pa rin.
Wala akong choice kundi isuot ang kanyang ibinigay. Hindi ko alam kung nasaan na ang aking mga gamit. Kahit cellphone ko wala rin dahil nasa loob yun ng bag, doon ko inilagay kanina.
Sana naman may tumawag sa pulis at humingi ng tulong.
I can't spend my time here without my skin care ...
'Hanggang dito ba naman yan pa rin ang iisipin mo, Dionne ...'
Noong nasa Batangas pa ako at nagt-training, hindi ko pa rin nakakalimutang alagaan ang aking katawan. I have so much stuff for my body, lagi din kasi kaming bilad sa araw.
"Kumain ka muna sa labas. Siguradong gutom ka na." Sabi ng babae. Matapang ang kanyang mukha pero malumanya magsalita.
"Kasama ka rin po ba nila?" Hindi ko napigilang magtanong.
Tumingin sa akin ang babae. Ipinatong niya sa papag ang hawak na kumot bago nagsalita.
"Asawa ko ang lider ng grupo, at mga anak ang turing ko sa mga miyembro nito ..."
"Papatayin po ba nila ako?" Ibinaba ko ang aking paa at saka iginilid ang tingin sa matanda.
Kumunot ang noo nito at bahagyang ngumiti ngunit panandalian lamang.
"Ano sa tingin ko?" Napaisip ako sa sinabi niya.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki.
"Felisa!" Lumingon ang babae at nagmamadali nang lumabas. Para bang batas ang salita ng lalaki na kailangang sundin.
Lumapit naman sa akin ang lalaki. Nakapantalon ito na may butas sa tuhod at naka-jacket na nakatupi hanggang siko. Halos kasing edad ito ng babae kanina.
"Hindi kami katulad ng iniisip mo ..." Panimula niya.
Sumandig ito sa dingding kaya nakatagilid ito sa akin. Muli siyang nagpatuloy. "Meron kaming ipinaglalaban ... na taliwas sa kasakiman ng gobyerno."
"Bakit niyo po pinipilit na kunin ang sanggol kanina?" Kahit kinakabahan ay naglakas loob akong magtanong.
Kung hindi sila masasamang tao, bakit pati yung walang muwang sanggol idadamay nila?
"Inililigtas lang namin sila sa kapahamakan! Nangangalap kami ng mga bata, mga kabataang tunay na pag-asa ng bayan. Huhubugin namin sila ... ayon sa tuntunin namin, mga bagay na alam naming tama para sa mga kabataang Pilipino." Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pantalon at tumingin sa akin.
"Totoo bang may kanser ka?" Tanong niya sa akin.
Tiningnan niya ako sa mata at wari'y tinitiyak na nagsasabi ako ng totoo.
"I have ... I was diagnosed 2 years ago for a stage 4 ovarian cancer. Actually, we have a history of breast cancer, too... Huli ko na nalaman, kaya lumala."
'Let me live with this lie ...'
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...