Must be Fate

41 14 1
                                    


"Welcome to Bureau of Fire Protection Sorsogon City Office!" Some men of BFP welcomed me as the new staff. "It's so out of the blue but we're  so happy to have you here."

"Thank you, Sir! Nagulat din po ako sa biglaang assignment ko dito, ang advice po kasi sa akin by July pa ang start ko dito .." Nakipagkamay ako sa ilang officer na sumalubong sa akin.

Mukha naman silang mababait kaya mabilis na naging palagay ang aking loob sa kanila. Dalawa lang kaming babae sa opisina at limang lalaking firefighter. All in  all, we are nine in the office, though the Fire Captain and the Battalion Chief are not yet here.

"Ma'am Suzette, bakit hindi ko po nakita kanina yung fire captain natin?" Siya ang naghatid sa aking opisina. Ipinakilala niya din sa akin ang iba naming kasamahan. She also toured me inside the building and the work I am in.

"May meeting si Capt kasama ni BC. Baka mamaya pang after lunch dadating ang mga yun."  Itinuro niya sa akin ang aking mesa. Nasa likod iyon ng mesa niya at nahaharangan lang ng makitid na plywood.  "Alam mo ba kapag wala si Capt pakiramdam ko napaka-gloomy  ng office." Umupo ito sa mesa niya at nangalumbaba.

"Bakit naman po?" Natatawa kong tanong dito.

" Pwede  bang tanggalin mo yang po at po mo sa akin? Mukha namang magkasingtanda lang tayo!" Pabiro nitong hinampas ang aking braso. At hindi sinagot ang aking tanong.

"Sige po- I mean, sige kung yan ang gusto niyo?" Ngumiti ako dito bago tumuloy sa aking mesa.

Inilagay ko ang ilang gamit na aking dala at isinalansan sa mesa. Kinuha ko din ang aming family picture frame at ipinatong sa harap ng mesa katabi ng maliit na orasan.

Nag-aayos ako ng aking mesa nang may biglang kumalabit sa aking balikat.

"Hey, hindi mo ba ako natatandaan?" Tiningnan ko ito sa mukha at pilit inalala kung saan ko ito posibleng nakita.

Malaking lalaki ito. Matangkad at kayumanggi ang balat. Pamilyar din sa akin ang tattoo nito sa mukha.

Bahagya itong tumawa nang nanatili akong nakatitig dito.

" Casa Issabelle. Nag-propose ang boyfriend mo or fiancee?"

Bumuka ang aking bibig ng maalala ko iyon. Kaya pala pamilyar siya sa akin. Kasama pala siya ng mga burdadong lalaki.

" Anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong. But obviously, he's possibly working here with his uniform on. But what's with the tattoo? Ang alam ko bawal yan ..

"Officer?" Maikling sagot nito habang itinuturo ang kanyang uniporme.

"Pero yung-" tinuro ko ang tattoo niya sa mukha. "Di ba bawal yan?"

"Ah, ito? Peklat yan. Nilagyan lang namin ng design, fake na tattoo lang 'to .." Nakangiti ito habang nagpapaliwanag at tila nagyayabang. "We got this in one of our operation. Alam mo na, aksidente. Anim kaming may ganito, yung mga kasama ko din sa resto, nakita mo naman 'di ba?

Wala sa loob akong tumango.

"Oo, napansin ko nga, parang halos lahat kayo may tattoo. I thought it's just a symbol .."

"Hoy, Pare! Ang aga mo namang pumorma! Trabaho muna tayo, Tsong!"

Naputol ang aming usapan sa biglaang paglapit ng isang lalaki. Matangkad din ito ngunit payat ang katawan. May sumunod na dalawang lalaki at kapwa matitipuno ang pangangatawan.

"Miss Flamencio, 'wag kang papabola dito, anim na ang anak nito, dalawa pa ang asawa, hindi pa kasama ang mga kabit!"

Napuno ng tawanan ang buong opisina dahil sa sinabi nito. Agad namang lumapit si Philip  at binatukan ang kasamahan.

"Gago ka talaga, Rudolf the duck! Inggit ka na naman sa kagwapuhan ko .." humawak pa ito sa baba at pumormang ala Robin Padilla.

Aliw na aliw kami sa pagbibiruan ng dalawa at halos hindi na namalayan ang pagpasok ng dalawang lalaki.

"Mukhang ang saya niyo, ah! Nahuli na ba kami?" Naunang pumasok ang lalaking marahil ay nasa edad singkwenta na ngunit matikas pa rin ang pangangatawan. Dumiretso ito sa tapat ng aking mesa kung saan nakatayo si Philip.

"Naku, BC, tamang-tama lang ang dating niyo. Mapipigilan niyo pa ang kayabangan ni Philip Andres!" Lalong lumakas ang tawanan nang muling bumanat si Rudolf.

Sumasakit na ang aking tiyan dahil sa pagtawa. Nakatuon na ang aking dalawang kamay sa mesa para suportahan ang aking katawan na tila nanginginig na dahil sa pagtawa. Hindi ko magawang umupo dahil sa mga dumating.

Maya-maya ay tumingin sa akin ang lalaking maedad na at tila nagtatanong ang mga mata.

"You're probably Miss Flamencio?" Tanong nito sa akin habang bahagyang lumapit at iniabot ang kamay. "I am the Battalion Chief, SUPT Gerard Nogreza. BC ang tawag nila sa akin dito, siguro dahil lagi akong busy .." sinundan niya iyon ng isang maikling tawa na siyang pumawi sa aking kaba.

"I am Dionne Flamencio from Camp Angeles."  Inabot ko ang kamay nito at bahagyang ngumiti.

"Kilala mo na ba ang mga kasama mo?"  Muling tanong nito sa akin matapos makipag-kamay.

"Yes, Sir. Naipakilala na po sa akin ni Mam Suzzette." Magalang kong tugon dito.

"Then let me introduce our Fire Captain, Sir De Madrid come here .." Tumalikod ito at may kinawayan. Dumako ang aking tingin sa tinawag ni BC ngunit hindi ko agad nakita ang mukha nito dahil natatakluban ng cabinet. "Kasama ko siya kanina sa meeting kaya wala siya sa mga sumalubong sa'yo .." dagdag na paliwanag ni BC.

Nakamasid pa rin ako sa lalaking papalapit. Nakatagilid ito sa akin habang naglalakad papunta sa aming puwesto. Lumagpas ito sa cabinet na nakaharang at dire-diretsong naglakad palapit sa amin.

Ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa .. now I can clearly see his serious face directly looking at me.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili, dahil habang palapit nang palapit siya sa akin ay mistulang tambol na dumadagundong ang tibok ng aking puso. Nanlalamig ang aking mga kamay ng pagsalikupin ko iyon. Nagsimula na ding manginig ang aking mga tuhod dahil sa hindi maipaliwanag na kaba ..

I've been waiting for this ...

Last night, I decided to find you. It doesn't matter anymore if you are miles away, just to find you, I'll do everything no matter what it takes. Even if I need to dream of you again, if I can find you there, then I am willing to take a nap day and night.

But now, inches apart, or two step apart, you are absolutely here. I don't want to close my eyes because I am hella sure you are here with me, breathing in the same roof, with the same air, and standing on the same ground .. it's you, right?

I am not dreaming right?

Wake Me UpWhere stories live. Discover now