I thought the taste of my tears were enough to stop me from loving you .. on and on. But seeing this little angel beside me made me so eager to see you again .. and share this happiness I can't longer wait to brag with you.
I don't know if we still have a chance .. I don't know when will I gonna see you again .. or should I continue dreaming?
Gusto ko muling matulog, ipikit ang mga mata at umasang mapanaginipan ka .. para kahit sa panaginip lang ay masabi kong .. mahal kita.
Gusto kong sabihin sa'yo na may anak na tayo .. that we can already have our own family .. sadly, you're not here, you are nowhere to be seen ..
Ilang balde na ng luha ang natuyo sa akin pisngi .. ilang hikbi na rin ang pumuyat sa akin sa mga gabing nagdaan, but your still not here.
Hindi ko na tuloy alam kung kakapit pa ako .. o kakalimutan ka na lang .. kasama ng anak natin.
'Baby .. pasensiya ka na sa Mommy, huh? I don't know if I can give you perfect family .. Your Mom wants you to be happy but I don't know how .. now that I am too broke to begin with.'
Hindi ko mapigilan ang paghikbi dahil sa kaisipang palalakihin ko ang aking anak na mag-isa at walang ama.
Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang musmos na anghel sa aking tabi. I went out of my hospital bed while suppressing the sobs in my throat.
Tulog na ang mag-asawa at ayoko silang magising at makita akong umiiyak kaya pansamantala akong lumabas.
Nanghihina pa rin ako kaya dahan-dahan lang ang aking paglakad. Gusto ko lang saglit lumabas at huminga. I need air ... I feel suffocated having the thoughts inside my head.
Nakakita ako ng bench sa lilim ng isang puno. Pinili kong maupo roon malapit sa entrance ng ospital. Maliwanag naman ang paligid kahit past nine na ng gabi.
May ilan pa ding tao na naglalakad sa labas kaya hindi nakakatakot kahit mag-isa lang ako sa lilim ng puno.
Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang ilang bituin na kumikinang. Dahil maliwanag sa pwesto ko, kunti lang ang nakikita kong bituin.
Kung sakaling may isang bulalakaw na dumaan, hihilingin kong sana .. makita ko na siya.
Isa ..
Dalawa ..
Tatlo ..
Wala pa rin..
Nadismaya ako ng wala pa ring dumaan na bulalakaw. Nakakatawang pati mga ganitong bagay ay pinatulan ko na. Ganito na pala talaga ako kadesperada.
May dumaang ambulance sa aking harapan na nagpababa ng aking tingin. May ilang nurse at doktor ang mabilis na sumalubong dito.
Iniiwas ko ang aking tingin at muling tumingala. Takot akong makakita ng mga isinusugod sa emergency room. Muli akong tumingala at saktong pagguhit ng isang maliwanag na bagay sa himpapawid.
'Bulalakaw ..'
Agad akong pumikit at nagsabi ng hiling na kay tagal ko nang inaasam.
"Boss, stable angina daw. Sumakit ang dibdib niya kanina dahil sa baradong ugat sa kanyang puso. May mga test pa daw na gagawin, babalitaan na lang kita .."
Hindi ko na naituloy ang akma kong paghiling sa bulalakaw na kay bilis ding nawala, at sumilip sa lalaking nagsasalita. Nakasandig ito sa railings at nakatalikod sa akin habang abala sa kanyang kausap sa cellphone.
Dahil sa kanya hindi ako nakahiling sa bulalakaw ..
Nahuli ako nitong nakatingin sa kanya nang bigla itong humarap. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpasya nang pumasok.
Nakakailang hakbang na ako ngunit agad akong napatigil nang may bigla akong naalala.
'Kung hindi ako nagkakamali kasama siya ni Samuel sa ipinakitang news report kagabi ..'
YOU ARE READING
Wake Me Up
عاطفيةDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...
