Miss Flamencio?" I heard someone called my name but I am too occupied to pay attention. It's like he took away my consciousness and left me absentmindedly.
"Miss Flamencio, are you still with us?"
"Are you okay?" Isang mahinang tapik sa balikat ang nagpabalik sa aking katinuan. They are all staring at me, and I can feel my face turning into a riped tomato.
Dagli kong iniiwas ang aking mga mata sa matikas na lalaking ilang pulgada lang ang layo sa aking harapan. Ibinaling ko ang aking tingin sa matandang opisyales at tumango dito.
"I-I'm fine .. po. Hindi ko lang po inaasahan na .. magkikita kami dito." Paputol-putol at tila nauutal ako habang nagsasalita. Ramdam ko pa rin ang sunod-sunod na pagtambol sa aking dibdib na siyang nagpapahina sa aking mga tuhod.
"Ibig sabihin ba'y kilala mo na si Captain De Madrid?" Wala sa loob akong tumango dito. "Mabuti pala kung ganoon, mabilis kang makakapag-adjust at may kakilala ka na." Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan nito sa akin bago tumingin kay Samue- I mean kay Captain De Madrid. "So, Captain, ikaw na ang bahala kay Miss Flamencio, make her extra comfortable here, ok?" I don't know if I heard it right but he sounds differently .. himig nanunukso.
Tumingin sa akin si Samuel ngunit wala akong mabasa sa ekspresyon nito. His lips are tightly closed while his eyes are seriously looking at me.
I want to look away but he's like a magnet drawing me close to him. Even at this point of time, I want to pinch my self just to make sure it's really not a dream.
Isang malakas na tikhim ang pumutol sa aking imahinasyon. Hindi rin nakawala sa aking paningin ang makahulugang tingin ng aming mga kasamahan. Maging si Mam Suzzette ay papalit-palit ang tingin sa amin ni Captain De Madrid.
"Miss Flamencio, may boyprend ka na ba?" Biglang tanong ni Rudolf habang pigil ang ngising nakatingin sa akin.
"Hey, that's enough! You are making her uncomfortable .." nag-aalangan pa ako kung sasagot sa tanong ngunit agad din iyong pinigil ni BC na nagpatahimik sa lahat. "Let's go back to work. I have a lot of things to discuss to you, officers." Tumalima ang lahat at sumunod sa conference room.
Kumuha ako ng ballpen at maliit na notebook bago sumunod sa kanila. Pero nagulat ako ng makitang nakatayo pa rin doon si Samuel at nakamasid sa aking ginagawa.
"So, you really made it here, huh .." Umikot ito sa mesa papunta sa aking kinatatayuan. He nearly blocked my way with his body frame. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa likuran habang tuwid na nakatayo sa aking harapan. "Well, let's see if you can survive here. But, welcome to the group!" He extend his right hand to reach my trembling hand.
I don't know if he can feel it, but before I could think about it he drop my hand then left.
Napahawak ako sa gilid ng mesa nang maramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Hindi ko na alam kung dahil iyon sa sinabi niya o dahil sa epekto ng presensiya niya sa aking pagkatao.
His presence has its way how to shaken my well-being .. hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin. Inches apart or not, he can still make me tremble and weary.
"Miss Flamencio, ok ka lang?" Nadatnan ako ni Miss Suzzette na nakasandig sa mesa habang nakatungo ang mukha. Sumulyap ako dito at binigyan ng tipid na ngiti.
"O-ok lang po .." Umayos ako ng tayo at saka kinuha ang notebook at ballpen sa mesa.
"Tara na, nagsisimula na si BC." Aya nito sa akin at saka magkasabay naming tinungo ang conference room.
"We all know that christmas is fast approaching." Nagsisimula na si BC nang pumasok kami.
Umupo kami sa bahaging kaliwa malapit sa dingding. Isang hanay lang ng silya ang nakapagitan sa amin mula sa unahan kung saan nakaupo si Samuel, no I must call him Captain De Madrid from now on.
"Every part of the city will be crowded, though security is not part of our job, we still need to cooperate with the policemen. We'll never know when will the rebels strike again."
Alam kong napakaseryoso ng paksang ito ngunit hindi ko magawang ituon ang aking atensyon. Okupado ang aking isipan ng taong seryosong nakikinig at nakatingin sa unahan.
'Why do I feel like it's so unfair!'
Ako lang ba yung nakakaramdam ng ganito? Ako lang ba ang kinakabahan at halos hindi makanali sa kinauupuan?
Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina? Bakit parang balewala sa kanya ang presensiya ko?
'Ano pa bang aasahan mo, Dionne? Yakapin ka? Malay ba niyang nagkita kayo sa panaginip ..'
Oo nga. Nakalimutan ko ... I just met him in my dreams, and next thing we'd met was far from my fantasy.
'Wait! I just save him!'
"Miss Flamencio? Do you have something to say?" Nagulat ako nang magsalita si BC at nakatingin sa akin.
Mali. Lahat pala sila nakatingin sa akin.
"Girl, okay ka lang ba talaga? Bakit bigla ka na lang nagdadabog diyan!" Bulong sa akin ni Mam Suzzette na sinundan ng isang maikling hagikgik.
Napatingin ako dito dahil sa kanyang sinabi at pagkuwa'y sumulyap ako kay Samuel .. I mean Captain De Madrid. He's also looking at me!
Shit!
'Ano na lang ang iisipin niya ...'
"Miss Flamencio .." muli akong tinawag ni BC. Agad kong iniiwas ang tingin kay Sam- Argh! Captain De Madrid at ipinako ang tingin sa unahan.
"Sorry, Sir! Pwede na po kayong magpatuloy ..." Itinuon ko na dito ang aking atensyon at pilit tinaboy sa isip ang lalaking nakaupo sa aking tapat.
"I want you to charge your self with strength, hindi birong kalaban ang mga rebelde, ayoko nang maulit pa ang nangyari nung nakaraan .. That was too painful for me." Bakas sa mukha nito ang matinding pagmamahal sa kanyang mga kasamahan. Bagamat ilang sandali ko palang silang nakakasama masasabi ko nang pamilya ang kanilang turingan dito.
"So, meeting adjourned!"
Mabilis akong tumayo nang marinig ko iyon. Hawak ang aking ballpen at notebook na wala namag sulat, bumaling ako kay Mam Suzzette at niyaya na itong lumabas.
"Sandali, kakanta pa tayo! May lakad ka ba? Bakit ka nagmamadali?" Tumawa ito dahil sa sinabi.
Napahiya naman ako dahil sa aking inasal ngunit nanatili akong nakatayo nang makita kong tumatayo na rin ang iba.
"Akala ko kasi tapos na, eh." Muli akong bumaling dito at saka bahagyang ngumiti.
"Umayos ka kapag may meeting kung ayaw mong manguna sa pagkanta .." bulong nito sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat kong tanong dito.
Ngunit hindi na ito nakasagot nang may pumailanlang na isang masiglang tunog.
May ibinigay na papel sa akin si Mam Suzzette.
"Lyrics yan ng BFP Hymn .." pagkasabi niyon ay nakisabay na ito sa pagkanta ng grupo.
"Kahit saan tawagin nang tungkulin
Kami'y maasahang tutugon pa rin
Kahit saan man ang apoy lilipinin
Sinumpaan ay aming tutuparin ... "Sabay-sabay at puno ng pagmamalaking inawit ng grupo ang himno. Kahit hawak ko ang lyrics hindi ko pa rin magawang sumabay dahil hindi ko naman alam ang tono. Nakinig na lang ako hanggang sa matapos ang kanta.
"... Kahit diwa ay mayroong isang pangarap
Sa puso ay mayroong isang hinahangad
Nasa harap ng apoy na nag-aalab
Magampanan ang tungkulin ng tapat."

YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...