Allibi

64 35 13
                                    


'Let me live with this lie ...'

Iniiwas niya ang tingin sa akin at tila nag-iisip ...  kahit saglit namataan ko ang lambot sa kanyang anyo.

Dumaan ang ilang minuto na kapwa kami tahimik at naninimbang ng sasabihin. Nakatayo pa rin siya habang nakatungo ang ulo at wari'y napakalim ng iniisip.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanila. O wala nga ba silang balak na masama sa akin?

Bakit nila ako dinala dito? Bakit?

Nakaramdam ako ng kirot sa aking sentido. Parang sasabog ito sa sobrang sakit.

Napapikit ako ng mariin nang tila umikot ang aking paligid. Humilab ang aking tiyan at para akong masusuka.

Mabilis akong tumayo at tumakbo sa labas. Napaubo ako nang maramdaman ko ang pait na lumabas sa aking bibig.

"Anong nangyari?!" Tanong ni Aling Felisa.

"Ayos ka lang?" Halos hindi ako makasagot sa tanong ni Samuel dahil bukod sa sakit na nararamdaman ko ay napakalapit pa niya sa akin.

Nakatunghay siya sa akin habang hinihimas ng bahagya ang aking likod.

Para akong idinuduyan dahil sa kiliting hatid ng banayad niyang kamay na dumadampi sa aking balat.

"Ito ang tubig inumin mo muna." Kinuha ni Samuel ang baso kay Aling Felisa at inalalayan akong uminom.

"S-salamat." Namamaos pa ako dahil sa dami ng aking isinuka. Masakit pa rin ang aking lalamunan at nanghihina ang aking mga tuhod.

Naramdaman ko ang pagkapit niya sa aking baywang. Inalalayan niya ako hanggang makaupo ako sa upuan.

Sapo ko pa rin ang aking tiyan kahit hindi na ito sumasakit.

'Ito na ang chance ko para mapatunayang may sakit nga ako ...'

"Ahh ... Aray!" Daing ko. Ipinikit ko ang aking mata habang sapo ko ang aking tiyan at tila namimilipit sa sakit.

Mabilis na lumapit sa akin si Aling Felisa at dinama ang aking tiyan.

May kinuha siyang botelya at idinampi sa aking sikmura pababa sa aking puson.

Paulit-ulit niya itong inikot sa aking tiyan ng ilang minuto.

"Kumusta ang pakiramdam ko? Masakit pa rin ba?" Bakas ang pag-aalala nito sa kanyang mukha.

"Kaya mo na bang kumain? Ikukuha na kita ng pagkain." Tanong ni Samuel.

Hindi na niya hinintay ang aking sagot at mabilis ng kumuha ng pagkain.

May ilang kalalakihan din ang naroon at alertong nakatingin sa amin.

Maging ang lalaking kausap ko kanina ay matamang nagmamasid sa amin. Blangko ang mukha nito at hindi ko mabasa ang iniisip. Hindi ko alam kung tuluyan ko na itong napaniwala

Wake Me UpWhere stories live. Discover now