Yesterday

40 10 0
                                    

Samuel's Point of view

I've met you somewhere in my dreams. You were crying terribly. And with your trembling body, you were running out of breathe.

"Help me! Please, help me! Spare me, please .."

That was what you'd told me while gasping for breathe. Paulit-ulit mo iyong sinabi sa akin kahit halos maputol na iyong hininga. Hindi ko alam ang gagawin ko ngunit nang makita ko ang iyong mukhang puno ng luha habang takot na takot, I surrendered.

At kahit ang kapalit niyon ay ang aking kapahamakan pinili kong tulungan ka.

"Andito na tayo. Bilisan niyo, doon kayo dumaan sa batis. Ako na ang bahalang bumaybay sa turil." Utos sa amin ni Ka Igno.

Agad kaming bumaba ng sasakyan. Baka maabutan pa kami ng mga pulis. Mahirap na!

"Ka Mauro, didispatsahin na ba natin 'to? Baka matunton tayo ng mga parak 'pag isinama pa natin!" Sigaw ni Mauro.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi ni Mauro. May takot na nagsimulang mabuo sa aking dibdib.

Tumingin si Ka Igno sa babaeng nasa aking tabi. Bakas sa magandang mukha nito ang takot.

Maganda? Nasabi ko ba talaga yun?

Hindi ako mapakali nang ilang sandaling hindi sumagot si Ka Igno. Nanatili itong nakatitig sa babae.

Halata na sa mukha nito ang pamumutla. Malamlam ang mga mata nitong parang nang-aakit. Para akong mahuhulog sa kailaliman sa tuwing magtatama ang aming mga mata. She has that charm that nobody can't lasts.

"Huwag. Nagmamadali tayo ... Dalhin niyo muna sa kampo. Bilisan niyo!"

Napahinga ako ng malalim nang marinig ang sinabi ni Ka Igno.

Agad kong hinila ang babaeng parang matutumba anumang oras. She really looks so fragile. Is it true that she has ovarian cancer?

How could that happen that she has only limited years to live?

After a couple of minutes, I heard her protests.

May kalayuan na ang tatlo naming kasabay kaya naiwan kaming dalawa sa mabatong bahagi ng bundok.

"Pwede ba tayong magpahinga kahit saglit? Masakit na ang aking paa, eh."

Sa ilang taon kong pamamalagi sa kampo, hindi ko na alintana ang matarik na daan. Sanay na din ako sa mahabang lakaran na hindi nakakaramdam ng pagod.

But this girl beside me looks extra delicate. Pero hindi ko iyon ipinahalata. I just dragged her again on the rocky side of the mountain.

"Hindi pwede. Kailangan kong magmadali. Tara na!"

She didn't utter a word. She just let me dragged her harshly.

Nakakailang hakbang pa lang kami nang matisod siya sa nakausling tuod. Nawalan ito ng balanse ngunit agad kong nasalo ang kanyang manipis na katawan.

My hand landed on her small waist. I didn't realized that I'm encircling my arms tightly. Her eyes captivated me and left my mind in all blurry.

It's too comfortable holding her like this ..

Shit!

Argh!

Bigla nitong inapakan ang aking paa at saka buong lakas ako nitong itinulak. Tumakbo ito nang mabilis nang makawala sa aking mga kamay. Hinabol ko ito kahit paika-ika ako sa pagtakbo.

Kapag nalaman ng grupo ang ginawa nito, baka tuluyan na siya. Hindi sila magdadalawang-isip gawin iyon. Those evil!

Nakita ko itong gumulong sa pababang bahagi ng bundok kaya't lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo para pigilan ito. Pareho na kaming paika-ikang naghahabulan. At dahil sa tinamong sugat nawalan ito ng balanse at muling nadapa.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now