"Let her in!" Isang baritonong boses ang pumutol sa aking pag-iisip.
Parang tumigil sa pagtibok ang aking puso nang marinig ang tinig nito. Agad akong lumingon at ang seryosong mukha ni Samuel ang sumalubong sa akin.
Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto at paglabas nito dahil okupado ng mga tanong ang aking isip.
"Samuel .." Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na ito.
"Tititigan mo na lang ba ako?" Tanong nito sa akin nang hindi pa rin ako makahuma sa aking pagkagulat.
Sa isang iglap ay aking tinakbo ang aming pagitan at walang pag-aalinlangan ko itong niyakap.
At sa hindi mabilang na pagkakataon muling bumalong ang aking mga luha. Ngayon alam kong hindi iyon dahil sa lungkot o takot, I'm certain .. I'm now crying with so much joy.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ang gusto ko lang ay maipadama sa kanya kung gaano ako kasaya na muli siyang makita.
Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang balikat kasabay ng pag-ikot ng kanyang dalawang kamay sa aking baywang. Tinumbasan nito ang higpit ng aking yakap na parang wala na akong balak pakawalan.
Sa totoo lang ayokong bumitaw sa kanyang yakap. Kung maaari lang sanang habang-buhay na kaming ganito .. kung wala lang akong naririnig na timitikhim sa loob hindi ko na siya pakakawalan.
I saw Edmond inside his room all smile. So he's the silent villain .. I must kill him now.
Niluwangan ni Samuel ang bukas ng pinto matapos kumalas sa aking pagkakayakap.
Nadatnan ko si Edmond na nakaupo at makahulugang nakangiti sa akin.
Tumayo ito sa pagkakaupo at kumindat pa sa akin bago tuluyang nagpaalam para bumili ng pagkain.
I know he's just happy for the both of us.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Kailan ka pa nagising? Bakit hindi agad ako tinawagan ni Edmond, sabi ko tawagan niya ako pag nagising ka na .. Natingnan ka na ba ng doktor? Wala na bang ..." Ako na ang kusang pumutol sa iba ko pang sasabihin at nakagat na lang ang ibabang labi nang mapansin kong nakatitig lang sa akin si Samuel habang pigil ang ngiti.
Nakasandig ito sa headboard ng hospital bed habang nasa gilid niya ako at hinahaplos ang kamay nito. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at dumapo sa hibla ng aking buhok na tumakas mula sa aking tainga. Nilaro niya ang mga iyon at muling sinakop sa tainga ko.
"Ako ang nagsabi kay Edmond na huwag ka nang tawagan para makapagpahinga ka. Ilang araw ka na daw kasing hindi nagpapahinga dahil sa pagbabantay sa akin." Tumigil ito sa pagsasalita at iginiya ang aking ulo sa kanyang dibdib habang hinahaplos ang aking buhok. Kinintilan niya iyon ng isang mabining halik bago muling nagsalita. " Guto kong makita ang ating anak .." napaangat ang aking ulo dahil sa sinabi nito.
Nanatili akong nakatitig dito at pilit inaarok ang kanyang sinabi.
"Bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo bang makilala ko ang ating anak?" Tanong nito na may himig pagtatampo.
Umiling ako sa tinuran nito habang pinaglalaruan ang kamay nito. "Para kasing hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari .. parang kailan lang wala akong tigil sa pag-iyak kahihintay sa'yo .."
Wala na akong mahihiling pa. Having him and my son are enough to make me happy and contented now.
Sumagi sa aking isip ang napanood ko kanina sa balita. Tiningnan kong mabuti si Samuel habang tinitimbang kung paano sasabihin dito ang masamang balita.
"A-alam mo na ba ang .. nangyari sa Papa .. mo?" Nag-aalangan pa ako kung dapat ko bang ipaalam iyon sa kanya. Baka kasi makasama sa kanya.
Tumitig ito sa akin ng ilang sandali bago muling nagsalita. "Yes .. Matagal ko ng alam ang tungkol dun. And that was the reason why I became part of the communist rebel."
Nilalaro niya ang aking kamay habang masuyong nakatingin sa akin. Pigil naman ang aking hinihinga sa pakikinig sa iba pa niyang sasabihin.
"Ako ang nagsiwalat sa mga pulis ng lahat ng tungkol sa mga masamang ginagawa ng aking ama. Noong natagpuan ako ng inyong team sa warehouse, I acted as bait. Doon sa warehouse ginaganap ang malalaking transaction ng droga. At para maisiwalat ang lahat ng yun, kailangan kong magpanggap na kakampi nila ... Luckily you've found me on time." Ipiniksi ko ang aking kamay na hawak nito.
"Nababaliw ka na ba? Paano kung may nangyaring masama sa'yo? Paano kung nahuli kami ng dating? Hindi ka ba nag-iisip .." Hinuli niya ang aking kamay nang tangka akong tatayo. Nawalan ako ng balanse at natumba sa dibdib nito.
"Wala namang nagyari 'di ba? Niligtas mo ako .." Pinaghahampas ko ang dibdib nito dahil sa takot at inis na umahon sa aking dibdib.
"Why are you so sure about that? You could have died there .. what would I do if ..." Nagsimulang gumaralgal ang aking boses nang niyakap ako nito ng mahigpit.
Inangat nito ang aking mukha at saka sinakop ang aking mga labi. He enveloped his left arm on my waist while pressing my head on his lips.
I moaned with so much thirst in between his hot kisses. I forgot everything I have in mind when he entered his tongue and playfully hovering inside my mouth.
Lalo pang lumalim ang kanyang halik nang ipilupot ko ang aking kamay sa kanyang batok.
I am so drawn with his kiss that I even forgot that we are still on the hospital and he is barely recovering. If it's not because of Edmond who entered innocently then we were still on fire ..
YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...