"Dionne ..." I can hear someone called my name. I looked around only to find out that I'm all alone from this darkness.
Where am I?
"Miss Flamencio .." Another voice echoed inside my head. Seemed familiar to me .. Was it Samuel?
'Samuel ..?!' I looked around and search for him.
I can't see anything, just darkness. I called out for him again. Still, I can't find him.
'Samuel? Please, come back! I need you .. please .. let me see you again. You promised me you won't ever leave me, didn't you?' with great sorrow in my voice, I begged for him.
"Samuel .. promise me .. come back .."
He didn't answer. No one heard me. Until an array of light struck me followed by a slight slapped on my face.
"Samuel .." kasabay ng pagbigkas ng kanyang pangalan ay ang pagmulat ng aking mga mata.
Habol ko pa rin ang aking paghinga habang iginagala ang aking paningin sa aking kinaroroonan. Base sa ayos ng lugar nasa kwarto ako ng isang ospital. Nanunuot din sa aking ilong ang nakakahilong amoy ng gamot na bumabalot sa paligid.
"Dionne .. Anak? Ayos ka lang ba?" Ang nag-aalalang mukha ni Mama ang tumambad sa akin. Nasulyapan ko rin si Papa na nakatayo sa likuran nito.
"Dylan, tawagin mo ang doktor! Sabihin mo gising na ang ate mo." Tarantang utos dito ni Mama. Matuling na tumayo ang aking bunsong kapatid na noo'y nag-aalala ding nakatingin sa akin.
"Anak .." gulat akong napatingin kay Mama ng pumiyok ito sa pagtawag sa akin. Nakita ko ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa kanyang pisngi. "Ano bang nangyari ... Akala ko .." lalong lumakas ang paghagulhol nito habang mahigpit na nakakapit sa aking braso.
Nakatalungko ito sa aking gilid habang puno ng luha ang mga matang nagtatanong sa akin.
"Hayaan mo muna. Baka mabigla ang anak mo. Hayaan mo munang magpahinga." Marahang pigil dito ng aking ama.
"Hindi pa ba sapat ang isang linggong natutulog siya? Ano pang pahinga ang kailangan niya! Akala ko nga .. a-akala ko hindi .. takot na takot ako!" Tumaas ang boses ni Mama ngunit bahagyang pumipiyok dahil sa labis na pag-iyak. Pinaghahampas ako nito sa braso habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking tagiliran.
Hindi ko na din napigilan ang aking sarili na mapahagulhol nang marinig ang sinabi ni Mama. Kung ganoon, isang linggo na ako dito sa ospital? At isang linggo na din akong walang malay?
Dionne, what did you do? Bakit hindi ko magawang kontrolin ang sarili mo? Parati ka na lang bang magpapakalunod sa mga pantasya mo?!
Sinabayan ko ang aking ina sa pag-iyak habang tahimik lang na nakatayo ang aking ama at pasimpleng tinutuyo ang luhang pilit na kumakawala sa kanyang mata. Hindi niya kami pinigilan sa aming kadramahan. Hinayaan niya lang kaming humagulhol hanggang kumalma ang bawat isa sa amin.
Pasinghot-singhot pa ako ng pumasok ang doktor.
"How are you feeling, Miss Flamencio?" The doctor came together with the nurses. Bakas sa mukha nila ang pagkamangha habang nakatunghay sa akin. Lumapit sa akin ang dalawang nurse at may inayos sa nakakabit na dextrose at kung anu-ano pang aparato.
Marahan akong ngumiti bilang tugon sa doktor na nakatayo sa aking harapan.
"Nahihilo ka ba? May nararamdaman ka bang masakit?" Muling tanong nito.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Mabigat ang aking pakiramdam ngunit hindi naman ako nahihilo. Marahil ay dahil sa ilang araw kong pagkakahiga.
"Hindi naman po ako nahihilo." Tugon ko dito sa mahinang boses. Nanghihina pa rin ako buhat sa matagal na pagkakahimbing.
Pero totoo bang isang linggo akong walang malay?Ibig sabihin muli akong pumasok sa mundo ng aking panaginip? Pero bakit ganun pakiramdam ko totoo lahat ng nangyari? Malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon ang mga eksena kung paano ko hinabol si Samuel, ang tagpo doon sa kaparangan, at ang nanunumbat na mga mata ni Joaquin.
I can still feel the pain. I still have the fear inside my chest and the sorrow of losing him.
"Nothing seriously happened." Pinutol ng doktor ang naglilimayon kong utak. Mataman akong tumingin dito at pilit inuunawa ang mga sinasabi. "Wala namang nakitang sugat o kahit anong pamumuo ng dugo sa iyong ulo nung hinimatay ka. So, I assumed that it was more of psychological measure." He stopped for moment before looking at me with his scrutinising eyes. "We've conducted some tests, but we couldn't see any prior fractures. And I heard you hadn't undergone any surgeries before."
He sounded as if he already knew the reason but he didn't spilled it yet. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman. It's either it was his diagnosis or someone told him so. Might be Ate Lorielle ..
But how am I gonna admit it in front of my family? Ayokong mag-alala sila sa akin ..
"I've already discussed this to your family. It's true, nothing serious is going on, physically .. But I can't tell more than that. Maybe you know what am I talking about, Miss Flamencio." The doctor added.
Should I tell them the truth? Pero paano ko ba sasabihin sa kanila kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Paano nila matatanggap na hinayaan ko ang aking sarili na makulong sa isang panaginip?
Ang tapang-tapang kong piliin ang taong nakilala ko lang naman sa aking panaginip pero hindi ko mapanindigan ang consequence ng aking ginawa ..
Ilang sandaling nanaig ang katahimikan. Matamang nakatingin sa akin ang matandang doktor ngunit hindi ako pinilit na magsalita. Ni hindi ako makatingin dito ng maayos dahil natatakot ako na baka hindi ko na mapigilang aminin ang totoo.
"Anak .." marahang tawag-pansin sa akin ni Mama. "A-ano .. ba talagang ... nangyayari sa'yo?" Umiiyak na naman si Mama. Halos hindi niya matapos ang kanyang sinasabi dahil sa hindi niya mapigil na hagulhol.
Alam kong sobra na silang nag-aalala pero ayoko nang dagdagan pa iyon. Or maybe I'm still hoping that I can fix this?
In the middle of silence, the door suddenly opened. Ate Lorielle hurriedly came in together with Kuya Danny. They both looked at me with their eyes full of dread.
"Callie .." Ate Lorielle walked closer to me. She looks extremely concerned. Maybe because she already knew ...
"Magpapaalam muna kami. I'll talk to you later, Miss Flamencio. Maybe you are ready by then. Still, the nurses will keep monitoring your state .." tumalikod na ito matapos ang ilan pang mga habilin. Kasunod na din nitong umalis ang dalawang nurse.
"What happened? You sure nothing is wrong?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Kuya Dan.
Lumapit ito sa akin at umupo sa kanang bahagi ng kama katabi ni Ate Lorielle. Hawak ni Ate Lorielle ang kamay at marahang pinipisil. But the look on her face gives a lot more comfort. Her sympathetic eyes somehow calm my crumbling hope of light.
At least there's someone I can lean on ..

YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...