'Maaga pa para mawalan ng pag-asa.'
Ito ang parati kong sinasabi sa aking sarili. Sa mga oras at araw na lumilipas na hindi ko siya kasama parang gusto ko nang panghinaan ng loob.
Para kasing napakarami ko nang nasayang na oras sa paghihintay ko sa kanya. Pero sa tuwing pinagmamasdan ko ang aking munting anghel, lumalakas ang loob ko. At kahit yata habang-buhay akong maghintay, kakayanin ko.
This little angel deserves a better life ..
"Ma, ikaw muna ang bahala kay Emman. Baka gabihin ulit ako."
Isang taon na ang nakalipas at wala pa rin akong balita kay Samuel. Ganun pa man pinilit kong magsimulang muli kasama ang aking munting anghel.
Alam kong mahirap sa simula. Well, being a single mother is no joke. That's why I need to move on now and start a new life.
"Rescue dispatch! Rescue dispatch! Thick dark smoke! Warehouse building. 249 Oriental St."
We are having a short break from our dispatch two hours ago when another alarm came.
"Ten-four! Ten-four! Responding!" In a minute we are heading to the fire site.
Halos dalawang linggo na simula nang magpasya akong muling magtrabaho. Ito na ang pangatlong beses kong reresponde sa sunog. Kahit kinakabahan, pinipilit kong palakasin ang aking loob.
It is exactly seven minutes when we arrived at the scene. We immediately assesed the situation since we are advised that there's someone trapped inside.
"Men, mobilize the stair! We need to blow the wall!" Dahil sa kapal ng usok hindi kami pwedeng pumasok sa loob.
Nagsimula kaming umakyat sa ikalawang palapag gamit ang mahabang hagdan. Doon kami magsisimula para maapula ang apoy.
"Pressure! Pressure!"
Nakarating kami sa ikalawang palapag ng gusali at sinisimulang apulahin ang apoy mula sa sinirang bintana.
Pumasok kami sa isang kwarto para i-rescue ang naiwan sa loob. Ngunit wala ng tao sa loob nang makapasok kami. Sunog na ang mga gamit at ang iba ay naging abo na.
"Search the area ..!" Lumabas ako sa kwarto na aming pinasukan at nagsimulang hanapin kung meron ngang naiwan sa loob at kung buhay pa ito.
"Sir, kailangan ko ng tulong. May hinimatay dito." Narinig kong tumawag ang isa kong kasamahan.
Sumunod ako sa hallway nang makita ko silang nagtakbuhan doon. Isang lalaki ang natagpuan naming nakahandusay at wala ng malay.
Nanginig ang aking katawan at habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa nakahandusay na lalaki.
Bagamat nahihilo na ako at walang masyadong maaninag dahil sa usok na bumabalot sa loob alam kong hindi ako nagkakamali sa aking nakikita.
Napaluhod ako sa uluhan nito habang mataman itong pinagmasdan. May galos ang mukha nito at bahid ng dugo sa damit.
"Samuel ..!" Natutop ko ang aking bibig dahil sa gulat at pangamba.
'Anong nangyari .. sa'yo?'

YOU ARE READING
Wake Me Up
RomanceDionne has finally freed her self from her nerve-racking training in BFP training camp. She decided to have a vacation on her home town. She has so much plan for her future. But a tragic accidents happened. New People's Army (NPA) attacked the bus...