Dream Telepathy

46 10 0
                                    

Two days ago

Good morning!" masigla kong bati sa aking kapatid na naabutan kung nagkakape sa kusina kinaumagahan.

Mabigat pa rin ang aking pakiramdam pero pinilit ko nang bumangon. Halos maghapon na akong nakahiga pagkauwi namin kahapon galing sa ospital. Ngunit hindi naman ako makatulog ng maayos dahil sa dami ng tumatakbo sa aking isip. Hindi ko alam kung anong oras ako dinalaw ng antok kagabi, though I felt I'm half awake the whole night.

"Morning, Ate .." halos namamaos pa ang boses nito at halatang kagigising pa lamang.

"Antok pa?" Natatawa kong tanong dito. Umupo ako sa tapat nito at saka nangalumbaba. Tinatamad pa akong kumain dahil kagigising ko pa lamang.

Tumingin ako kay Dylan nang hindi ito sumagot at nilalaro ang tasa ng kape. Iniikot niya iyon at saka biglang matitigilan. Mukhang napakalalim ng iniisip nito habang nakakunot ang noo.

"Puyat ka ba?" Tanong ko dito at saka sinundan ng mahinang tawa.

Nag-angat ito ng mukha at saka seryoso akong tinitigan. Hindi ito nagsalita ngunit hindi rin hiniwalayan ang aking mukha. Bahagyang sumikdo ang aking dibdib dahil sa ikinikilos ng aking kapatid. He's still young but his aura gives chills down my spine. As if he has something to blurted out on me

"May gusto ka bang sabihin .. sa akin?" I asked with discomfort in my voice.

"Ate .. sino si Sawyl? Or was it .. Samuel?" Puno ng pag-aalinlangan niyang tanong. Hindi niya pa rin inaalis ang seryoso niyang mata na nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung para saan ang katanungang iyon, pero sobra akong kinabahan.

"Why did you ask?" Ganti kong tanong dito habang pilit inuunawa kung saan patungo ang aming usapan. Hindi ko talaga maiwasang kabahan dahil sa seryoso niyang tingin sa akin.

"Last night, no, I think every night even before you'd been hospitalized, I heard you uttering his name while sleeping." Lalo nitong pinag-igi ang pagtitig sa akin na para bang ayaw palagpasin kahit ang aking paghinga. "I've been so worried, since the day you came back, you look different. Tapos kagabi, I caught you weeping while saying his name in between. I thought you were awake but, you were in deep sleep .." he paused for a moment.

Hindi ako makapagsalita nang marinig ang kanyang mga sinabi. Akala ko walang nakakaalam. Akala ko nagawa ko nang itago ang mga pangyayaring iyon. Pero paano ko ba sasabihin sa kanila kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin?

I already decided to never tell them .. I need to take a break. I'll try to forget him.

"I-Im fine. Please, 'wag mo na lang sanang sabihin kina Mama. Mag-aalala lang ang mga iyon .." nangungusap ang aking mga matang tumingin dito.

Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita.

"Ikaw ang bahala .. pero .. sigurado bang okey ka lang talaga?" Hindi maalis sa mukha nito ang pag-aalala. Tumitig lang ako dito at bahagyang ngumiti. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at saka muling hinigop ang kape.

Ilang sandali kaming tahimik at walang nagnais na magsalita. Tumayo ako para magtimpla ng kape at siya namang pagpasok ni Mama sa kusina.

"Ma, pupunta ako kina Kuya Danny."agad tumingin si Mama nang marinig ang aking sinabi.

"Kaya mo na ba?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito ngunit ngumiti na lang ako.

"Susunduin po ako ngayon ni Ate Lorielle .. wala po kasi siyang pasok kaya doon muna ako tatambay sa kanila." I lied. Mabuti hindi ko nakagat ang aking dila.

I lied, again. Pupuntahan namin ngayon ang kaibigan ni Ate Lorielle. I talked to her last night and I finally decided to seek for professional help.

"Sigurado bang kaya ko na? Baka mabaynat ka?" Sumunod si Mama nang umupo ako sa mesa.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now