Cloud.
NASA isang sulok ako ng library hindi para magbasa. Nandito ako upang pigilan ang makukulit kong mga luha. Anumang oras kasi ay sigurado akong tutulo na ang mga ito.
I hate myself for being so arrogant. Kahit alam kong may kasalanan ako, pinipilit ko pa rin ang nasa isip ko. 'Yon ay dahil tama naman talaga ako.
'I don't think people understand how difficult it is to explain what's going on your head when you don't even understand yourself.'
Napangisi ako kasabay ang pagtulo nang mga luha na kanina pa gustong kumawala. Ang luha na mabilis napalitan nang paghikbi. Bakit biglang gumulo ang lahat? Pakiramdam ko'y napakalaki ng problema. At pakiramdam ko ay ako ang gumawa no'n.
'No, you have to trust yourself Alv. Cheer up! First day 'to! Assuming ka lang talaga!'
Makailang beses muna akong huminga ng malalim at napahawak sa aking puso, kakaiba ang pintig nito. Hindi gaya noong mga nagdaang araw, mas mabigat, malakas at masakit ang sa ngayon. Tila ba'y umabot ang aking puso sa lalamunan na naging rason upang mahirapan akong huminga. 'What's happening to me?'
Dali-dali akong tumayo sa aking inuupuan at lumabas ng silid aklatan. Nais ng aking katawan na makalanghap ng sariwang hangin. Ngunit ang sandaling katahimikan na 'yon ay biglang nasira.
"Miss Lovero!" sigaw ng aming MAPEH teacher na si Sir Benedicto.
'You're doomed.'
"Why are you still here? Balita ko'y ikaw ang president ng 4th year? It's not a good example na nakikita kang pagala-gala rito habang ang iba'y nasa field na para sa activity!" animo'y dismayadong sambit nito.
Hindi na ako umimik pa at tinanguan lamang ito dahil hindi ko na nagugustuhan ang daloy ng araw na ito. Mukhang matatapos ang unang araw ng klase na puno ng paghihinagpis ang aking damdamin.
'Kasalanan mo 'to Kalmin.'
Ayaw ko man siyang sisihin, nagkukusa 'yon at may punto ako. Kung hindi dahil sa kaniya'y hindi ako iinsultuhin ni MJ.
Kung hindi dahil sa kaniya'y hindi ako magmumukhang tanga sa 'king mga kaibigan.
Kung hindi dahil sa kaniya'y hindi ako magiging lutang at mas lalong hindi madidismaya si Sir Benedicto.
'At kung 'di dahil sa kaniya, hindi ako makakaramdam ng ganito.'
LUTANG akong nakarating sa field at ang mga kaklase ko'y nakapalibot na sa berdeng damuhan. Palibhasa'y nasa ibang section sina Rylle at Shys, mag-isa kong nilabanan ang mga titig na hindi ko mawari kung ano. Titig na para bang nagtatanong, nagtataka kung bakit ngayon lamang ako, at titig na para bang nanghuhusga.
'You're being overdramatic.'
Yumuko na lamang ako upang hindi na sila tuluyan pang makita. Nahihibang na talaga 'ko sa kung anu-ano ang nakikita ko. Gustuhin ko man ang magpahinga dahil pakiramdam ko'y napakarami kong dinanas na kamalasan ngayong araw ay hindi ko magawa. Lalo na't nakita na 'ko ni Sir at napagalitan pa sa pagiging independent.
'Magiging ganito pa rin kaya ako kung hindi ako ang naging President? Magagawa ko kaya na makapag cutting? Hindi. Dahil hindi mo 'yon gawain Alvapriya. 'Wag kang pabuang-buang.'
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...