Chapter 8

16 1 0
                                    

Kalmin Eon Denovan.

"WHAT'S the most painful word you've ever received?" bulong bigla sa 'kin ni Kalmin sa kalagitnaan ng pag-lelesson ni Miss Melou. Ang aming Values Teacher.

"Will you please shut up? Kanina ka pa eh."

"Answer my question first." parang bata na sambit pa nito.

Kanina niya pa ako tinatanong kung ano ba ang pinakamasakit na salita na natanggap ko. Siyempre ay hindi ko 'yon sasagutin dahil hindi naman kami magkaibigan. Kanina pa nito ako kinukulit at naiirita na talaga ako.

'Feeling close talaga, hindi pa nga nakaka 1 week kung makapag-tanong akala mo may pinagsamahan na kami. Tch.'

Kataka-taka talaga ang kawalang hiyaan ni Kalmin. Kung ako ang nasa lagay niya ay hindi ako makikipag kaibigan agad lalo na kung bago lamang ako sa isang paaralan. Sa lagay niya ay walang 'hiya' na nakasaad sa kaniyang bokabolaryo.

Sa dalawang araw na nakakasama ang nilalang na 'to ay pabago-bago ang ipinapakita niya. Kahapon lang ay para itong istriktong propesor sa pagka seryoso. Gumawa pa ng eksena. Ngayon naman ay para itong simpleng estudyante na bulakbol. Kanina pa hindi matigil sa pagkuda.

'Daig pa ang babae sa pagiging moody. Hindi ba siya naiilang?'

"Hey, I said answer me fir—"

"Sinabi nang tumahimik ka eh!" biglang sigaw ko!

Biglang tumigil si Miss.

Biglang tumigil ang ilan pang hindi nakikinig.

Biglang tumigil si Kalmin.

Biglang tumigil si Alvapriya.

"Yes Miss Lovero? Mukhang may problema ka yata?" sabi ni Miss with full sarcasm.

"I'm s-sorry..."

"Anytime ay pwede kayong lumabas ni Mister Denovan at do'n kayo mag bangayan buong maghapon."

Bumuntong-hininga ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Tumingin pa ako kay Kalmin para sana ismiran ngunit nag tulog-tulogan naman ang huli.

'Nakaka dalawa ka na! Pahamak ka kahit kailan!'

Ilang segundo na katahimikan pa ang namayani bago muling magsalita ang aming guro.

"We have to realize that our lives could be gone in a split second." sambit ni Miss na pumukaw sa atensiyon ko. "Stop waiting for tomorrow when it's still today. Also, know the difference between stopping and pausing."

Nagpalakad-lakad ito sa harap at muling nagsalita. "Life doesn't pause for us, students. We pause for life. When things are great, we pause because we tried. When things are bad, we pause because we're tired." Tumigil ito sa harap at seryoso kaming tinitigan. "But when we're tired, that doesn't mean that we have to stop. Let's all face it... In this world, we shouldn't be focusing on what is wrong. Be grateful for surviving today.

"Miss Vallador?"

"Yes Miss?" takang tanong naman ni Heart. Isa ring matalik kong kaibigan.

"Please stand up." anito at tumayo naman ang huli. "What is the most painful word you've ever received?" seryosong tanong nito.

Nagulat naman ako dahil 'yon rin ang tinanong sa'kin ni Kalmin. Lumingon ako sa kaniya at binigyan niya lang ako ng isang tipid na ngiti.

"U-Uhm..." Heart looks nervous. Ilang segundo ang lumipas at hindi nito nasagot ang tanong. Napangiti naman si Miss at pinaupo na ito.

"Ang dali-dali para sa mga tao na magbitiw ng masasakit na salita." iiling-iling na sambit ni Miss. "Ngunit ang hirap naman sabihin kung ano ang salita na siyang tumusok sa 'ting puso at mas masakit dahil naiwan pa sa isipan."

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon