Chapter 43

1 3 2
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

DUMAAN ang pasko at bagong taon ay mas lalo lamang pinaramdam ni Kalmin ang tunay niyang pagmamahal. Nakakatawang isipin na walang kami, na papunta rin naman doon ay nagagawa ko pang isipin si Cloud.

Hanggang ngayon kasi ay ganoon pa rin ito. Hindi nagbago. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari noong sembreak samantalang ako ay hindi talaga mapakali sa tuwing nariyan siya. Nagpatuloy na ulit ang klase at ang pag-eensayo ko. Ganoon pa rin si Cloud. Nananatiling normal at hindi man lang kakikitaan ng katiting na ilang.

'Babae kasi ako. Lahat dapat ramdam ko kahit minsan, hindi naman totoo.'

Si Kalmin ay nananatiling sweet at maharot. Palagi na siya naming isinasama tuwing recess at lunch. Ganoon na rin sa tuwing may mga pupuntahan. Siya na rin ang isinasama ko sa tuwing nagsisimba.

"What do we have for lunch?" minsang tanong niya nang matapos ang misa. Nakangiti na ito nang lumingon ako.

"Uhm.." nakanguso akong nag-isip isip at walang pumapasok sa utak. "I don't know."

"Of course you don't, *tsup!" Agad na nanlaki ang mga mata ko nang bigla ako nitong hinalikan! Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ang isang bata na nag-titinda ng mga kandila na nakatakip ang mga kamay sa mata!

"B-Buang ka ah! M-Makasalanan ka," utal na ani ko pa at bahagya itong pinagpapapalo.

'Makasanalan siya! Hindi man lang lumayo muna sa simbahan bago gumawa ng kababalaghan!'

"I think I'm full." nakangising sambit niya pa at umakbay sa akin. Nagsimula na itong mag-lakad munit hindi ako humakbang. "What?" he chuckled.

"M-Makasanalan!" sambit ko at dinuro pa ito.

Agad naman siyang ngumuso at nag-salubong ang mga kilay. "What? Masama ba? Bakit? Saan ba naghahalikan ang mga bagong kasal? 'Di ba't sa church din naman?"

Inis ko itong inirapan at nagpamaunang naglakad.

'Iba talaga kapag ikaw ang kasama. Mas buang ka pa sa buang.'

"What are you thinking?" biglang tanong ni Cloud na kasalukuyang nakikipaglaban sa'kin.

"A-Ah w-wala."

"Tch ano nga ang iniisip mo?"

'Kulit naman eh.'

"Wala nga— aray! Ano ba!" utas ko nang bigla ako nitong hinila at pinilipit ang dalawa kong braso! "H-Huy ah! M-Masakit!"

Ngunit wala itong narinig. Ganoon siya lagi sa tuwing ikinukulong niya ako sa kaniyang mga bisig. At gaya ng nakasanayan, inipit ko ang dalawa niyang paa gamit ang paa ko at ginamit ang noo para iuntog sa kaniyang baba.

'Masakit pero hehe tumba.'

Nabitawan niya ako't patalikod na natumba at nagkukumahog sa sakit. Hinimas-himas nito ang kaniyang baba na ngayon ay pulang-pula na. "You're crazy!" sigaw niya pa. "Kapag ako nahospital humanda ka talaga!"

"I'm scared hahaha!" sarkastikong ani ko pa. Mayamaya pa'y pumasok na ang iba pa naming kasama at umupo sa sahig. Ibig sabihin ay may pag-uusapan na naman.

Lumapit ako kay Halley na ngayon ay kulay berde na ang buhok. "Nice hair." usal ko.

"Dapat lang. I'm excited for you!"

Nangunot naman ang noo ko. "Huh? Bakit?"

"Shh let's wait for them!" nangingiting aniya pa at tumingin sa ladder.

Napatingin naman ako doon at dahan-dahang bumukas ang sikretong pinto. Inilabas noon si Master at may isa, dalawa, tatlo, at apat na bagong tao akong nakita.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon