Chapter 36

5 3 0
                                        

ALVAPRIYA'S POV.

NAPAKA-INIT ng suot kong saya at gusto ko na agad mag-simula ang programa. Mabuti nalang at katabi ko si Ruke, preskong-presko ito sa pagpaypay. Pati ako nahahanginan.

"Ano 'teh kamusta? Aaminin ko na ngayon ah? Ang ganda mo," biglang sabi ni Ruke sa akin.

Naniningkit ang mga mata na tinignan ko ito at dinuro pa. "Hoy, alam mo, kapag naging lalaki ka, ikaw talaga ang type ko!" biro ko sa kaniya at umasta naman ito na parang masusuka.

"Ang gandang ito ay para lamang sa mga taong hindi katulad mo! Jusko 'te kaderder ka ah?!" maarte pa ring usal niya. Lagi naman.

"Oo at magpapakalalaki ka din mamaya! Hahahaha!"

"Letse! Hubarin mo 'yang saya mo at ako ang mag-susuot! Nainitan ka lang saglit, pinamukha mo na agad sa 'kin ang tunay kong anyo! Tsupi!"

'Buang talaga'

Mayamaya pa'y nakita ko na si Shys na nakabusangot na papunta sa direksyon ko. Hirap na hirap niyang binibitbit ang tatlong magkakaibang laki na paso. 'Yon ang theme ng kanilang sayaw.

"Hapon na hapon nakabusangot ka," natatawang ani ko matapos niyang umupo.

"Kainis kasi si Stanley! Alam na ni daddy na boyfriend ko si Rylle! Arghh!"

"Ha? Paano?"

"Ayun sila sa baba oh! Kausap 'yong parents ni Rylle," nakangusong aniya pa.

Tumingin naman ako nagkukumpulang mga tao doon banda sa entrance ng gym. Iisa lang ang ibig sabihin no'n. Nandoon ang sikat na parents ni Rylle.

"Ano naman ngayon? Ba't 'di ka nalang kiligin?"

"E-Eh..." Nag-isip pa ito at muling ngumuso. "Timang kasi n'ong kapatid ko eh, ako dapat ang magsasabi!"

"Buang din pala 'yang kapatid mo 'no? Mana sa ate hahaha!"

"Ikaw ah! Inaasar mo na 'ko!"

"Joke lang ikaw naman!"

"Pero maiba ako," Naniningkit na mga mata na aniya naman. Kinabahan agad ako. "Bakit blooming ka ngayon? Hmm,"

"Huy ah, 'wag kang malisyosa at make up lang 'to." nakangiwing usal ko at tila hindi naman ito kumbinsido. "A-Ano na naman ba?"

"Ang haba talaga ng buhok mo eh 'no? Bahala ka nga!"

'Baliw'

Napatili naman ang mga estudyanteng malapit sa 'min nang mamataan si Rylle na may hawak na dalawang mahahabang kawayan at papalapit sa kaniyang nobya.

"Oh, saan ang giyera?" natatawang biro naman ni Ruke.

"Baliw. Tinikling ang amin."

"Alam ko at walang nagtatanong hahaha! Utak mo din eh 'no?" Humagalpak naman kami ng tawa. Buang talaga kahit kailan.

Mayamaya pa'y nagsimula na ang programa. Kaninang umaga kasi ay para 'yon sa pre-school hanggang elementary. At ngayong hapon ay para na sa higher years.

"Alvapriya?" Bigla akong napalingon sa kumalabit sa 'kin. Si Sir Stones. "Can I talk to you for a minute? This is really important,"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa't tumayo na at sumunod sa kaniya papuntang backstage. "Ano po 'yon sir?" kinakabahang usal ko.

"H-Hindi kasi makakapunta ngayon si Ciella-"

"What?!" gulat na sambit ko!

'Isa lang ang ibig sabihin nito!'

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon