ALVAPRIYA'S POV.
ARAW naman ngayon ng Linggo at kagagaling lang namin ni Nanang sa cathedral. Doon ay ipinagdasal ko ang mabilis na paggaling ng lolo ko.
Pinauna ko muna si Nanang sa bahay at sinabi kong may pupuntahan muna ako saglit.
'Mabuti nalang at pinauwi ni Mommy ang kambal. Malaya ako ngayon.'
Papunta ako ngayon sa bahay ni Shys para sorpresahin ito. Birthday niya kasi at bubungangaan lang ako no'n kapag wala itong natanggap na regalo sa 'kin.
Sa paglalakad ko ay nahagip ko si
Manong na nagtitinda ng streetfoods sa harap ng school na papasok sa isang bahay na gawa sa kawayan. Halos matabunan na ito ng naglalakihang mga puno. Maliit ito at tila dalawang tao lang ang magkakasiya.'Kawawa naman.'
Sa sobrang awa ko ay hindi ko namalayan na nasa isang mall na pala ako at isa-isa ko na palang inilalagay ang iba't ibang de lata at mga kagamitan sa sariling cart.
'Nagagawa pa kaming ilibre ni Manong ng french fries. Baliw talaga si Shys, inabuso pa hmp!'
Dumako ako sa mga frozen foods at doon kumuha ng fries, kikiam, nuggets, hotdogs at iba pa. Mayamaya pa'y pumunta na 'ko sa cashier para magbayad.
Bumalik ako sa kung saan ko nakita si Manong at marahang kumatok sa pintuang gawa sa yero.
Bigat na bigat na ako sa hawak na dalawang naglalakihang eco bag. Bago ko pa ito bitawan ay binuksan na 'yon ni manong. Gulat na gulat.
"A-An—" Hindi nito natapos ang sasabihin nang makita ang mga bitbit ko.
"Pwede ko na po ba itong ilapag sa lamesa ninyo?" magalang na sambit ko. Hindi ito nagsalita at pinapasok nalang sa kaniyang bahay.
Tinignan ko ang kabuuan ng bahay niya at hindi ko masasabing bahay ito. Hindi naman sa pangiinsulto ngunit kwarto lamang ng isang may kaya na tao ang bahay ni manong.
Masikip. Sobrang sikip. Pagpasok ay doon makikita ang magkatabing mahabang sofa at lamesa. Iisa lang din ang upuan na maayos ang pagkakasalansan. At sa tapat niyon ay ang mahabang kama. Sa dulo ng kama ay doon nakapwesto ang katamtaman lang ang laki na ref. Bukod d'on ay wala na 'kong ibang gamit na nakikita bukod sa mga nakasabit na damit at pantalon sa pader. Walang espesyal. Ni litrato ay wala.
Tunaw na tunaw na ang puso ko at gusto kong tumulong pa. Tumingin ako kay manong na kasalukuyang umiiling na nilalagay ang mga pagkain sa ref.
"How did you find me?" walang lingunang tanong niya.
Tumikhim naman muna ako. "Birthday po kasi ni Shys, papunta na po sana ako ro'n nang makita kita na pumasok dito so..." Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin.
"I don't need these but I appreciate it. Thankyou." pormal at nakangiting usal niya na sa 'kin.
Sinagot ko naman ito nang ngiti. "Pwede po ba'ng mag-tanong manong?"
Tumango naman ito.
"Sino po ba ang kasama mo dito?"
Ngumiti pa muna ito bago magsalita. "Marami."
"P-Po?"
'Baka baliw si Manong?'
"Marami akong kasama dito. Now tell me the story behind that bruise on your arm."
Nagulat naman agad ako sa tanong niya. Tiningnan ko ang braso kong may tahi at walang pagaanlinlangan na nagkwento sa kaniya. Masiyadong magaan ang pakiramdam ko kay manong. Mabait ito at tila isang maimpluwensiyang tao. Nakakatawa.
"Cloud Terraño?"
Kumunot naman ang noo ko. "Kilala niyo po? Opo siya 'yong nagbantay sa 'kin."
"Hahahahaha!"
'Hala buang.'
Humagalpak ng tawa si Manong habang nagpapapalakpak pa! Tila may nakakatawa sa sinasabi ko.
"Si Ulap? Nagbantay ng isang dalaga? Kahanga-hanga." ngiting-ngiti na usal niya pa.
"B-Bakit po ba?"
Imbes na sagutin ay tumayo ito at lumapit sa 'kin. "Tumayo ka muna hija."
Nagtataka man ay tumayo pa rin ako mula sa pagkakaupo sa matigas na sofa niya.
Doon ay hinila niya ang sofa at inihinarang sa pinto. Kinabahan ako munit kumalma din naman agad. Lumuhod ito at may pinindot sa kung saan dahilan para bumukas ang sahig! Ang parte lamang na natabunan kanina ng sofa!
"What in the..." Hindi ko na natapos ang sasabihin nang tuluyan na itong bumukas. May ladder doon papunta sa baba!
"Do you like the idea of hidden undergrounds?"
Hindi ako nakasagot nang bumaba ito. Agad naman akong sumunod at tanging dilim lang ang nakikita ko.
"Manong?" tawag ko pa dahil wala na halos talaga akong makita. Nanatili akong nakahawak sa ladder at nakalingon sa kung saan.
Sinagot ako nito nang palakpak. Doon ay bumukas ang mga ilaw mula sa ceiling. Apat na bilog sa bawat sulok ang unang bumukas, sumunod ang isang malaking bilog na naging dahilan para makita ko ang kabuuan ng paligid.
Napanganga ako sa nakikita! This is surreal!
"A-Ah w-wait, oh my.." I am so speechless. My heart's beating so fast!
"Welcome to my training ground."
Humakbang ako ng isa at agad din namang natigilan. Napatitig ako sa mga medalya na nakikita ko sa aking tabi.
'What the hell? Ngayon ay naniniwala na ako, na kung nasa panaginip man ako, gisingin ako ngayon na!'
Napakalawak ng lugar na ito. Napakalamig at napakaliwanag. Ibang-iba sa tahanan na nakita ko kanina. Kung dawang tao lang ang maaaring magkasiya sa bahay na gawa sa kawayan na 'yon ay nasisiguro kong dalawang buong pamilya na ang maaaring magsama rito!
Lumingon ako sa kanan at doon nakita ang nagkikinangang mga medalya at certificates. Imbes na mga alahas ay medalya ang nakalagay sa mahabang cabinet na nakapalibot ang glass. May paikot na ilaw doon para mas lalong makita ang mga napagtagumpayan ng kung sino man.
Dumako naman ang paningin ko sa kaliwa. May mga punching bag na nagkalat, mga espada, arnis, at isang pinto na sa tingin ko'y restroom.
Tumingin naman ako sa aking likuran at mas lalong namangha. Mga litrato iyon ng kung sino-sinong mga tao na nakasuot ng puti at asul na uniporme na sinusuot ng mga Karateka. Nakita ko ang litrato ni Manong! At halos tumulo ang mga laway ko sa sobrang pagkanganga. May mga litrato siya kung saan may hawak na arnis, nakasipa sa ere at kung anu-ano pa.
Ngunit naputol ang pagkamangha ko nang mag-ring ang cellphone ko.
"H-Hello?"
"Alv where are you?" sambit ni Shys!
'Dang! I forgot!'
"A-Ah kasi.. Ano baka mamaya pa ng hapon ako makarating, hintayin mo muna ako ha?"
"Where are you ba?"
"I know maarte ka sa gifts—"
"Hoy! Sino ang nagsabi? Ikaw ah? Timang ka ah!"
Natawa naman ako nang bahagya. "Sige na, just wait for me there okay? Mag kukwento rin naman ako eh."
"Siguraduhin mo lang! Sige, I'll wait! Babye!"
Tatawa-tawa kong binaba ang linya at nagulat pa nang makita si Manong sa tabi ko. Hindi ko man lang naramdaman.
"Nagulat ba kita?"
"A-Ah hindi po ah!" depensa ko pa.
"Why don't you see my ring?"
Taka naman akong tumingin sa kamay niya ngunit humagalpak lang ito ulit nang tawa at pumalakpak na naman. 'Buang talaga 'to si manong eh. Ang dami niyang alam.'
"Not a small ring. A bigger ring to be exact."
——
Huy hi! Please don't forget to vote and comment! Thankyouuu ^-^
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...