Chapter 16

10 1 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ang alarm clock. '5:30 am. Aga ko ah.'

I thanked God and drank my water. Pinatay ko ang aircon at binuksan ang veranda. Lumabas ako't dinala ang cellphone. Napakaganda ng tanawin.

Magkahalong violet at pink ang kalangitan at napakalamig nang simoy ng hangin na tumatama sa 'king balat. Pinanood ko rin ang tahimik na pagsayaw ng hangin sa mga naglalakihang puno at napakasarap sa pakiramdam na pagmasdan ang mga 'yon.

Kinuhanan ko ng litrato ang nakakabighaning kalikasan at masayang pumasok sa kwarto.

"Rain rain go away, please don't come today." bulong ko sa sarili.

Niligpit ko muna ang aking higaan at dumeretso sa banyo para maghilamos. Tinali ko ang buhok at bumaba na para magprepare ng breakfast.

"Aba aba, ang aga mo naman yata ngayon hija? Himala ah!" bungad agad ni Nanang. Naghihiwa pa lang siya ng carrots na sa tingin ko'y para sa vegetable rice. "Umupo ka muna ro'n sa sala Iya, aba e nilalagnat ka ba?!"

Tinawanan ko naman ang huli dahil bakas talaga ang pagkagulat sa kaniya. "Hayaan mo na 'ko Nanang hahaha. Sinadya ko po talaga'ng gumising nang ganito kaaga para makapagluto na din po ako ulit ng breakfast."

"Aba e nilalagnat ka ngang talaga! Tsk tsk pagagalitan ako niyan ni Alice kapag nalaman—"

"Nanang? Gusto ko lang po ako ang mag prepare ng almusal ngayon, kasi sayang naman ang gising ko oh? Para hindi na din ako ma-late hehe," nakangiting usal ko at kumuha na ng limang itlog. Binati ko ang mga ito sa isang bowl at nilagyan ng cornstarch at cornbeef. Pinrito ko ang mga ito at sampu ang nagawa kong omelette. 'Hmmm bango!'

Pinagtimpla ko rin si Nanang ng kape at tanging tubig lang ang akin. Maya maya pa'y tapos na ang niluluto niya.

"Nanang mamaya ka na po maghugas,"

Nakangiting lumabas sa kusina si Nanang at nanlaki ang mata na siyang ipinagtaka ko. "Yes po?"

"A-Ang dami naman n-niyan?!" tugon niya at nakaturo sa mga omelette. Takang tinignan ko naman 'yon at tumango-tango.

"Pakitawag nalang po please kay Sir Danillo at Ronillo. Sabay sabay na po tayong mag-almusal." nakangiting usal ko pa rin sakaniya. Dahan dahan naman siyang lumapit sa 'kin at kinapa pa ang leeg ko. "Nanang, wala po akong lagnat at hindi ako lalagnatin, ano ka ba? Hahaha!"

"Aba e, wala naman rito ang lola mo?"

"Bawal po ba? Hayaan niyo na po at baka ma-late ako, sige ka!" pananakot ko pa kunwari at agad naman itong nagtungo sa kuwarto ng dalawa.

Yes, madalas kong ipagluto sila ng almusal lalo na kung nandito talaga si Lola at maaga akong gumising. Pero hindi ko na 'yon masiyadong nagagawa dahil kadalasan talaga ay puyat ako sa mga assignments at nag-aadvance reading.

Masaya kaming kumain at nag-usap ng kung anu-ano. Ilang oras din ay umakyat na 'ko para maligo at nagbihis na ng uniform. Inayos ang sarili, nag-toothbrush at naligo ulit ng perfume.

Nasa daan na kami papuntang school nang mapatingin ako sa cellphone. May tatlong notification ako sa twitter at may text si Shys. Nag-twitter muna ako saglit para lamang magulat.

@ayieyieyie
SAIJA'S DAY! Omg omg omg! Sana nando'n si crush!

@sarahnghae
hoi ano na @alvampire ? 'di ka talaga sasali? final na?!
-
@iamsoshy
hoy! @sarahnghae! 'di nga sasali eh! right? @alvampire ? wag na u makulit :p
-
@sarahnghae
ows? kapag may gwapo do'n 'wag na 'wag kang lalapit @alvampire! kakalimutan ko talagang kaibigan kita!

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon