Chapter 14

7 1 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

KASALUKUYAN kaming kumakain ni Shys ng cheesesticks, kikiam at kung anu-ano pa dito sa tapat ng school. Nakaupo kami sa isang bench at do'n ini-enjoy ang pagkain. Mayroon kasi ditong nagtitinda ng street foods at hindi naman ipinagbabawal 'yon.

Paborito ko sa lahat ang kikiam. At si manong na nagtitinda ay siyang nagtitinda nito since first year highschool. kami. Kung tutuusin ay hindi mo mapagkakamalan na mahirap si manong dahil maputi at makinis ang balat nito. Kaedaran niya lang din ang mga tito ko na pinsan ni Mommy kaya nakakapagtaka talaga.

'Bakit ba 'ko nagkukwento.'

"How are you feeling?" tanong ko bigla kay Shys. Ngumiti ito at nilapag ang kinakaing fries sa tabi.

"Haaay, hindi ko ma-explain. Hindi mo talaga alam kung gaano ako kasaya Alv! Hindi pa rin ako maka get over!—bakit mo nga naman pala naitanong?"

"Wala lang, I'm happy talaga."

"Weh?"

"Ayan ka nanaman sa weh weh mo. Psh, weh-wehin kaya kita?!"

"Hahaha pero seriously, I'm very happy."

"I can see it. Sa tinagal-tagal ba naman ng panahon, ngayon niya lang naisipan na i-seryoso ang lahat, ano ba ang nangyari do'n?"

"Bakiiiit?"

"Eh kasi, pwede niya naman gawin 'yon agad-agad! Pinatagal niya pa talaga ah?"

"Sungit mo! M-Mabuti nga at okay na hehe hindi na ako mag-iisip na w-wala siyang balak na ilegal ako hahahaha!"

Napahagikhik naman ako sa sinabi niya. Masaya talaga ako para sakaniya, sino ba naman ang hindi? She's very sweet, very kind, very patient but very sensitive at the same time. Who will reject a soft-hearted person? Numb.

Tumingala ako sa ulap at muling ngumiti. "You're lucky." mahinang sambit ko. Naramdaman ko naman ang pag-lingon niya kaya naman ay nag-salita ulit ako. "You're very lucky. You must be thankful."

"I am." narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. "I am thankful because I met an amazing person like you. A great friend and a great sister"

"Nagka-love life ka lang gumaganyan kana ah? I think I need to find the one, char!"

"Timang ka talaga! I'm serious. Masiyado ka kasing busy at hindi ko malaman kung kailan ka ba free! Kaya hindi ko nasasabi sa 'yo 'yan!"

Bahagya pa 'kong natawa. 'I'm busy thinking!'

"I'm not busy, it's just that... Occupied lang ang utak, I guess?"

"Ah talaga? At ano ang pre-occupied?! Ang isip mo ba talaga? Kanino?!"

"Ano ka ba! Kanino agad? 'Di ba puwedeng 'ano'? Issuenism ka rin eh 'no?"

Sininghalan niya naman ako at kumuha ng cheesestick ko. "Hindi ka pinayagan 'no?"

Agad naman akong nalito. "Saan?"

"Psh, kaya ka nagkakaganiyan kasi alam kong hindi ka pinayagan."

"What do you mean by 'ganiyan'?"

"Pansin ko kasing hindi mo binanggit ang matagal-tagal mo nang inaasam na alam mo na? Kaya sigurado akong hindi ka pinayagan ni tita."

'You know me well huhuhu!'

Gusto kong maiyak. Maiyak dahil nandiyan na nga ang oportunidad, hindi ko pa makukuha. Maiyak dahil wala akong magawa, at wala akong magagawa.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon