SHYSTINE'S POV.
NAGUGULAT kong pinagmamasdan ang lalaking nakatingin sa matalik kong kaibigan. Tila nanghaharana ito dahil may hawak pang gitara at nakangiti kay Alv.
'Ayaw pa kasi aminin na mahaba ang buhok e.'
Napailing naman ako't nakangiwing pinanonood si Cloud.
"Dream's there for those who sleep, life is for us to keep. And if you're wondering what this song is needing to, I wanna make it with you."
"Akalain mong may mag-haharana sa'yo sa kasagsagan ng sembreak? Lagot ka kay tita," kunwaring buyo ko pa sa nanlalaki'ng mga mata na si Alvapriya. Gulat na gulat ito at nakatitig lamang sa lalaki.
'Ano naman ang mayroon sa titig na 'yan? Sinasabi ko na nga ba at may tinatago talaga ito.'
"Dream's there for those who sleep, life is for us to keep and if I chose the one I love to help me through. I'd like to make it with you."
Mataman kong tiningnan ang bawat reaksyon na lumalabas sa hitsura ni Alv. Kung manghuhula ako ngayon ay saya, kilig, tuwa, gulat, at lito ang makikita roon. Timang na ngang siguro ako ngunit ganoon talaga.
"Grabe naman talaga ang nagagawa ni pag-ibig, pati kaibigan ko tinamaan ulit!"
"Tumahimik ka nga," nakangusong usal niya ay pinandilatan ko naman agad ito!
"I really think that we can make it girl. I really think that we can make it girl."
Mayamaya pa'y may kung anu-ano pang tunog na ginawa si Cloud gamit ang sariling gitara. Kung tutuusin, hindi masyado maganda ang boses nito. Hindi sa nanlalait ako pero iyon talaga ang totoo. May tono ito ngunit mayamaya'y pumipiyok. Malamig ang boses pero hindi pa rin maganda. Sadyang maayos lang ang dictions niya.
Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni daddy. Nasa gilid ko na pala siya. "Ikaw ba ang kinakantahan niyan?"
Nangunot naman agad ang noo ko. "Hello? Timang ka dad? Nakausap mo na't lahat ang mga Rellano, hindi ka pa rin aware."
"Tuwang-tuwa ang tita mo Alice sa kaniya." mahinang bulong niya at agad naman akong kinabahan.
'Minsan ko lang narinig na matuwa si tita, kapag nagkataon na magustuhan niya si Cloud, patay! Paano ang Kalmin heart ko? Huhuhu.'
Hindi ko ikakaila at gusto ko si Kalmin kumpara kay Cloud. Hindi dahil may nararamdaman ako sakaniya kundi dahil para kay Alv. Mayroon sa parte ko ang nagsasabi na sila ang magkakatuluyan sa huli. Sigurado akong may nararamdaman na din si Alv sa isa sakanila. Hindi pwedeng wala. Hindi maaari.
Umiling-iling si Cloud na tila natauhan sa kaniyang ginawa. Kinagat nito ang labi at napahimas pa sa kaniya batok. Hindi makatingin sa mga taong nasa harapan niya. Pati ang kapitbahay, nakikinuod.
"I d-didn't know na you p-play guitar," mahinang utas pa ni Alv. Halos ibulong niya pa.
"A-Ah, I d-don't know what to say," mahinang usal naman ni Cloud na dahan-dahang lumapit kay Alv. Napahawak naman ako sa dalawang pisngi ko dahil sa kilig! Kung wala lang dito ang parents ko ay baka sinakal ko na ang dalawa sa sobrang tuwa!
![](https://img.wattpad.com/cover/218767583-288-k46629.jpg)
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...