HEART'S POV.
HINDI ko labis maintindihan ang ikinikilos ni Alv. Marahil ay hindi lang ako ang nakakahalata.
We're classmates since first year highschool. We're not bestfriends but we're really close. Friendly naman kasi talaga siya. Sa sobrang friendly niya'y kinakaibigan ang hindi dapat kaibiganin.
'Just like MJ.'
I think I have the rights to share their not-so-sweet-love story. Lahat naman na siguro ng estudyante sa COIS ay alam ang istorya nang dalawa.
Second year highschool noon nang magsimula si MJ na manligaw kay Alv. Aside from being popular and rich. He really have the looks. He's a good looking boy.
Then there is Alvapriya. Mahinhin, matalino at sobrang bait. Nahulog sa isang manloloko na tulad ni MJ. We used to tease her "Honor student, bumagsak sa maling tao! Alvapriya Lovero!" back then.
Well at first, we are all happy about their relationship. Masaya sila sa isa't isa at hindi nagkakaproblema. MJ was very sweet. He was gentle.
While on the other hand there's Alvapriya, enjoying the first chapter of her love story. Without knowing that things will get bad.
Walang tao ang makakapagbigay o makakapagsabi na may nagawang mali si Alvapriya para mauwi sa lokohan ang lahat. Walang matinong tao na makakaintindi sa bagay na ginawa ni MJ.
As I've said, mabuti ang intensyon ni MJ sa dalaga. Halos araw-araw sila kung lumabas para mag-date. Araw-araw silang nagtuturuan sa mga assignment. At saksi kaming mga kaibigan niya do'n dahil halos araw-araw din kung mag-tweet ang dalaga sa twitter tungkol sa nararamdaman niya sa lalaki.
Ngunit sa isang iglap nawala ang lahat. Sa isang iglap lumamig ang lahat. Kumalat ang balita na may nobya na si MJ at hindi si Alvapriya 'yon. Hindi namin nakita ang babae niya marahil ay hindi taga Coska. Marahil ay ayaw din matsismisan. Binansagan na din noon si MJ na babaero, cheater, manggagamit, at kung ano pa na masasakit pakinggan.
Nakakaawa ang nangyari kay Alv. Kumbaga, siya ang lugi. Nawalan ito ng gana. Minsan pa nga'y nakikita nalang namin siya na nagpapahid ng sariling luha. Hindi rin siya namin makausap nang matino. Ngunit kahit ganoon ay bumilib kami sa kaniya. Sa isang taon kasi na pagmamahalan nila na hahantong lang din sa hindi magandang pagkakaintindihan ay hindi nito kailanman napabayaan ang pag-aaral. 'Yon nga lang, nadalasan na siya sa pagpupuyat. Nasosobrahan sa aral dahil ayaw niyang mabaling ang atensiyon sa naunang nobyo. Nauuwi lang sa paghagulgol niya sa tuwing sasagi sa isip ang pangalang MJ Torres.
Ngunit ang Alvapriya na nakikita ko ngayon ay malayong malayo sa Alvapriya noon. Kung dati ay madalang itong magsalita, ngayon ay halos kausapin niya na ang lahat. Kung dati ay matalino, ngayon ay mukhang may mas itatalino pa. Ngunit pansin ko lang din sa tuwing nag-uusap sila ni Kalmin Eon Denovan ang ilang bagay. Ang new student na aniya'y parang isang propesor.
Nagiging masungit ito. N'ong mga unang araw ng klase ay rinig na rinig ko ang pagbabangayan nilang dalawa. Nagiging mainitin ang ulo niya. Sikat si Alvapriya, hindi lang siya aware. Lahat kami ay nakaantabay sa kilos at pananalita niya. Kaya alam namin kung may kakaiba ba sa kaniya. Gayunpaman ay masasabi kong matatanggal na sa sistema niya ang sakit na idinulot ni MJ. Nakakatawa isipin na, nang dumating si Kalmin ay hindi na talaga nagtatagpo ang landas ni Alvapriya at MJ.
"Hindi ko alam kung bakit nariyan ka Mister Denovan!"
Natinag na lamang ako nang marinig ang sigaw ni Miss. Mukhang manenermon na naman ito ng matagal-tagal.
"Hindi ninyo alam kung gaano kami nahihirapan sa pagsasalita rito sa harap para turuan kayo! Lagi ko nalang naririnig ang pangalan ninyo sa faculty lalo na ikaw Mister Denovan!"
Tumingin naman ako kay Kalmin at tila natutulog ito. 'Isip-bata.'
"Isip-bata." Napalingon ako kay Ayesha nang marinig siyang magsalita. Matalik ko ring siyang kaibigan.
"Alam mo bang 'yan ang sinabi ko bago lang?" nakangiwing usal ko.
"Well, gano'n talaga kapag maganda."
Umiling na lamang ako. At nakinig sa paulit-ulit na "Hindi ninyo alam," na sigaw ni miss.
"Para kayong mga Amino acid." bulong niya pa ngunit rinig naman nang lahat.
"Ano'ng connect?" wala sa sariling usal ni Fred.
'Rinig ka loko hahaha!'
Napatinigin naman ako kay Miss at nanlalaki ang mga mata at nakaturo pa sa estudyante. "Walang connect Mister Arellano! Gano'n iyon!" nangangalaiting sigaw na naman pa sa kaniya ni Miss.
"Kahit kailan talaga, highblood." bulong na naman ni Ayesha.
"Kabahan kana kapag si Leon ang na-highblood." Patungkol ko pa sa matandang guro namin sa Filipino na katulad niya'y isa ring highblood.
"You will start your group reporting next week. Denovan, Terraño and Lovero. You will be the first to present. Continue Amino acid, Almiño."
"Almiño?" takang tanong naman naming lahat.
"Yes Almiño. Alvapriya, Kalmin and Terraño. May problema?" taas kilay na tanong niya pa.
"Lakas talaga ng amats nito ni Miss eh 'no. Almiño your face." bulong na naman ni Ayesha.
"Kapag tayo nahuli at mapagalitan patay ka talaga sa 'kin." mahinang bulong ko rin sakaniya.
'Delikado masiyado si Miss ngayon eh.'
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...