ALVAPRIYA'S POV.
MABILIS na lumipas ang mga araw at kailangan na naming maghanda para sa buwan ng wika na gaganapin na sa susunod na biyernes. As usual, may paligsahan na naman sa pagkanta, pagtula, at pagsayaw. Hindi rin doon mawawala ang magagarbong mga damit na isusuot ng mga mananayaw.
"Uhh class, Cariñosa ang nabunot ko at 'yon ang sasayawin ninyo." nakangiting usal ni Sir Stones.
"Ha? Eh pang-elementary naman 'yon eh," wala sa sariling sabi ni Fred na napalakas na naman.
"Who told you that? Hindi lang para sa elementary ang Cariñosa, Arellano." nakangiwing usal naman ni Sir. "Fourty naman kayong lahat. Ihahati nalang natin sa apat na grupo. Arellano, magsulat ka ng ten Heart, ten Ayesha, ten uhh Sarah at ten Alvapriya."
'Ano daw?'
"Nevermind ako nalang." nakangiwing bawi naman ni Sir nang hindi siya nito sinagot. Buang din.
Tahimik akong nakaupo habang nagbabasa ng comic book. Hanggang ngayon ay hindi ako tinitingan o kinakausap ni Kalmin at ganoon din naman ako sakaniya. Noong reporting nga ay hindi rin kami halos ganoon na nagkakaintindihan ngunit mataas pa rin ang nakuha na marka. Sila man ni Cloud na noon ay nag-aasaran ay pormal na lamang ang trato sa isa't isa. Hindi na din nila ako ginugulo katulad n'ong una, bagay na ipinagtaka ko dahil nasanay na ako na may dumadaldal at kumukulit sa akin.
Sa tuwing nag-eensayo naman ng Karate ay hindi ko rin masyadong nakikita si Cloud. Kadalasan ay si Master Ian at Halley lang ang nag-tuturo sa akin. Hindi ito sumisipot sa tuwing tinatawagan siya ni Master munit lagi naman itong present sa klase.
Hanggang sa dumaan ang exam. Mas lalo kong itinuon ang atensyon sa pag-aaral at bumalik na sa dati ang buhay ko. As if it was really changed.
Masyado pang sariwa ang ginawa ni Kalmin kamakailan. Naiilang ako sa presensya niya at paulit-ulit na naririnig ang huling sinabi nito.
"I can be more closer to you. And I'm warning you. We're not friends and will never be."
"Ano naman kaya ang pumasok sa kukote niya?" mahinang bulong ko sa sarili.
"But I assure you, we can be more than that."
Nanlaki naman ang nga mata ko at bahagyang kumuyom ang mga palad na nakahawak pa rin sa libro. Napakurap-kurap ako't lumunok pa. 'What does that mean? We can be more than what?'
"Hey," Bigla akong nagulat nang kalabitin ako ng aking katabi!
I blinked thrice and sweatstarts to form on my forehead.
"H-Ha?"
"He's calling you."
"S-Sino?"
"Sir."
Wala sa sariling napatango ako at tumingin sa harapan, sinesenyasan ako ni Sir na lumapit sa kaniya kaya naman ay tumayo na ako't hindi mapakali sa paglalakad. Para akong lutang na buang na hindi ko maintindihan ang sarili.
'Ano ba Alv.'
"Is it okay for you to uhh, handle the last group?" tanong agad ni Sir nang makalapit ako. Katabi ko ngayon sina Heart, Sarah, at Ayesha.
"What do you mean by that Sir?" kunot-noong ani ko.
"We don't have much time to prepare for the buwan ng wika at uhh, naisipan kong ihati kayong lahat sa apat na grupo. Since hindi rin ako makakafocus sa pag-ppractice sa inyo dahil me and Mister Fransisco will organize the event." Paliwanag niya pa. "I'd like to win this competition sana. Gusto niyo din naman ba 'yon?" nakangiting aniya.
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...