joke pala.
ALVAPRIYA'S POV.
HINDI maubos ang mga katanungan na nagsisiliparan sa aking utak. Nakakalito. Nakakalungkot.
"Did you cut your hair?"
"Hindi."
"Eh bakit umikli ang buhok mo? And hindi pa talaga pantay ah? Are you okay?"
"Of course I am, Halley. Don't worry about me."
"I hope so too, Alv." Malungkot itong ngumiti at lumabas na sa aking kwarto.
I sighed.
I took off my jacket and wore long sleeves. Nevermind my scratches. It'll take time to heal.
'How about my mental health?'
Nagbuntong-hininga ako at humarap sa salamin. Inipon ko ang katiting na buhok sa kanang kamay at agad na ginupit ito. "Birthday ko na ngayon, nasaan ka na."
Tears then fell off my face. Pain just keeps on heavier and heavier each day. I could not just stay here and wait 'til something happen. I want to make 'it' happen.
Isang taon na ang nakalipas at sariwang-sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayari. Kung gaano ako nagpadala sa sariling emosyon, sariling gusto. Kung paano ako nagpaloko sa hayop na nilalang na 'yon. Kung paano ko nagawang talikuran ang sarili kong pamilya. Kung paano kaming nabilog lahat. Kung paano kami napaglaruan. Kung paano kami... nasaktan.
Sariwa pa rin ang lahat.
Sa bawat araw na dumaan ay katumbas nito ang pag-sayang ko sa buhok na matagal kong iniingatan. At kapag tuluyan na itong umiksi.
Kakalimutan ko na ang lahat.
"Anak? Can I get in?"
Agad kong sinuot ang jacket at tinago sa likod ang gunting. Ngumiti ako kay Daddy at ganoon din naman ito. Nagtataka nitong tinignan ang aking buhok at nagbuntong-hininga.
"Happy birthday anak. Here's a present for you."
Taka kong tinignan ang asul na kahon. Sa hindi malamang dahilan ay biglang tumulo ang aking mga luha. Nananadya ba siya?
"W-What's this?"
"I want you to take that. H-Hindi ko naibigay sa Mommy mo. I was planning to give her that pagkatapos noong honeymoon. But yeah..."
"D-Dad.."
"Wear that anak." mahinang bulong nito at siya na mismo ang nag-suot sa akin ng bracelet. Tatlo na iyon ngayon.
MJ.
Kalmin.
Dad.
Mga importanteng tao sa buhay ko na nagawa akong saktan at paiyakin. Ngunit labis ang alaala na ipinadama sa akin. Labis na tuwa at masasayang pangyayari sa tanang buhay ko.
"How do you accept it dad?" mahinang tanong ko at walang pasabi itong yinakap. "Why is it so hard, dad? Ayoko na umiyak po.."
Hinagod nito ang aking likod at mariing napapapikit nang halikan nito ang aking sentido. "Acceptance is the key anak."
Bumuhos na ng tuluyan ang aking mga luha at mabilis na umiling. Hindi ako naniniwala talaga roon. Ayaw kong tanggapin. Nasasaktan pa rin ako.
"There's no other way than accepting. You'll be healed anak.. remember."
"Bakit? Bakit si Mommy pa? Where is Kalmin, dad?"
"I h-have no i-idea, anak,"
"S-Sabi niya b-babalik siya bago ako mag-birthday. Last year pa 'yon e.."
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...