ALVAPRIYA'S POV.
Tila bumagal ang oras nang buong pwersa kong agawin ang baril sa kaniya at itinapon 'yon sa kung saan. Nilingon niya 'yon ngunit hindi ako natinag.
Bakas ang galit sa mata nito nang ibinalik niya ang paningin sa 'kin. Walang pasabi itong naglakad papalapit at hinihintay ko lang ang pag-atake niya. Humakbang pa ito papalapit sa 'kin at binantayan ko naman ang mga kamay niya. Umaasa kung may kutsilyo na naman ba ito o kaya'y isa pang baril. Nakakabaliw.
Bigla itong sumugod at akma akong susuntukin ngunit agad ko 'yong nailagan at nanlaki pa ang mga mata! 'I can't believe I'm doing this.'
Yumuko ako at bahagyang hinawakan ang kaliwang paa nito. Buong pwersa ko 'yong hinila at agad naman itong natumba. Ngunit sa ganoong paraan ay napansin ko'ng naka boots ito. Kulay itim at makintab. Ni hindi ko nakita ang mabilis na pag-sipa niya sa aking tiyan. Napahawak ako do'n at bahagyang naubo.
Halos maisubsob ko ang katawan sa sahig ngunit hindi ko 'yon ginawa. Pinilit ko'ng tumayo nang tuwid kahit sobrang sakit ng aking tiyan. Halatang mabigat ang sapatos nito kaya ganoon na lamang ang sakit no'n.
Agad nitong hinila ang aking mga braso at pinalapit sa kaniya. Nasa likod ko siya ngayon at iniipit niya ang braso sa aking leeg. Mas lalo akong nahihirapang huminga ngunit hindi ko na 'yon alintana nang maramdaman ang kung ano sa aking likod.
Sinikap ko'ng makapagsalita kahit nanggigil ang braso nito na nakapulupot sa aking leeg. "Y-You...h-hi t-t-there, l-lady."
"A-Ah,"
Halos mahalikan ko ang sahig ng pabato ako nitong binitawan. Nakatalikod ako sakaniya at natatakot sa kung ano man ang kaniyang gagawin.
Maaari niya akong saksakin.
O kaya'y barilin.
At wala na akong lakas para lumaban. Hindi sapat ang lakas ko ngayon at pagod na pagod ako.
"We're not done yet." aniya at napalingon naman ako sakaniya. Na sana'y hindi ko nalang ginawa dahil tuhod niya ang sumalubong sa aking mukha. At sa ikatlong pagkakataon, dumilim ang paligid.
"AGAIN?! Bakit ba wala kayo lagi kapag ganito ang sitwasyon tito?"
"We are there! Lagi kang sumusulpot na bata ka!"
"That's because you're not doing anything to stop those people from threatening her."
"That's what you thought Ulap. Nahuli na namin 'yong taong 'yon."
"What?"
"I told you. We are not here to just be her so called bodyguards but her protector."
"Ano?"
"Ewan ko sa'yong bata ka. Ang tigas ng ulo mo."
Nagising nanaman ako sa ingay. Marahan kong idinilat ang mga mata at kumurap-kurap pa. Habang tinitignan ang mga tao na nasa gilid ko'y prinoproseso ko ang sinabi nila. "N-Nahuli niyo na?"
Agad namang nagsipagtayuan ang mga ito at nagkatinginan pa. "Kahapon pa namin dinala sa presinto 'yong lalaking nagtangka na patayin ka noong pumunta ka ng park at sa paaralan. Why aren't you telling us na umulit pala ang gano'ng pangyayari?" kunot-noong tanong ni Sir Ronillo. "You should've told us para nagawan agad namin ng action. Alice would be really mad if malaman niyang pinababayaan ka namin kahit hindi naman—"
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...