ALVAPRIYA'S POV.
"THERE are four major styles of Karate. They're Shito-ryu, Goju-ryu, Shotokan-ryu, and Wado-ryu."
"Wala akong ibang naintindihan bukod sa ryu." mahinang usal ko na kasalukuyang nakaupo sa sahig at nakatingala kay Master Ian. Today is the day. I'll be learning, again.
Humalakhak naman siya. "Ang Shito-ryu ay siyang pinaka sikat na uri ng Karate. It utilizes long linear stances and power. It also focuses on fluidity and speed during katas and sparring." May ipinakita itong litrato. "This is Kenwa Mabuni. He's the founder of Shito-ryu." May inilabas pa itong isang litrato naman ng isang babae. "And this is his daughter. Tsukasa Mabuni. She's currently the Shito-ryu's soke."
"And what is a soke?" takang tanong ko.
"She's the leader."
'Oh.'
Isa-isa pang itinuro ni Master ang iba pang major styles ng Karate. Nalaman ko din na marami talaga ang istilo noon ngunit apat lang ang kailangan kong matutunan.
"Kapag nahasa ka na sa apat na 'yon ay hindi ka na mahihirapan pa sa iba." nakangiting aniya pa. "Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon pero hindi na 'yon importante pa. Alam kong balang araw ay magagamit mo ang lahat ng itinuro at ituturo ko. Siyempre, para sa sariling proteksyon at kabutihan."
"I want you to know these two things. Kata is different from Kumite. Kata contains movement. Whether the posture is offensive or defensive. Typical Karate na nakikita mo sa mga paaralan while the Kumite, 'yon ay ang sparring. Sigurado namang alam mo na 'yon?"
Tumango naman ako.
Ang iba pang binanggit niya ay nabanggit na din noon ni Master Shiro. Ang una kong naging master noong first year highschool.
May kaonti pa 'kong natatandaan ngunit hindi na ganoon kalinaw. Ilang taon na rin kasi ang nakalilipas at hindi ko na 'yon pinagtuunan pa masyado nang pansin. Pinilit ko na 'yon noong kalimutan. Ngunit mayroon pa rin sa sistema ko na nagsasabing walang rason para kalimutan ko 'yon.
Karate can be practiced as an art, obviously self-defense and ofcourse as a combat sport. At sa oras na ito, iniisip ko kung nakikipag kompitensya din ba noon si manong? Este si master?
"Ah, m-master?"
"Hai?"
Natawa naman ako. 'Paano ba 'yan? Eh nani lang ang kaya kong bigkasin.' deep in thought.
"Are you also in a competition with others?"
"Karate?"
"Hai," nakangiting panggagaya ko pa.
"Well," aniya na tumingin sa likod. Napatingin din naman ako at sa mga litrato na nakapaskil sa dingding. "I guess? Nakita ko ang mukha ko d'on eh. Maybe, nag-ccompete talaga ako."
Nagtaka naman ako at lumingon sa kaniya. Nakakunot ang noo nito at tila ba'y naguguluhan din. "What do you mean po?"
"I forgot things." nakangiting aniya. "Mabuti nalang at naiwan sa alaala ko ang Karate. Mayroon pa rin naman akong maituturo."
Tiningnan ko siya at hayun nanaman ang nakakahawa na kalungkutan niya. Nakangiti kasi ito munit halatang-halata sa kaniyang mga mata ang emosyon na kahit pilit niyang itinatago ay kusang nakikita. Malungkot. Nasasaktan.
'Hay ewan ko sa 'yo Alvapriya. Buang ka na talaga.'
Narinig ko pa'ng marahan na pagbuntong-hininga nito. "Shall we start?"

BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...