Chapter 28

6 2 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

"ANO BA ang nangyari?"

"I don't know okay? Nakita ko lang siya sa likod ng puno na tinutukan ng kutsilyo."

"What? Sino naman 'yon?!"

"I don't know!"

"What?"

"Hindi ko alam!"

"Hilig mo talaga i-english 'no? Hindi ka makausap ng matino ewan ko sa 'yo!"

"Tch! Bakit ka ba nagagalit sa 'kin? Ako nga ang nagdala niyan dito,"

"Thankyou ha?!"

Nagising ako sa ingay ni Shys na kasulukuyang nakikipagsigawan kay Cloud.

"A-Ano ba," mahinang sita ko.

"Alv! Gising ka na!" maluha-luhang lumapit sa 'kin si Shys. "My gosh, ano na ba ang nangyayari?"

"Ano ang nangyari sa 'kin?" tanong ko at napahawak sa braso ko nang may naramdaman akong hapdi. "N-Nakilala niyo ba?"

Tumingin ako kay Shys at nakatingin ito kay Cloud.

Bumuntong-hininga pa muna si Cloud. "I was about to took off his mask when you suddenly collapseso wala na akong pakialam do'n. Agad kitang dinala dito sa clinic. Bumalik ako r'on pero wala na siya."

"This is the second time." mahinang usal ko.

"What?" ani Shys.

Tumango naman ako. "Sinabi ko sa 'yo 'diba? 'Yong nangyari sa 'kin sa park. Naulit ngayon."

"Tsk, oo nga pala!" tumingin ito sa kanang braso ko at bumuntong-hininga. "Magkabilang braso mo pa ang sinugatan ah?"

Nanlaki naman ang mata ko. "Hala oo nga 'no?" sambit ko pagkatapos ay hinawakan ang kaliwang sugat na ngayon ay peklat na. "Coincidence?"

"Sino naman ang gumawa niyan sa 'yo? At bakit ka naman niya tinatakot nang ganyan, at saka—hays!" bulalas niya pa ulit.

Imbes na sagutin ito ay tinignan ko si Cloud na preskong nakatayo sa gilid. "Thankyou." sinserong usal ko.

Tumingin pa muna ito nang matagal sa 'kin at marahang tumango.

"Kamusta 'yong sugat mo sa balikat?" Nagulat ako sa tanong nito. Kinapa ko naman ang sugat at medyo masakit pa rin ngunit naghihilom na.

"Okay na." tipid na ani ko.

"You sure?"

Napatingin ako sakaniya. At sa pagkakataong 'yon ay gusto ko siyang yakapin.

'What? Thankful lang ako.'

Siya pa din kasi ang kasama ko. 'Siya kaya 'yong tumulong sa 'kin nung nakaraan? Nahihiya lang yata siya sabihing siya 'yon.'

Napapabuntong-hininga akong lumingon kay Shys at deretso lang itong nakatingin sa magkahawak na kamay niya. "Shys?"

She didn't move.

"Shystine?"

Still, no response.

"Huy Shystine Villamore!"

"O-Oh my! Yes?! Yes?!"

'Lalim ng iniisip eh.'

"Okay ka lang ba?"

"H-Ha oo naman, ikaw ba?"

"Ewan ko nalang kung maging okay ka pa 'pag ikaw ang nakahilata dito psh. Ano ba ang iniisip mo't natutulala ka pa?"

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon