Alvapriya's POV.
"OH MY GOD!"
"Ano ba 'yan ineng?! Ano ang isinisigaw sigaw mo riyan?!" sigaw din ni Nanang mula sa labas ng aking kwarto.
'Grabe panaginip ba 'yon? Seriously???'
"A-Ah wala po Nanang! Sige po maliligo na 'ko!" sigaw ko at dali-daling nagtungo sa banyo. Hanggang ngayon ay nagugulat ako sa panaginip ko! Why the hell? Oo why the hell! 'Sa dinamirami nang puwedeng mapanaginipan bakit 'yon pa?'
Pinilit kong alisin ang masamang panaginip na 'yon hanggang sa makarating ako sa school. Kating-kati na ang aking bibig na i-kwento 'yon kay Shys. Ngunit dumaan pa muna ako sa faculty dahil pinapatawag daw ako ni Mr. Stones.
Marahan akong kumatok at pinagbuksan naman iyon ni Miss Celestina. Aming History Teacher. "Oh Lovero, what brings you here?"
"Goodmorning Miss, pinapatawag daw po ako ni Sir Stones?"
"I see, come in." agad naman akong tumango at pumasok. Dumeretso naman ako sa table ni Sir at kasalukuyan itong nag-aayos ng mga papers. Mukhang mga letter.
"Goodmorning Sir."
"Goodmorning, uhh pinatawag kita dahil kailangan mo itong ibigay sa buong batch n'yo, mabuti nalang pala at maaga ka." sambit niya at iniabot sa 'kin ang nagkakapalang mga nakatuping papel. Kinuha ko naman ito at akmang babasahin ngunit nagsalita na si Sir. "Those are reply slips, pupunta kasi dito sa school ang mga SAIJI. Sila ay grupo ng mga bihasa sa Karate. Well uhh, you know our school, we're always open para sa mga ganitong activities—"
"W-Wait s-sir,"
"Yes?"
"Are you saying na p-pupunta po sila dito para mag turo ng Karate?!" naguguluhan at hindi natago ang excitement na tanong ko!
"Yes. They are looking for someone na interested and willing talaga matuto. I heard nakikipaglaban raw ang mga ito sa Japan at iba pa and uhh panalo raw ang mga ito, that's why napakaswerte ninyo at kilala ang school niyo. Oh uhh one more thing, naghahanap sila ng bagong member, I heard."
Hindi na ako masiyadong nakapagsalita dahil sa sobrang excited! Is this for real? I mean, hindi ko kailanman naisip na maaari na ulit akong matuto. Ito, itong bagay na ito. Itong bagay na 'to na pinipilit kong hindi na gustuhin, ngunit heto at mukhang lumalapit na.
Binasa ko ang printed letter.
Good Day!
This is to inform you that your son/daughter __________ is pleasured to learn Karate with the help of SAIJI Group. They are professional leaders that teaches self defense and improve each one's strength.
What: SAIJI'S 1 WEEK KARATE CLASS.
Where: COSKA ORLEANS INT. SCHOOL. (GYMNASIUM.)
When: JUNE 27 at 5:30-8-30.We're highly expecting your child to be there. Thanks, and have a good day!
____________________
Parent/Guardian's signature over printed name.Bigla akong nanlumo. Sino ang pipirma ng akin? Wala si Lola at mas lalong hindi ko kasama ang parents ko. Si Mommy pala.
'Edi si Nanang nalang! Psh sigurado akong hindi rin naman papayag si Mommy na sumali ako dito, hindi ko nalang sasabihin. Bahala na kung magalit siya.'
"O siya hija, mamaya mo na lamang ibigay 'yan dahil malapit na at time na rin. Mauna ka na at sabihin mo sa classmates mo na ihanda ang assignments." sambit naman ni Sir kaya tumango na lamang ako at dumeretso na sa classroom.
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...