KALMIN'S POV.
"WHERE are you going?"
I took a sip of my coffee. Licked my lips before answering. "May pasok ako."
"Oh really? Hindi kita nakikita sa school." she said suspiciously.
"Whatever."
"Make sure to complete your mission. Ayaw ko pa'ng mamatay kuya."
Tinignan ko ito ng masama. "Sino ang may sabi na may mamamatay? Tch."
"Wala akong sinabi na mayroon, ang sabi ko ayaw ko lang."
"Wala namang mangyayaring masama tch, paranoid ka."
"Wow, kunyari hindi pa alam. Siguraduhin mo lang kuya."
Hindi ko na ito sinagot. Kinuha ko na ang aking bag at sinabit sa likod. Kinuha ang susi at sumampa na sa motor. Akma na sana akong aalis nang tawagin niya nanaman ako. 'Kulit.'
"Hindi ka naman ma-iinlove do'n 'diba?" mahinang tanong niya na siyang nagpakunot ng noo ko. "Sana nga ay hindi ka ma-inlove."
"Tsh, who cares?" masungit na usal ko at pinaandar na ang motor.
Mayamaya pa'y nakarating na 'ko sa school. Apat pa lang kami sa classroom, as usual. Nandoon na si Red Baguio. Kinawayan ako nito na tinanguan ko lang.
"Lagi nalang tayong apat ang maaga." aniya habang nagsusulat.
Nilabas ko naman ang notebook at nagsulat na din. I almost forgot my assignment.
Alvapriya then entered my mind. 'Tsh excited kasi sa susunod na subject, hindi niya man lang napansin na libro ko pala ang naiuwi niya."
Napangiti ako sa isiping iyon.
"Ganyan ka ba talaga?"
Taka ko namang tinignan si Red. Nakatingin na ito sa akin at nakataas pa ang isang kilay.
"What?" I said.
"Pansin ko lang ah, n'ong nakaraan kasi ang daldal mo. Tapos bigla ka nalang tumahimik. May problema ka ba?"
"What? No."
"'Yan! Tulad niyan. Tipid ka sumagot, eh hindi ka naman ganiyan ah? Ikaw ah. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong katabi."
"What?" inis na usal ko. 'What is he saying?"
"Hoy ah, jino-joke lang kita. Ang sabi ko baka gusto mo kako na hindi ako ang katabi mo."
"Tch, no one cares."
"Slow."
Tinignan ko naman ito nang masama ngunit nakatingin na ito sa kaniyang papel. Akala niya siguro ay hindi ko nakuha ang ipinupunto niya.
Mayamaya pa'y pumasok na si Alvapriya. Bagay na bagay sa kaniya ang uniform.
Well, girl's uniform make them look neat, presentable and simple. They're wearing a long navy blue sleeve with a black tie tucked also on a navy blue above the knee skirt. The black knee socks fit the uniform as well.
Derederetso lang ito sa kaniyang upuan at wala itong katabi. Naisipan ko na kausapin ang dalaga para sa. . . well I don't know why I'm doing this. 'She looks cute when she's pikon.'
Tumayo ako sa 'king upuan at pumunta sa kaniyang likod. Kinalabit ko ito at dali-daling umupo sa kaniyang kanan. Lumingon ito sa kaniyang likuran at nang walang nakita ay bumalik na siya sa kaniyang puwesto para lamang magulat.
Seryoso ko itong tinignan.
"A-Ano na naman ba?" mahina munit may bahid na agad ng inis na usal niya.
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...