ALVAPRIYA'S POV.
"GOOD MORNING apo," nagising ako nang maramdaman ang haplos ng kung sino man sa aking pisngi. Dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sa 'kin ang magandang ngiti ni lola.
"Mm, morning po," antok na ani ko pa.
"Gumising ka na apo, hinihintay ka na ni lolo mo,"
"Mm,"
'Si lola talaga. SI LOLA TALAGA?'
Agad akong nagmulat at halos mapasigaw nang makita nga si lola sa aking harapan! Agad ko itong hinalikan sa pisngi at mahigpit na yumakap!
"A-Akala ko nananaginip ako," mahinang usal ko at naramdaman ko naman ang marahang ganti na yakap niya.
"Mabuti na ang lagay ng lolo mo. Nang sabihin kong gusto mo siyang makita ay nagyaya agad na pumunta rito."
Agad naman akong humiwalay at ngumuso sa kaniya. "Bakit hindi mo ako sinabihan na ngayon pala ang uwi mo lola?"
"Surprise kasi 'yon apo,"
"Ikaw talaga lola! Ang dami mong alam, hehe sige na po unahan na kitang bumaba ah?"
"Sige na apo, susunod na lamang ako." nakangiting aniya.
Excited akong bumaba at mas lumawak ang pagkakangiti nang makita ang malaki na lalaki sa aking harapan. "Lolo!"
Agad naman itong lumingon at tumayo mula sa pagkakaupo. "Oh my granddaughter! Look how pretty you are!" nagagalak na aniya pa.
"I missed you,"
"Me too, I would've wanted to tell you that I'm coming but your lola really wanted to keep it as a secret," iiling-iling na aniya pa. Natawa naman ako.
Kailangan ko'ng mag-english magdamag kung siya ang kausap ko. He's american kasi and still not coping up with tagalog. Well, he's quite good at speaking ilonggo dahil doon naman talaga sila unang nagkakilala ni lola. Ang tanging alam din lang nito sa tagalog ay, "oo, hindi, bakit, ano, weh, at 'di nga?"
Masaya naming tinapos ang masayang agahan. Nagkuwentuhan din kami ngunit hindi ko na ibinahagi pa ang masasamang nangyari sa akin.
'I almost forgot about it.'
Totoong nawala sa isip ko ang masasamang pangyayari sa akin. 'Yong halos ikamatay ko na. 'Yong mga bagay na hindi pamilyar sa akin.
'Tulad n'ong clip.'
'Yong tao na halos patayin ako. Hindi lang isa ngunit dalawang beses pa.
'Paano kaya kung hindi dumating si Cloud? Psh, I'm dead for sure.'
I shook my head and my hands are strating to tremble. My whole body shivers with fear and anxiety.
"Hey, are you okay?"
Napakurap-kurap ako't sinuri ang paligid. 'Nasa classroom na pala ako.'
"I-I'm okay, t-thanks." sagot ko kay Kalmin.
"You sure? Baka makasama sa 'yo sa practice."
Tinignan ko naman siya at binigyan ng tipid na ngiti. Biglang nawala ang pangamba at napalitan ng maluwag na pakiramadam. 'Tinanong niya kung okay lang ako, kinakausap niya na din ako nang maayos. Ayos na 'yon.'
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomantikShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...