Chapter 39

2 1 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

DUMATING ang sembreak at nanatiling palaisipan sa 'kin ang taong nagbigay noong sulat. Sinubukan ko pa nga'ng tanongin si Cloud kung siya ba ang nagpadala n'on dahil base sa nagbigay ay letrang C ang nakalagay sa dulo at ang sagot niya'y, "Hindi. I don't even know na you like comic books. And that is not my handwriting."

"Kung ganoon ay sino?"

Kasalukuyan akong nasa veranda at tinatanaw ang papalubog na araw. Matagal na din pala n'ong huli ko itong nasilayan. Kulay dilaw, asul at bughaw ang kalangitan at tunay iyon na kaakit-akit.

Natinag ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa aking cellphone. Kinuha ko 'yon at kumunot ang noo nang mapansin kung sino ang caller. Unknown.

'Sagutin ko ba?'

Imbes na sagutin ay ngumuso ako at pinindot and decline. Hindi ko naman kasi 'yon kilala.

Mayamaya pa'y naramdaman ko nanaman ang vibrate ng telepono ko. Inis ko 'yong tiningnan at inis na sinagot. "Ano ba?! Nakakadistorbo—"

"Dami pang gustong sabihin.. ngunit huwag nalang muna."

Ngunit ganoon na lamang din ang panlalaki ng mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon! Kumakanta ito!

"Hintayin nalang ang hangin.. tangayin ng salita. Huwag mong akong sisihin, mahirap ang tumaya."

Napakagat ako ng labi at wala sa sariling tumingin sa baba. Umaasang may makitang anino niya. Umaasang nandoon siya malapit sa akin. Nababaliw ako at well, kinikilig. 'Damn it.'

"Dagat, ay sisisirin kahit walang mapala. 'Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago'ng pagtingin. Aminin ang mga lihim sana 'di magbago'ng paningin."

"B-Buang..."

"Bakit laging ganito? Kailangang magka-ilangan? Ako ay nalilito. Huwag mong akong sisihin, mahirap ang tumaya.

Dagat, ay sisisirin kahit walang mapala. 'Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago'ng pagtingin. Aminin ang mga lihim sana 'di magbago'ng paningin."

Nanatili akong nakangiti at nakahawak sa dibdib. Masyadong maganda ang boses niya, malamig at... nakakakilig talaga. 'Bwisit naman 'to eh!'

"Pahiwatig, sana di magbago'ng pagtingin. Pahiwatig, sana 'di magbago'ng pagtingin."

"Hanggang doon lang ang kabisado ko." aniya at mas lumawak naman ang pagkakangiti ko. Batid kong nakanguso na ito ngayon at magka-salubong ang mga kilay. "H-Hope you l-liked it."

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakangiti sa kawalan.

"I knew it." Narinig ko pa ang mariing bulong niya at ang marahang pagbuntong-hininga nito. "Masungit ka kaya hindi mo nagustuhan."

"May sinabi ba 'ko?" Nagpipigil na tawa na ani ko.

"Wala ka din namang sinabi na nagustuhan mo. What? Do you liked it or not?"

"50/50."

"What? Why?!"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko at alam kong iba na ang nasa isip niya ngayon pero wala akong pakealam. Natutuwa ako sa ginagawa niya. "50 percent na gusto ko dahil ikaw pa lang ang kumanta sa 'kin. 50 percent na hindi ko gusto dahil hindi mo pinatapos 'yong kanta."

"But it's hard. I don't know how to sing."

"Arte mo ah? Kumanta ka nga eh,"

"Huwag ka ngang masungit? I'm being nice here."

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon