SHYSTINE'S POV.
"GOODMORNING baby," malambing na bati ni Rylle sa telepono. Napangiti naman ako.
"Nagbreakfast kana?" I asked while combing my hair. "Siyempre kumakain ka palang, hilig mo 'yan eh."
"Alam mo na pala eh, hehe. How about you?"
"Ano'ng ako? Siyempre alam ko na 'yon. Ano ka ba."
"No haha, you're funny."
"Ano ba kasi?"
"Kumain ka na ba?"
I nodded.
"Hello?"
"Mm?" sagot ko.
"Tinatanong kita kung kumain ka na."
"Oo nga! Tumango na nga ako eh."
"What?"
"Wala hehe."
"Sige na bilisan mo na d'yan. I'll wait you sa arts exhibit."
"Bakit?"
"Secret. Sige na bilisan mo na d'yan. I love you."
"Yiiii I love you more too." kinikilig na sambit ko at binabaan na siya ng linya.
'Haaay'
"Who's the guy?" biglang may nagsalita sa likod ko!
Ang eight years old na chubby kong bunsong kapatid.
"A-Ah Stanley, ano'ng ginagawa mo dito? Bakit hindi ka muna kumatok?"
Taka nitong tinignan ang pinto. "You left it open, ate."
Napatingin naman ako r'on at tumango-tango. "A-Ah ganoon ba? Sige labas ka na."
"Sino muna 'yong sinabihan mo nang 'I love you'?" inosenteng aniya pa.
"Wala 'yon, kaibigan ko. Lumabas ka na nga."
"Si ate Pri?" nakangiting usal niya pa.
'Huhu sorry Alv.'
"Ah o-oo hehe sige 'wag ka nang matanomg."
"Weh? Isusumbong kita kay mommy!"
"Edi magsumbong ka, alam niya naman na eh hahaha! Poor you brother!"
"Hindi naman alam ni daddy!"
Nanlaki naman ang mga mata ko! "Stanley Kiro! Labas!"
"Isusumbong—"
"Labaaaaas!"
"Oo nga!" aniya na dali-dali pang lumabas ngunit agad din muling pumasok. "Si kuya Rylle 'yan alam ko—"
"Ano ba!"
Napanguso naman ito at tuluyan nang lumabas. "Timang na bata 'yon? Ang daming alam."
Mabilis kong tinapos ang pag-aayos sa sarili at bumaba na para bumeso sa parents ko. Bahagya ko pang kinaltukan si Stanley na ngayon ay punong-puno ng itlog ang bibig. "Itikom mo 'yang bibig mo ah?" bulong ko pa at tumango-tango naman ito. "Very good."
"Ate bring me something once you get back okay?" sabi naman ng isa ko pang kapatid.
"How about, donut shellsea?" nakangiting suhestiyon ko pa.
"Okay!" masiglang tugon niya na humalik pa sa aking pisngi.
"Bye mom and dad! Love you!" sigaw ko na nagmamadali pang lumabas.
"Mag-iingat ka Kreyzelle!"
"Yes dad!"
Agad akong sumakay sa kotse at pinaandar ang makina niyon. Mayamaya pa'y in-enjoy ko na ang pagmamaneho habang nanghuhula sa kung ano na nama'ng sorpresa ni Rylle.

BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...