Chapter 46

1 1 0
                                        

ALVAPRIYA'S POV.

NAGUGULAT kong tinignan ang mister nang tawagin niya akong anak. Kakaiba ang pintig ng puso ko. Hindi masakit dahil natatakpan ng pag-aalala. Hindi malakas ngunit sapat na para lalo akong maguluhan.

'Hindi ko maintindihan.'

"K-Kalmin... can you leave us for a minute?" halos pabulong na tanong niya na hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. "Please..."

Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga niya at ang bahagyang pag-layo. Hindi ko ito nagawang lingunin dahil masyado akong nababablangko. Lagi nalang.

Isa itong mestizong lalaki. Naka-suot ng puting karategi at intsik ang mga mata. Matangos ang ilong at sumisigaw ang kayamanan sa katawan nang dahil sa samu't saring alahas. Lumapit ito sa'kin ngunit tila hindi makapaniwala. Nanatiling nakaawang ang kaniyang bibig at emosyonal na tumitig sa'kin.

Lalo naman ako. I'm running out of words and I'm not sure if I can still manage to speak.

"A-Anak, i-it's me. Y-Your dad." mahinang sambit niya pa at agad na yumakap sa akin. Napasinghap ako't hindi malaman ang gagawin. Kung yayakap ba? Iiyak? Magtatanong? Maninigurado? Hindi ko alam. Wala akong ibang maramdaman bukod sa gulat.

"I w-will explain everything..."

HINDI ko namalayan na sumusunod na ako sa aking ama papunta sa kung saan papunta ang kaniyang sasakyan. Patuloy itong nagsasalita munit hindi ko na maintindihan. Hindi ko na mawari pa ang emosyon na nararamdaman. Nanatili akong tulala at sumasakit ang ulo ko. Masyado akong napaparalisa at totoong hindi makapaniwala.

"Y-Your mom pushed me a-away..."

Nanatili akong nakatingin sa labas ngunit nang banggitin niya ang aking ina ay kusa na akong nakabalik sa 'wisyo.

"I d-don't know t-the reason... she," Huminga pa ito nang malalim. "She hates me... k-kahit alam kong m-may a-anak ako sa kaniya."

Ni hindi ko na namalayan pa ang kusang pagtulo ng aking mga luha. Agad ko itong pinahid at nanatiling pino-proseso ang mga sinasabi sa sariling isip. 'Mom pushed him away.'

"I a-asked her why b-but s-she just told me that, she doesn't love me." mahinang bulong niya pa. "I'm sorry."

"I'm sorry for not being a good man to your mom and a good f-father to you. I-It's your mom's f-fault, ayaw niya sa'kin.."

"A-Ayaw niya akong makilala k-ka, p-pilit niya akong ipinagtatabuyan noon. My dear, l-lagi kitang hinahanap anak. Pumupunta ako sa b-bahay namin d-doon sa probinsya b-but sadly, umalis siya at h-hindi ko na kayong muling nakita pa. But..."

"I'm h-happy now. H-Hindi ko na kayo pakakawalan. Hindi na anak..."

"Napakasakit sa parte ko na, may isang bata roon na hindi kilala ang kaniyang ama. I am so sorry anak."

Naiwan akong nagugulat. Kung ganoon ay kasalanan ni mommy ang lahat. Bakit pa nga ba ako nagugulat? Siya itong walang ginawa kung hindi ang ipalayo ako sa aking ama. Kaya ganoon na lamang ang pagkadisgusto nito dahil siya din naman ang puno't dulo ng lahat kung bakit nagkawatak-watak ang imahinasyon kong masayang pamilya.

Hindi mawaglit sa isipan ko ang mga pangyayari. Kung saan si Kalmin ang sadya ko ngunit humantong sa pagkakakilanlan ng aking ama. Nahihirapan akong tanggapin ang lahat dahil masyadong mabilis at kusang dumadagdag sa problema. Hindi ko na nga namalayan na nag-iimpake na ako ng gamit.

"Maaari ka bang tumuloy sa bahay anak? Doon nalang tayo sa Golden flane magkita. Marami pa akong dapat na ipaalam sa 'yo."

Isa-isa kong kinuha ang mga gamit at napuno agad ang dalawang malalaking maleta. Inilagay ko sa bulsa ang dalawang pulang clip at nag-simula nang humakbang palabas. Pagkalabas ko ng kwarto'y si Mommy agad ang sumalubong sa akin. Seryoso itong nakatingin sa akin at hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga dala kong bagahe.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon