ALVAPRIYA'S POV.
MAHIGPIT ang kapit ko sa strap ng aking sling bag habang naglalakad patungo ng park. Dito ako pumupunta para ma-relax ang isip o kaya ang damdamin ko.
Dalawang street pa ang nilakad ko bago makarating sa napakaganda naman talaga na parke dito sa aming village. Ang Blossom Park. Mula sa pangalan nito, kapansin-pansin ang nagkalat na cherry blossoms na nakapalibot sa buong parke, 'yon nga lang ang iba ay peke. May iba't ibang puno rin tulad ng acacia, mahogany, at pine trees.
Palibhasa'y gabi, napakaganda ng fairy lights na nakasabit sa mga puno. May dilaw, puti, asul, rosas at pula na nagsisilbing ilaw para makita ang kabuuan ng parke. Beautiful as always.
Umupo ako sa isang mahabang swing na gawa rin sa kahoy na nakakabit sa malaking sanga at pinagmasdan ang buwan. Ako lang ang tao rito, malamang dahil alas nuebe na. Tahimik kong ninamnam ang malamig munit medyo malakas na hangin at saka marahang pumikit.
Gusto ko talaga'ng magkarate. 'Yong tipo na nakakapunta sa ibang bansa? Gano'n! Hay, okray lang 'yan self. Focus ka nalang sa studies.
Nanatili ako sa ganoong posisyon nang may narinig akong mahinang kaluskos, para bang may taong pinagmamasdan ako't pinapanood ang bawat galaw ko. Nagmulat ako sa paraan na hindi halata at ginala ang paningin na hindi gumagalaw ang ulo. Do'n ay wala akong nakita.
Weird.
Pumikit ako ulit at mas lumakas pa ang kaluskos, parang may tao na papalapit sa 'kin. Sa likod...
Kasabay nang pagmulat ko ay siya ring takip nang kung sino man sa bibig ko gamit ang kamay na naka gloves. Agad ako nitong hinila na para bang isang papel at sapilitang nilakad sa kung saan. Bigla nalang tumulo ang luha ko at ramdam ko ang nginig sa bawat parte ng katawan ko.
Hindi pa man masiyadong nakakalayo ay naalala ko ang itinuro ni Master. Stupid! Hindi ko na maalala! Katapusan ko na ba?
Napakahigpit ng pagkakayapos niya sa bewang ko at hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil bukod sa nanginginig ito ay nasa loob iyon ng malaking bisig niya. Para akong lantang gulay at hindi na malaman ang gagawin. Nagpumiglas ako't mas diniinan niya pa ang pagtakip sa bibig ko. Paulit-ulit akong gumalaw at doon nakakuha ng tiyempo para kagatin ang kamay niya. Nabitawan niya ang kaliwang kamay na nasa bibig ko ngunit ang kanan ay nanatili sa puwesto.
Gamitin ang paa... focus.
Biglang nanumbalik ang mga aral na natutunan ko noon. Sa kabila ng takot ay pinairal ko ang lakas ng loob. Tinapakan ko ang paa niya ngunit gano'n na lamang ang panlulumo ko nang maglabas ito ng patalim.
"You're really tough." mahinang bulong niya at dinaplisan ang kaliwang braso ko. Napapikit ako sa hapdi at tila mahihimatay anumang oras. "Tough as steel, and weak as, well yourself."
Bigla ay tinarak niya ang hawak na kutsilyo sa kaliwang balikat at napasigaw ako sa sobrang sakit! Binitawan ako nito at nagmamadaling umalis. Nagpagulong-gulong ako sa damuhan at hindi man lang mahawakan ang kutsilyo. Nanginginig ang buo kong katawan at dahan-dahan akong pinapatay ng magkahalong kaba at sakit. Hindi ko kaya.
Ngunit mas nagulat ako dahil hindi pa man nakakalayo ang taong 'yon ay may biglang lumapit sa kaniya na pamilyar ngunit hindi ko mamukhaan na lalaki.
Pinaulanan niya ito ng suntok, sipa at kung anu-ano na sakit na naging dahilan para matumba ang lalaking sumubok na patayin ako kanina. Mayamaya pa'y tumayo din ang lalaking may tabon ang mukha at dali-daling umalis. Bago pa man humarap ang lalaking nagligtas sa 'kin ay tuluyan nang dumilim ang paligid.CLOUD'S POV.
"HELLO?" sagot ko sa unknown caller. Nagising ako sa paulit-ulit na vibrate ng aking phone at inis na bumangon.
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...