Chapter 47

1 1 0
                                        

KALMIN'S POV.

MY GREATEST fear had finally come. None of them should know. Not even her. It's not the right time.

'How am I suppose to say who cares when I do actually care?'

Pumasok ako sa mansion at agad na dumiretso sa sariling kwarto. Wala akong balak na lumabas ngayong araw. Masyadong maraming bumabagabag sa aking isipan. Alam kong tulog lang ang sagot sa lahat ng kalungkutan.

Ngunit nanatili lamang akong nakapikit at naglalayag ang isip hanggang sa umabot ang gabi. Kung saan-saan ito napapadpad at hiniling kong sana'y bumalik na sa normal ang lahat.

'How?'

Ang katanungang iyon ay nanatili sa aking sarili nang marinig ko ang mahinang pag-katok sa aking pinto. Hindi ko iyon pinansin ngunit makulit ang isang ito. Inilagay ko ang unan sa aking tenga ngunit parang nagdadabog ang taong 'yon.

Tamad akong bumangon at marahang binuksan ang pinto para lamang isara ulit ito!

"What the hell?" mahinang ani ko.

Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto. Nagpanggap akong galit at seryoso. "What?"

Ngunit hindi ito natinag. Nakatulala lamang ito sa aking dibdib at dahan-dahan din naman akong napatingin doon. 'Stupid!'

Dali-dali akong nagtungo sa closet at nagsuot ng malaking t-shirt. "Shit." Nang matapos na'y bumalik na ako at naabutan kong nakatungo na si Alvapriya. I sighed.

"What do you want?"

"Y-You..."

'Fvck no.'

"I said what do you want?" mariing tanong ko at linakihan pa ang pag-awang ng pinto. Gumalaw-galaw ang mga mata nito ngunit nanatiling nakatungo. Tila nahihirapan ito sa akin. Napangisi ako ng lihim.

"Last question. What—"

"I-I w-want to t-talk to you..."

"You're talking to me."

"N-No I mean. Ano kasi! 'Yong masinsinan! Huwag mo akong dinadaan-daan sa pagalit-galit mo at ako dapat ang galit!"

Kunot-noo ko siyang tinignan at dinilaan ang ibabang labi. 'The nerve of this woman.'

"Fine. Let's talk. But please not here."

"B-Bakit?"

"Okay e, 'di dito. Go on." naiinip kunwari na usal ko at huminga naman ito nang malalim. Pinaupo ko ito sa isang mini sofa na nasa harap ng aking kama at sumampa doon. Nanginginig itong naupo at pinagsiklop ang dalawang kamay.

"A-About kay Cloud..."

Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinabi nito. Alam ko na 'yon. When it comes to Alvapriya, I become a monster. When I saw them hugging? I felt like I was betrayed and cheated. It was a pang in my chest because I don't feel comfortable when he's around. He's competing with me. Since day 1. At naiinis ako dahil ako lang ang gumagawa ng mga bagay na hindi naman totoo. Ako ang gumagawa ng mga bagay na hindi agad nag-iisip nang mabuti. Padalos-dalos kung tawagin. Hindi nag-iisip at isang distraksyon sa mga tao. Lalo na sa mga malalapit sa akin.

"...kaya ayun. Sana hindi mo ginawa kasi nag-aagaw buhay siya. At kapag may nangyaring masama sa akin, mumultuhin kita."

I clenched my jaw. "Why suddenly talk like that?" Hindi ko naitago ang iritasyon sa boses ko.

"My heart is weak Kalmin. Kaya kapag na-deads ako, edi deads hehe." masiglang aniya pa na tila iyon ang pinaka-masayang mangyayari sa buong buhay ko. Na dapat ay kailangan kong magpa-selebrasyon nang dahil doon. Hindi ko siya sinagot at hinintay na bawiin ang sinasabi nito ngunit hindi. Nanatili siyang nakangiti munit ang mata'y malungkot. Sobrang lungkot. Hindi ko naiwasang magulat.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon