Chapter 15

7 1 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

"HELLO mom?" mahinang usal ko't kinuha ang powerbank sa drawer at naupo sa gilid ng kama.

"How have you been?" pormal na tanong agad ni Mommy.

"I'm good. Ikaw po? Busy much ah hehe," sarkasikong ani ko at narinig ang pagbuntong-hininga niya kaya naman ay umayos na ako. "Ano po'ng ginagawa mo? Madaling araw pa lang po d'yan ah?" usal ko at nilayo ang phone sa tenga para tignan ang oras. Alas singko kuwarenta at madaling araw palang do'n sa U.S

"It's friday. Nag-leave muna 'ko dahil may iba pa 'kong aasikasuhin but anyway, I heard about your friend Shys, may boyfriend na pala 'yon?"

'Luh, paano niya naman nalaman?'

"A-Ah opo, kanina niya lang po sinagot."

"Sinagot kahit hindi naman nanligaw? Hahaha it's okay. I know everything." sarkastikong sambit pa ni Mommy!

"Nani?!" I said unconsciously.

"What?"

Lumunok pa ako bago magsalita. "I-I mean, paano po?"

"I mean, what? What 'yong meaning noon."

Nagtaka naman ako. "Ng ano po?" naguguluhang ani ko.

Gulo kausap ni mommy ngayon ah.

"Hahaha you said 'nani?' hahaha!"

Mas lalo naman akong nagulat sa pagtawa niya! Bihira lamang kasi si mommy tumawa lalo na kung wala naman talagang nakakatawa, at hindi naman kami masiyadong nagbibiruan. Masiyado siyang istrikto at mga importanteng bagay lamang ang madalas naming napag-uusapan kaya kataka-taka talaga. Mga 'ganito, ganiyan, dapat laging ganito, 'wag ka dapat mag ganiyan.' lang talaga kadalasan ang sinasabi niya.

Ang akala ko pa nga ay papagalitan niya 'ko ngayon o kaya'y magpapaliwanag siya tungkol sa ginawa niyang pag-utos na punitin ang slip ko!

"Ah mom?"

"Yes my princess?"

What in the world?

Kapanipanibago talaga ang mga pinagsasasabi niya ngayon. Mas lalo lang akong kinabahan na ewan at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. May tuwa, may lungkot, panghihinayang, gulat at lahat na yata ng puwedeng maramdamn ng isang tao ay nararamdaman ko na. Tila ba'y naghalu-halo ang mga ito at maaaring sumabog anumang oras!

She called me princess. Bagay na matagal ko nang hindi narinig. I can't even remember when was the last time when she genuinely laugh! She always laugh sarcastically or worse, when she's mad. She doesn't always mention my friend's name. It's just always about me or Nanang or Lola! And now, calling me her princess was such a big deal!

Kailan ba ang huli? Hindi ko na matandaan! Basta ang alam ko, hindi niya na ulit ako natawag na gano'n! What in the real world is happening?!

"Hello? You still there Iya?" nag-aalalang tanong niya bigla na siyang nag pabalik sa 'kin sa 'wisyo.

"Y-Yes po... I guess."

"Are you sure? Bigla kang natahimik."

"M-Mom o-okay ka lang po ba?"

"Huh? Yes ofcourse, why?"

"K-Kasi ngayon mo lang po u-ulit ako tinawag n-na.." napapabuntong-hininga't pahina ng pahina na usal ko."P-Princess."

Nagkaroon pa ng kaunting katahimikan na binasag rin naman ni Mommy.

"A-Ah I just miss s-saying it. By the way, are you comfortable with your bodyguards?"

A'ight Alv. She doesn't want to talk about it.

"Maayos naman po." matamlay na sagot ko. "Why'd you call nga pala.. mom?"

"About the Karate—"

"I knew it." mahinang sambit ko. "It's okay mom. You don't have to worry. Okay lang po sa 'kin."

"I know it's not okay, just like I said—"

"It's for my own good, my future and my success. Yeah right mom, I get it." mariing putol ko sa sasabihin niya. Tsh, hindi ko 'yan makakalimutan Mom. 'Wag ka pong mag-alala.

"Hey, I know it's hard to understand and I cannot make you understand. I know, it's tiring, exhausting and painful to watch yourself drown but you just keep on fighti—"

"M-Mom.."

"Anak, I'm doing this because I care for you. And I don't want to ruin your life..."

"Mom, please stop.."

"I-I'm s-saying this cause no one will ever know w-when will I d-die. Maybe tomorrow or later—"

"Please don't say that, you're not going to die mom. No one's going to die. Please stop it."

"I-I don't w-want to lose y-you Alv..."

Napapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha. Nagsipag-unahan ang mga ito sa pagbagsak at wala akong ibang magawa. 'I can't believe you're saying those words to me mom... I don't want to lose you either.'

Humugot pa ako ng malalim na hininga at ibinuga na para bang pati ang hapdi ay kasama.

"Past's haunting me anak. Nagigising nalang ako bigla sa bangungot na gusto mong kumawala sa kung ano man ang mayroon ka ngayon.." narinig ko pa ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. Umupo naman ako ng maayos bago muling magsalita.

"M-Mom, I'll never leave. I'm strong and you're incredibly brave and full of passion, please I beg you. Stop thinking about that."

"I can't help it Iya. I'm very far, naiisip ko palang na madisgrasya ka, pakiramdam ko'y hindi ko kakayanin anak... I'm not responsible. Sorry, your Mom's like this.."

"M-Mom, you have to trust m-me... I-I'm fine, and I will always be. I may not u-understand but my heart does, I know my heart does."

"I trust in you." mahinang sambit niya. "Except for the people around you." seryosong aniya.

Pinahid ko naman ang mga luha at takang tumingin sa kung saan na para bang kaharap ko lang siya. "Ano po ang ibig mong sabihin?"

Narinig ko ang pagsinghal nito at ang mahinang tawa niya. Bumalik na naman ang tawa niya na nakakainsulto. "Lagi akong may tiwala sa 'yo Iya. Sa mga taong nakapaligid sa 'yo lang ang wala akong tiwala at hindi ko mapagkakatiwalaan."

Hindi ko naintindihan ngunit um-oo na lamang ako. Mayamaya pa'y kailangan niya na raw mag-ayos at may importante pang gagawin. Kung ano man 'yon ay hindi ko na tinanong.

"Sige Iya anak, I'll keep an eye on you."

"S-Sige po, mag-iingat ka lagi."

"Okay, bye." 'yon lamang at binaba niya na.

Magaan sa pakiramdam ang gano'ng pag-uusap namin. Once in a blue moon lang talaga 'yon at bukas makalawa ay back to normal na ulit si Mommy. Gayunpama'y may kaunting saya akong naramdaman. Na sa kahit ganitong paraan ay alam kong ginagawa lang ni Mommy ang mas nakakabuti. It's for my own good, my future and my success.

Tumingin ako sa screen wallpaper ko't napangiti. "Ang ganda mo kahit kailan Alvapriya. Pati pangalan mo maganda. Lahat nalang maganda sa 'yo. Laging ngumiti dahil mas lalo kang gumaganda hehehe!" mahinang sabi ko pa sa sarili. "Maganda ka nga wala ka namang boyfriend, wala din. Buti pa si Shys!"

Sa 'di malamang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko si Kalmin. Ang hitsura niya at ang ingay nito.

'Psh ano kaya ang buhay na mayroon siya't gano'n nalang kakapal ang mukha niya? Siya lang ang taong pumilit na makipag-kaibigan sa 'kin ah? As in pilit na pilit.'

Bigla akong napangiti nang maalala ang mukha niya kanina. "Tss, he may be handsome but nah, not my type."

——
Huy hi! Please don't forget to vote and comment! Thankyouuu ^-^

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon