Chapter 42

2 4 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

AGAD akong nag-alala nang makita ang seryosong mukha niya. Mukhang mali ang naging tanong ko. 'Curious kasi ako eh.'

Kinagat ko ang labi at tinitigan siya. "I'm sorry."

"Don't be. It's okay." Bigla namang lumiwanag ang kaniyang mukha. "Next question."

'Ano pa ba ang itatanong?'

"Pang ilan na ba?"

"Last." nakangiting sagot niya.

Sa totoo lang ay mahirap mag-tanong ng mga bagay na baka mabigla siya. Kulang ang limang tanong para sa isip ko na ginugulo niya.

"Bakit pakiramdam ko..." mahinang usal ko at agad naman itong lumingon sa akin. Huminga ako nang malalim, "lagi kang nakabantay sa'kin? Lagi kong ramdam ang presensya mo? Bakit ganoon Kalmin?"

Hindi ito nakasagot at nanlaki pa ang mga mata. Matagal ko nang nararamdaman ang presensya niya, napakapamilyar sa tuwing lumalapit siya sa'kin. Hindi ko alam.

'Did I left him speechless?'

Matagal itong nakatitig sa'kin at naiilang na ako. Kumurap-kurap ako at mahinang sumipol. Sumulyap pa ako sa relo ko at, "shete alas otso na?!"

'Dalawang oras kaming nanatili dito?! Bakit hindi ako makaramdam ng gutom?'

"Shit! Come on!" natatarantang sigaw nito at bigla na lamang hinawakan ang kamay ko.

Ayun nanaman ang kuryente na tila pinapasok ang precious heart ko. Pakiramdam ko tuloy, lusas na lusaw na ang hypothalamus ko. Tinunaw sila nang maharot na hypothalamus ni Kalmin.

Nagpatianod lang ako sakaniya at nanatiling nakatingin sa magkahawak naming mga kamay. Dere-deretso lang ang takbo niya samantalang ako ay halos madapa na, akala niya siguro ay magka-height kami.

"Kalmin why so pogi?" Bago ko pa man napigilan ang sarili ay nasabi ko na iyon! Napatingin ako sakaniya at nakitang nakangisi na ito!

Agad akong napapikit at sinumpa ang sarili. 'Peste! Bwisit! Shete! Ano ba?!'

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa sinasabi niyang stage. Gawa iyon sa kahoy at may malaking pabilog na lamesa na gawa rin sa wood ang sa gitna. May dalawang upuan at may mga pagkain na nakahain. Ang mga fairy lights na nanggagaling sa puno at ang kandila sa gitna ng lamesa lamang ang nagsisilbi naming ilaw sa madilim na gabi.

"Romantic ka pala." mahinang asar ko at pumula naman ang kaniyang pisngi. Nanlaki ang mata ko dahil ang guwapo niya doon!

'Yieeee! Harot!'

"Please take a seat." usal niya nang makalapit na kami sa mesa. Inusog niya ang upuan at marahan akong inalalayan paupo. "Please eat the meat." aniya na kumindat pa.

'Oh jeez, why so gwapo talaga? Huhuhu!'

Tinignan ko ang mga nakahain. Steak, corn soup, fried shrimp, icecream cake for dessert at may dalawang pepsi cola doon.

"Akala ko wine ang inilalagay sa tuwing nag-ddate." nakangiting usal ko pa at nakita ko nanaman ang pamumula niya. Ending natameme na lang din ako.

"Tsh. Sungit hindi ka nga umiinom ng wine." mahinang bulong niya na rinig ko naman.

"Sino nagsabi?"

"Bakit? Hindi naman talaga ah?"

"O-Oo nga. Tama, pepsi para healthy." nakangiwing ani ko ngunit napangiti din naman agad. Hindi ko yata kayang sungitan siya nang matagal.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon