Daddy.
INIS kong tinignan ang bago kong bodyguard na kasalukuyang nag-ddrive. Katabi nito ang isa pa at kausap si Mommy.
"Yes, we're aware of her attitude. No, no it's okay... Sure. Just count on us.. Alright? Understood Alice."
'Kung anu-ano na naman siguro ang pinagsasabi ni Mommy sa kaniya.'
"Puwede po bang magtanong?" biglang tanong ko matapos nitong tumahimik.
"If it's about your Mom. She's fine. Kailangan ka lang daw namin bantayan 24/7. Ikaw ang inaalala niya."
'Nani?!!!'
"What?! What do you mean by 24/7? No way!"
"Pero 'yon ang sabi. Wala kaming magagawa madam Lovero." kalmadong sabi naman nito.
"W-Wala po ba kayong mga anak? Asawa na uuwian? Hindi naman po yata acceptable na para ko na rin kayong yaya niyan besides, 4th year na po ako. Kaya ko na."
"Alam naman namin na kaya mo na, masiyadong delikado lang talaga ngayon, madam."
"Alam ko naman pong delikado lalo na't nagkalat ang iba't ibang krimen, pero imposible naman po 'yon na mangyayari sa'kin."
"Pasensiya pero ang kaligtasan mo lang talaga, Madam ang iniisip namin."
"Naiintindihan ko po, pero my point here is that, I'm already a teenager. Hindi naman po yata tama 'yung 24/7?"
"Kahit ano pa ang sabihin mo'y si Alice pa rin ang susundin namin, madam."
"Pero hindi naman po si Mommy ang babantayan niyo, ang makakasama ninyo, kundi ako."
Nagbuntong-hininga ito. Siguro'y nababagot na sa kasasagot sa 'kin. "Kung inaalala mo ang mga asawa't anak namin, they're in good hands. Kaibigan kami ng iyong ina, malaki ang naitulong niya lalo na noong magkakaklase kami n'ong highschool. Isipin mo nalang na ang pagprotekta nalang namin sa 'yo ang kabayaran sa kabutihang nagawa niya."
Agad naman akong napatingin sa nag-ddrive dahil siya ang nagsalita. 'Kung gano'n, magkakakilala na sila dati pa? Duh Alvapriya Lovero as if hindi naman halata sa sinabi niya.'
"Ano po ba ang trabaho ninyo?"
"Simpleng taga spy lang, madam" sagot naman n'ong isa.
'Is he joking? Hello? Seryoso po ang pinag-uusapan natin dito, gosh.'
"Ito last na, pwede po bang Alvapriya or Alv ang itawag niyo sa'kin? Sige na po, 'yon din kasi ang tawag sa 'kin ng past bodyguards ko." Marahan kong isinandal ang aking ulo sa bintana at muling nagsalita. "If ayaw niyo naman pong sabihin ang trabaho niyo ay ayos lang. Pero pwede po ba akong magtanong ulit?"
Hindi sila kumibo. Kaya naman ay nagpatuloy na lamang ako.
"Kung magkaklase kayo noon ni mommy at magkakilala pa rin hanggang ngayon, may alam po ba kayo tungkol sa d-daddy ko?" sambit ko at napayuko. Alam kong imposible ngunit nagbabakasakali lamang ako na may makuha akong sagot.
Ni minsan ay hindi kami nakapag-usap nang masinsinan ni mommy tungkol kay daddy. Hindi ko nalaman ang pangalan nito, edad, o kahit ang trabaho man lang. Ganoon ka istrikto si mommy. Bata pa lamang kasi ako ay paulit-ulit niya akong pinaalahanan na huwag ko nang kilalanin pa ang ama ko.
Minsan nga ay napapa-isip nalang ako na nagsisinungaling si mommy na masamang tao si daddy. Kung masamang tao si daddy bakit hindi niya man lang masabi ang pangalan nito? It's unfair. Anak ako at may karapatan naman akong makilala ang lalaking nagdala sa 'kin dito.
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...