ALVAPRIYA'S POV.
ALL I can do is to blame myself. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit tinamo ni Cloud ang ganito. Pakiramdam ko ay kung hindi dahil sa akin ay walang nakahilata na Cloud dito.
Kasalukuyan kaming nasa hospital at hindi pa rin ito gumigising. Nabalitaan kong pinagpatuloy pa rin ang laban kahit na nangyari ang ganoon.
'Unbelievable.'
Umiling-iling ako at nagbuntong-hininga. Muli kong ipinagpatuloy ang pakikinig kay Wil.
"That's why he's very silent especially when it comes to school events dahil madali 'yan siyang mapagod. I didn't know na hindi niya pala pinaalam sa inyo."
"We're not that close." sagot naman sa kaniya ni Rylle. Oo at isa rin siya sa nagbabantay dahil ayaw niyang iwan ang nobya kahit galit siya rito. "And yeah, he's really silent."
"E-Eh b-bakit ganoon? Bakit b-bigla siyang n-naging ano, ganiyan?" naguguluhang usal ni Shys.
Tumikhim naman si Halley at napunta sa kaniya ang atensyon namin lahat. "As I've said earlier, hindi siya masyadong nag-ppractice noon. Once a week nga lang 'yan siya pero you know?"
"What?"
"Ugh! He likes Alv nga kasi, like a lot. He told me nga one time na he wasn't supposed to join your buwan ng wika but he just can't say no dahil Alv will be there. And then sa practice, same pa rin! Ang tigas ng ulo." nakangusong usal niya at nagbuntong-hininga. "Hay, Alv ah? Don't think that we're blaming you. Alam ko kasing 'yan din ang nasa mind mo right now. It's just that you have the rights to know. Alam mo bang like ka niya?"
Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko bago tumango. Agad naman nanlaki ang mga mata niya at nakangangang tumingin kay Wil. "R-Really?!"
"Y-Yes..."
"Omg how?!"
At kinuwento ko sakanila ang mga nangyari noong sem break. Hindi ko rin maiwasan ang maguilty dahil hindi ko man lang nahalata ang pagod ni Cloud. May iniinda na pala ito ngunit hindi naman nag-sasabi. 'Psh edi same.'
Namayani na naman ang nakakabinging katahimikan. "Where is their training ground?" wala sa sariling usal ko at agad naman nila akong binigyan ng nagtatanong na tingin. "SAIJI. I will go there."
"What? Why? Are you crazy? Psh! Huwag Alv ah? Tumahimik ka." pigil agad sa akin ni Shys.
"What? I will just confront him."
"Eh timang ka pala eh, ikaw na nga 'yong sinaktan n'ong tao at hindi pa nakontento ha? Pati si Cloud dinamay! Ano? Ano naman ang sasabihin mo?"
"Kung bakit niya ginawa kay Cloud ito,"
"Alam mo slow ka rin eh! Natural dahil sa 'yo! Nasaan ba ang common sense mo at tumitimang-timang ka na?!" naiinis na usal niya pa.
"I j-just want to know." mahinang usal ko at siniringan niya naman ako.
"Golden Flane. Basement. Doon sila, you should take care." biglang sambit ni Pawn. Napatingin naman ako sakaniya at nakatingin lang ito sa kawalan. "Ang tigas ng ulo mo."
"What? Bakit mo sinabi?!" inis naman na utas ni Dawn. Tumayo na ako at tinignan silang lahat.
"Let her. She didn't practice for nothing. Let her use her strength ano ka ba?" seryoso talagang usal ni Pawn. "Dad will be there naman." Ngumiwi pa ito.
"Bahala ka nga."
Hindi ko na sila pinansin at agad na lumabas sa silid. Dire-diretso akong nag-tungo sa labas ng ospital at agad na pumara ng taxi.
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...