SHYSTINE'S POV.
"IYON lamang sa araw na ito, maaari na kayong umuwi."
I start clearing my things off my desk slowly. Isa-isa ko iyong inilagay sa asul na bag at dali-daling lumabas. Mula sa bintana ay namataan ko na agad ang lalaking paulit-ulit na binibihag ang puso ko.
'Ang sarap isipin na akin ka.'
I smiled.
Agad niyang kinuha ang mga libro na hawak ko at nagsimula na kaming bumaba.
"Wala ka bang gagawin mamaya?" tanong ko sa kaniya.
"Hmm," nag-iisip na tono niya. "Wala naman, bakit?"
"Ah gusto sana kitang yayain sa baba if okay lang?"
"Saan sa baba?" nang-aasar na aniya na siyang nagpapula ng pisngi ko.
'Timang ang dumi ng isip!'
"H-Hoy ah! 'Wag ka ngang timang diyan. Sa labas pala, h-hindi sa baba." naiilang na tugon ko dahil nakatingin pa rin siya. "A-Ano ba! 'Wag mo 'kong tingnan."
"Bakit naman? Eh akin ka naman?"
Hindi ko na napigilan ang mangiti. Alright, hindi ko alam kung mga paru-paro pa rin ba ang lumipipad sa loob ng tiyan ko o baka mga laman loob ko na 'yon.
"Ikaw talaga! Kain tayo ng streetfoods sa tapat. Doon kami lagi tumatambay remember?"
"S-Streetfoods?"
Umirap naman ako. "Hindi lang isaw ang streetfood sa mundo. 'Wag kang overreacting diyan," usal ko na nagpanguso sa kaniya. Nagpapa-cute.
Ayaw niya kasi sa isaw. Para daw itong nakakadiring hindi ko sasabihin o kaya'y uod. Ewan ko sa kaniya, hindi niya pa naman natitikman.
Mayamaya pa'y nakapwesto na kaming dalawa sa bench na nandoon. Agad akong lumapit kay manong at maganda agad ang ngiti niya. Napangiti rin ako.
"May isaw ba riyan manong?" sambit ko habang kumukuha ng pitaka.
"Siyempre naman, hindi 'yan mawawala."
"Sige po, dalawang cheesestick tapos dalawang kikiam at dalawang siomai, hehe."
Nginitian naman ako nito at tila may hinahanap sa likod ko.
"Ah boyfriend ko nga pala ang isang 'yon," sabay turo ko kay Rylle.
Tumaas naman ang kilay niya. "Talaga? Dalawa lang ba kayo hija?"
Doon naman nagsimulang kumunot ang noo ko. 'May hinahanap ka pa po ba?'
"Opo."
"Nasaan ang kaibigan mo?"
Tinignan ko naman ito at abala lang ito sa pagpiprito. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya ngunit wala akong ibang nakita.
'Ayan ka na naman Shystine.'
"Ah palabas na rin po siguro manong," sambit ko at tumingin pa sa entrada ng school. Doon ay nakita ko si Alv na nakasimangot. "Bakit na naman nakasimangot 'yan?" natatawang sabi ko sa sarili.
Ngunit mula sa likuran ay nakita ko ang nakapamulsang si Kalmin. Hawak nito sa kabilang kamay ang bag ni Alvapriya at deretsong nakatingin sa likod ng dalaga.
'What the..'
Hindi ko pa nga natapos ang sasabihin ay sumunod naman si Cloud na nakatingin din sa likod ni Alv! Patungo silang lahat dito at hindi ako nagkakamali!

BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomantizmShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...