Stranger.
PAULIT-ULIT akong naghilamos upang matanggal ang lahat ng hiya sa aking katawan. Kung maaari lang sana ay naligo na 'ko rito. Tinignan ko ang sarili sa salamin at bumuntong-hininga.
Bakit ba 'ko naiilang? Kung anu-ano kasi ang iniisip mo. Kaya pati ang sinasabi mo ay kung anu-ano na rin.
Palabas na sana 'ko ng restroom nang may babaeng nagmamadaling pumasok at hindi sinasadyang mabunggo ang aking balikat. Muntikan pa 'kong tumimbawang.
Agad itong humingi ng paumanhin at pumasok na sa isang cubicle. Palibhasa'y mahaba ang pasensiya, ipinagsawalang-bahala ko na lamang 'yon.
Malapit na 'ko sa kinaroroonan nila Shys nang mapatigil ako sapagkat batid kong ako ang pinag-uusapan nila.
"Well, tignan mo naman kasi, morena, payat ngunit hindi naman pangit tignan, medyo singkit pa ang mata, matangos pa ang ilong, laging nakabuhaghag ang mahaba at itim niyang buhok, idagdag mo nalang ang matalino at mabait nitong katangian, timang nga lang minsan—oh andiyan ka na pala, bakit ka natagalan?" Pag-iiba ni Shys nang makita ako.
Hindi ko sinagot ang tanong nito. "Ako ba ang pinag-uusapan n'yo?"
"Huh? Assumera ka din pala minsan—"
"Shut up." iritang ani ko.
"Bakit ka nga natagalan Alv? At saka bakit basa 'yang buhok mo?"
"Ah wala, nalalagkitan lang kasi ako sa m-mukha ko. Tara na kumain na tayo." Pag-iiba ko nanaman.
"Weh? Sa pagkakaalam ko, hindi ka kailanman nagkainteres sa kung ano man ang hitsura mo," Ayun na naman ang naninigkit na mata nito. Animo'y inaalam kung ano nga ba ang totoo.
"Stressed kaya ako, kumain ka na nga lang, ang dami mong sinasabi." nahihiyang anas ko. Ano ba naman 'to, sasagutin ko naman ang tanong basta wala ang mga lalaking 'to.
"Tell me Alv." seryosong sabi nito. Bigla akong kinabahan. "May humarang sa 'yo 'no? Sabihin mo kung sino, ipapademanda natin." nanlalaki'ng mga mata na aniya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko naman kung ano na. Akala ko halata.
"Buang wala nga! Hahaha sige na baka maabutan pa tayo ng bell at hindi pa rin nauubos itong mga pagkain."
Hindi na muli ito nagtanong at kumain nalang, bagay na ipinagpasalamat ko. Isa kasi sa mga ugali ni Shys ang magtanong at kapag hindi mo ito nasagot o sinagot ay hahayaan niya na lumipas ang araw, linggo, buwan, o taon at ganoon pa rin. Mag-tatanong talaga siya na mag-tatanong hanggang sa mapasagot ka. Hindi na nakapagtataka na namana niya 'yon sa kaniyang ina na isang Attorney.
Sa gitna ng aming tahimik na pag-uusap ay bigla na lamang tumayo si Kalmin. Tila may nakita itong multo sa labas ng bintana at napakuyom ang kaniyang kamao na siyang ipinagtaka ko. Napatingin din ako kina Shys at Rylle na kagaya ko'y nagtataka rin sa ikinilos niya.
Napatingin na din kami sa labas ng bintana upang mas lalong kabahan. Wala namang tao ah? Ano ang nakita niya?
Mag-tatanong na sana 'ko nang bigla itong patakbong lumabas. At ang sumunod na pangyayari ay hindi ko na maipaliwanag.
Nadatnan ko ang sarili na nakasunod na rin sa kaniya. Ni hindi ako makakuha ng sagot kung bakit ko 'to ginagawa. Pakiramdam ko'y may kinalaman ako sa kung ano man ang nakita niya. O kaya'y nahihibang na.
"Huy wait—"
"Go back!" biglang sigaw nito.
Napahinto ako sa pagtakbo at biglang kinabahan sa galit na makikita sa kaniyang mata. A-Ano ang nangyari? Bakit parang galit siya sa akin?
Nang wala siyang nakuha na sagot ay muli nalang itong tumalikod at tumakbo. Nilagpasan nito ang mga estudyante at guro na katulad ko ay nagtataka sa kaniyang pagiging alisto. Dahilan upang ang karamihan ay mabagabag.
Hindi siya 'yong estudyante na tumatakbo dahil may tinatakbuhan, o may ipapasa na proyekto. Iyon ay klase ng takbo na handang makipaglaban. Walang tinatakasan ngunit may hinahabol. Ang nakakuyom nitong kamao ay isa ring palaisipan sa kung ano man ang nangyayari o mangyayari. Ang pagsalubong din ng kaniyang kilay at ang galit sa kaniyang mga mata na halos hindi ko kayang tukuyin kung saan nanggaling o kanino gustong ipahiwatig.
Nakita ko kung paano siya harangin ng isang school guard. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang itulak nito ang guwardiya at agad natumba, sa lakas ng pagkakatumba ni Manong ay sigurado akong malakas din ang puwersa na inilabas ni Kalmin. Nakakagulat dahil hindi ko maisip na posible niya iyong magawa. Agad namang nakabangon ang guwardiya at hinarang muli ang binata. Nagpupumilit itong lumabas gayong sigurado ako na may hinahabol talaga ito. Tila wala na talagang nagawa ang guwardiya nang tuluyang nakalabas si Kalmin.
Sa gulat ko'y hindi ko na napansin ang papalapit na sina Shys at Rylle. Bigla akong tinawag nito na may pag-aalala na mababakas sa kanilang mga mukha.
"Ano ba naman Alv! Bakit bigla kang sumunod? Alam mo ba na delikado? Halatang galit 'yong tao! Bakit ka pa humabol?! Paano kung may nangyari sa 'yo ha?—"
"Shys please, I'm sorry okay? Hindi ko alam kung bakit—"
"Hindi Alv eh! Nag-alala kami! Bigla-bigla mo kaming iniwan do'n kahit pare-parehas naman tayong nagulat!" naiiyak na sambit nito. "Hindi ka ba natakot kay Kalmin ha? Hindi ba alv? Sabihin mo—"
"Hindi! At wala akong makitang rason para matakot Shys. Sana maintindihan mo." 'Yon lamang at tumalikod na 'ko.
Ayoko makarinig ng kung ano sa sasabihin nila. I want peace.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay biglang may humatak sa 'king braso. Si Rylle. Nakakunot ang noo nito.
"Bakit ka humabol gayong delikado?" seryosong tanong niya.
"Paano mo ba nasabi na delikado Rylle? Wala kang pruweba—"
"Meron." sambit nito na siyang nagpataka sa 'kin. "Kanina habang wala ka ay may lumapit na dalawang lalaki kay Kalmin, akala ko nga si Shys ang lalapitan kaya binilisan ko na ang pag-order. Nang makabalik ako ay pilit nilang pinasasama si Kalmin sa kanila, ayaw naman ni Kalmin. Tinanong namin siya kung sino ang mga 'yon at ang sabi niya'y masasamang tao daw na nais hanapin ang isang tao."
Agad napuno ng kaba ang aking puso. Kaba na hindi ko pa rin malaman ang dahilan. "S-Sino daw ang hinahanap nila?"
"'Yon din ang gusto namin malaman. Kaso hindi rin alam ni Kalmin."
Nakita ko'ng pahikbi-hikbi na si Shys na lumapit sa 'min. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote mo at 'yon ang ginawa mo Alv, sobra 'kong nag-alala sa 'yo." Pinahid nito ang kaniyang mga luha at sumeryoso ng tingin sa 'kin. "Sa susunod ay huwag mo na ulit 'yon gagawin. Nalalagay ang buhay mo sa peligro Alv, at sa susunod huwag mo 'kong tatalikuran lalo na kapag ganito ang sitwasyon." anito at tumalikod. Tinignan ako ni Rylle na parang sinasabi na 'pasensiya' at sinundan ang kaibigan. Tumalikod na lang rin ako taliwas sa kanilang direksiyon.
Gusto kong pumunta sa lugar na walang katao-tao. 'Yong lugar na tahimik at doon ko sisisihin ang mga katangahan na hindi ko alam na grabe pala ang epekto sa iba.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang sila kung mag-react, as if I really did something unforgivable. Did I hurt them? Paano ako? Hindi man lang nila ako hinayaan na mag explain. Sabagay, ano pa nga ba ang kailangan ko ipaliwanag? Ni ang sarili ko nga ay hindi ko naintindihan kung bakit ko 'yon nagawa. As of now, masasabi kong concern lang ako sa tao, at malakas ang kutob ko na may kinalaman din ang mga lalaking 'yon sa akin.
Bakit pakiramdam ko ako ang hinahanap nila?
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...