ALVAPRIYA'S POV.
"NGUMITI KA girl." nakangiting sabi ni Ruke sa kalagitnaan ng pagsasayaw. "Sayang ang pagsusuot ko ng barong kung hindi tayo mananalo dito."
Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan ako. Idagdag mo pa ang mga papuri na natanggap ko kanina nang matapos kong kumanta. 'Ugh maganda ba talaga ang boses ko?!'
Umiling na lamang ako at mas pinalawak pa ang mga ngiti. Tumingin ako sa baklang judge na seryoso lamang na nakatingin sa amin ngunit hindi maitago ang paghanga sa mga mata. Mas lalo naman akong ginanahan.
Mayamaya pa'y kailangan na naming magpalit ng pares. Kung saan luluhod ang isang tuhod ng mga lalaki at iikot naman kaming mga babae. At si Cloud ang pares ko doon.
Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang kanan kong kamay at marahang ginawa ang waltz. Humarap kami sa isa't isa at napakaganda ng pagkakangiti niya.
'Naninibago lang siguro ako dahil ngayon ko lang siyang nakita na ngumiti ng ganyan.'
"Nahuhuli kana." nakangiting aniya bigla at natauhan naman agad ako! Nahuhuli na nga ako!
Inalis ko ang magandang ngiti ni Cloud sa sistema at nag-focus na lamang sa pagsayaw. Katabi ko ngayon si Kalmin na nakaharap sa 'kin at lintik naman talaga ang kabog ng aking precious heart.
'How can he be so damn gorgeous?! Ano ba Alv?' Erase!'
Nakagat ko ang labi at mahinang napa mura. Mayamaya pa'y pumasok na din sa entablado ang iba pa naming mga kaklase at sabay-sabay na umindak. Kaya naman sa huli...
"Congratulations fourth year turquoise!"
Nagsisisigaw ang mga babae at napapalakpak naman ang mga lalaki. Labis-labis ang saya naming lahat at lalo naman si Sir Stones.
"Grabe! OMG! Swerte talaga kapag nag-anyong lalaki ang bakla!" masayang tili pa ni Ruke at umakbay pa sa 'kin. "Gusto ko tuloy ma-hug ang papa Cloud sa sobrang tuwa! Yiieee!"
"Landi mo! Hahaha! Congrats sa 'tin!"
"Oo at okay lang kahit hindi ka nanalo! You did great there! Sa'yo na muna ang korona ngayon!"
Yes, I didn't won pero I'm still happy. Finally, I get out from my comfort zone. Try to experience different things nga daw 'di ba? Ito na siguro ang simula.
Mahaba-habang speech pa ang namayani mula sa aming dean bago ang closing remarks na nanggaling naman sa adviser ng Filipino club.
Masaya kaming nag-uusap nina Shys at Rylle na kasalukuyang papasok sa isang restaurant. Balak naming mag-celebrate na tatlo lang.
"Pero promise, nakatingin lang siya sa 'yo the whole time na kumakanta ka." mariing usal ni Rylle na pumukaw ng atensyon ko.
"Sino naman?" takang tanong ko at bahagyang umasa. Umaasang isa 'yon sa dalawa.
"Interesado ka ba?" nang-aasar pa na aniya.
"H-Hindi 'no buang. C-Curious lang ako," Nag-iwas naman ako ng tingin at biglang nalaglag ang mga panga nang makita si Cloud! Nasa gilid ko na ito at matamang nakatingin sa 'kin!
Nanuyo ang lalamunan ko at hindi alam ang sasabihin. Nagtataka naman akong napatingin kina Shys at bumungisngis lang ang mga ito. "Partner mo siya eh, sinabay na namin." nangingiting sabi niya pa at kumaway kay Cloud. "Hi Cloud! Order ka na. Libre mo kami."
"A-Ano ba Shys?"
Agad naman itong napanguso. "B-Bakit ba?"
"Palibre ka nang palibre! H-Hindi mo naman 'yan sila f-friend,"
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...