ALVAPRIYA'S POV.
"ARGH! Nakakainis!" Mahina kong sinabunutan ang sarili at agad na tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama. Hindi ako makapag-review nang maayos sa dami ng bumabagabag sa akin. Tinignan ko ang makalat kong mga gamit sa kama at mas lalong nainis.
"Walong subjects tapos tatlo pa lang ang nagagawa kong reviewer?! Argh! Nakakabugnot!"
Sa susunod na linggo na ang huling quarter exam at dapat ay handang-handa na ako. Kadalasan kasi ay one week before the exam ay tapos ko na dapat ang lahat ng reviewers at tanging pag-review nalang ang aasikasuhin. Hindi na nga ako nakakapag-advance reading at hindi na rin masyadong nakakapag-recite. Umaasa na lang rin ako sa iba kong mga kaklase kapag may mga assignments na nakakaligtaan ko.
'Pabobo na ako nang pabobo.'
At kapag ganitong nafu-frustrate ako ay naghahanap ako ng pwedeng paglabasan ng inis. Tulad ng Golden Flane. Doon ako pumupunta at nag-eensayo mag-isa.
Isa-isa kong niligpit ang mga papel at nagpalit ng damit. Isang simpleng white sweater at black sweatpants lang ang sinuot ko na pinartner-an ng puting rubber shoes. Iniwan kong magulo ang buhok at agad na kinuha ang susi ng sasakyan.
Lumabas na ako ng kwarto at napadaan pa sa kwarto ni Kalmin. Dalawang pinto lang kasi ang layo bagi makapunta sa kanyang kwarto at malapit pa iyon sa hagdan. In short kaniya ang unang kwarto.
Pababa na sana ako nang biglang marinig ang pagbukas ng pinto sa aking likod! Dali-dali akong napaatras at lumingon doon! At laking gulat nang makitang nakahawak ang isang kamay ni Kalmin sa siradura at seryosong nakatingin sa akin!
"K-Kalmin," gulat na gulat na usal ko. Para akong nabulunan nang banggitin ang pangalan nito. Nakita kong umirap ito ngunit hindi ko na 'yon ginawang big deal pa. Masyado akong natu-trumpo. "H-How are you?"
'Shit! Ilang araw na kitang hindi nakita!'
Napapikit ako sa naisip. Mali.
"H-Hindi k-ka na pumapasok a-ah?" Sinubukan kong huwag mautal ngunit sadyang nabigo. Nagbabara ang laway sa lalamunan ko ngunit nanatili pa rin itong nakatingin sa akin! Tila hindi niya pa ako kilala at bagong hitsura sa kaniyang paningin! Tila nagtataka sa aking presensya. Parang pilit nitong iniisip kung nakita na ba ako sa kung saan o kilala nga ba. Parang wala kaming pinagsamahan at sa walang kwentang bagay ito nakatingin. At parang dinidikdik ang puso ko nang dahil doon. "A-Ah k-kasi I w-was just curious.. b-bigla ka na lang kasing n-nag d-drop and—"
"Can we personally have this conversation for some other time?"
Nagulat ako. Nabigla. Napanganga. At nasaktan. Wala sa sarili akong tumango at dali-daling bumaba. Hiniling ko pa nga na magpagulong-gulong sa mataas na hagdan para naman may kaonting pag-aalala pa rin sa kaniya. Kahit wala na siyang maramdamdaman na iba. Kahit katiting na pag-aalala lang sana.
'Para kasing wala na eh.'
Ayun na naman ang mumunting luha na pilit na kumakawala sa aking mga mata. Pilit ko lang talagang pinapatatag ang sarili dahil wala na akong ibang choice. Kung iiyak lang ako, walang magbabago. Namatay na ata ang hypothalamus niya at biglang nabuhay bilang ibang tao.
Sa paulit-ulit na pagbagsak ng mga luha ay naalala ko ang isang importanteng babae. Namimiss ko na si Mommy. Ang lolo't lola ko. Pati ang mga pinsan ko na sa instagram at facebook ko na nga lang nakaka-usap ay hindi rin ako pinapansin. They even blocked me.
Hindi ko maiwasang magtampo dahil alam kong mom have her ways. Masyado akong nagpakampante na magagawan niya nang paraan ang lahat ng ito. I even expected that she'll talk to dad.
Or fight.
Or apologize.
Or atleast, try to chase me.
'Pero agad akong umalis.'
Pakiramdam ko ay nababaliw na ako sa lahat. Iyong tipo na nagpapakanormal kahit hindi naman pala. Iyong nagpapanggap na masaya kahit hindi naman talaga. Iyong naiintindihan ang lahat kahit hindi naman sigurado.
I felt guilt. Sa lahat ng bagay. Pati 'yong kay Cloud. Naiinis ako dahil wala naman silang sinasabi na ako ang may kasalanan kung bakit ganoon ang nangyari kay Cloud pero paulit-ulit rin akong nakokonsensya. Nakakabaliw. Nakaka-sisa. Kung healthy rin sana ang puso ko ay buong-buo ko iyong ibibigay sa kaniya. Ganoon na ako kadesperada na gumaling siya.
'Kung sinabi mo lang kasi sana para sarili mo 'yong "Sana maging maayos ka." edi sana wala ka diyan. Buang ka. Ang dami mo pang pag-papaalala sa akin, ikaw din naman pala ang mapapahamak. Ano ka ngayon? Nakakainis ka. Wala akong kaibigan ngayon Cloud kaya bumangon ka na diyan. Please. Paano kapag napahamak ako at humingi ng tulong? Hindi ko pa nakakaharap 'yong babaeng 'yon. May George pa, ano?Kalilimutan na lang ba natin 'yon? Gumising ka na. Hindi pa tapos ang laban.'
Noong umalis ako sa bahay. I just realized that it was just not me. That it wasn't my heart at all.
Because I don't leave people hanging.
I don't leave people that I love.
But Shystine did. She left me hanging without giving me enough reasons. Telling your bestfriend to stay away, huh? I just can't help but ask myself what just went wrong? Ayos naman na ang lahat ah? Iyon na nga talaga siguro ang sinasabi na, kapag nasolusyunan ang isang problema ay may dadagdag nanaman.
Pinakalma ko ang sarili bago pumasok sa Golden Flane. Mula sa pasilyo ay may narinig na akong tila nag-aaway. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa lumitaw sa paningin ang malaking mat sa gitna. Nandoon si Daddy na nakikipag-sipaan kay 'M-Master???'
Nangunot ang noo ko at binalot ng kakaibang kaba. Hindi ko alam na magkakilala pala ang dalawa. Agad akong nagtago sa malaking speaker na naroon at sumilip sa kanila.
"I didn't know that you're alive. Hahahaha!" rinig kong halos pabulong na banat ni daddy munit dahil kami lang naman ang tao ay malakas iyon dahil sa echo. Kasalukuyang naka-amba ang dalawang palad at nakangising pinalilibutan ang nakatungangang si Master.
"What do you mean?" rinig ko namang usal ni Master na nakatayo lang at kunot na kunot ang noo.
"What do I mean?" pagbabalik tanong pa ni daddy. "What do you think?"
"I don't get you."
"Of course you don't. What happened to you?"
"I told you. It was a car accident so please, enlighten me with your words. What do you mean by saying you don't know that I'm alive?" naguguluhang wika ni Master. Mas lalo din naman akong naguluhan dahil hindi ko naman maintindihan ang topic nila.
Sumulyap ako sa mukha ni daddy at tila nagulat naman ito. Bahagyang nakanganga at napatigil sa pag-ikot. Humakbang ito palapit kay Master at nagugulat na tinignan. "W-What's my name?"
Naguguluhan man ay sumagot din ang huli. "Ion Denovan."
"N-Nagka a-amnesia ka ba?" mariing bulong niya pa na hindi pa rin makapaniwala.
'Magkakilala nga sila. Baka magkaibigan? What a small world.'
"As I've told you. All I remember is the car accident. Well, kung may sasabihin kang alaala baka biglang manumbalik. That's how it works and it'll help me a lot."
"Ha!" Nangunot lalo ang noo ko nang marinig ang pag-singhal ni dad. "Do you think I'm stupid enough to let that happen?!"
'What?'
"What?"
"Don't you still remember me bro?"
"What?..."
"You still don't remember. How about..." pambibitin nito at lumayo kay Master. Ngunit halos mapasigaw ako nang bigla niya itong hilahin at walang-awa na pinag-sisipa sa mukha! Batid ko ang lakas niyon dahil namula agad ang mukha ni Master! Nanatili itong gulat at hindi makagalaw! Para itong naparalisa at hindi malaman ang gagawin!
"I am your bestfriend! And you stole Alice from me!"
"Clay enough!"
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...