ALVAPRIYA'S POV.
SATURDAY and I'm still on my bed. Kailangan ko pa daw magpahinga dahil sa nangyari kahapon. Yesterday was such a nightmare.
Hanggang ngayon ay gusto kong makilala ang lalaking tumulong sa 'kin. Napaka pamilyar niya. Hindi ko alam kung nakita ko na siya ngunit halata naman na nakita ko na ito dahil hindi ko naman masasabi na pamilya kung hindi 'diba?
Agad ko iyong itinawag kay Shys at siyempre, nag-alala ito. Sobra pa nga yata sa 'kin. Hindi ko na rin 'yon sinabi pa kay mommy dahil alam kong alam niya na rin. Ayaw ko din na sumobra ang pag-aalala niya. Baka makaapekto pa sa trabaho niya.
Akala ko talaga ay 24/7 ako babantayan. Nakalimutan ko na imposible ang bagay na 'yon. 'Well, they can do that when pigs fly.'
Sa sobrang tahimik ng kwarto ko ay naisipan ko na umupo muna sa bakal na upuan do'n sa veranda. Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin at nanood ng sunset. A combination of yellow and orange sky made my heart skip a beat. Wanting to watch it more. As usual, pinicturan ko 'yon at naisipan na tumawag kay lola. Isang linggo na rin kasi ang nakakalipas at hindi man lang ako nakatanggap ng tawag.
Ilang ring pa ang nagtagal nang sagutin niya ito, "Iya?" Bakas sa boses nito ang pagod. Marahil ay napupuyat ito.
"Lola, kamusta po? Hindi ka pa ba uuwi?"
"Malala ang sakit ng lolo mo apo," malungkot na aniya. "Nandito kami sa hospital dahil inatake ito ng ulcer niya."
Mas nag-alala naman ako ngunit ayaw kong mas mag-alala si Lola. Imbes na ikwento ang nangyari sa akin ay sila nalang sa probinsya ang kakamustahin ko.
"Gano'n po ba? Sino po ang kasama mo dyan? Ikaw lang ba mag-isa ang nagbabantay kay lolo?"
"Nandito ang mga pinsan mo gusto mo bang kausapin?" Batid kong nakangiti na ito. "Oh Karla kausapin ka daw ni Iya,"
Mayamaya pa'y naiimagine ko na ang nakabusangot na mukha ng suplada kong pinsan. "Oh tawag ka pa di haw? Buhi ka pa gali? Puli di!"
Natawa naman ako dahil batid kong nakasimangot na talaga ito. "Yes naman, buhay pa 'ko no! At uuwi ako diyan sa summer hahahaha!"
"Kadlaw ka da? Abi mo namian ko?"
"Ano ba ang pinagsasasabi mo dyan? Buang ka hahaha,"
"Kadlaw ka lang da. Buang ka."
"Galit ka ba sa 'kin? Ano ba ang atraso ko sa 'yo?" natatawa na talagang ani ko dahil puro tawa lang daw ako, akala niya daw ba ay nagugustuhan niya 'yon? Baliw talaga.
"Nakakainis ka ha,"
"Talaga? Hindi halata eh,"
"Ewan ko sa 'yo!"
"Hindi kasi halata sa tono ng pananalita mo. Parang nagpapalambing ka lang eh," asar ko pa.
"Duh? Iloilo? City of love! Palibhasa kasi stressed kayo lagi diyan hmp!"
Humagalpak naman ako ng tawa. Lagi niya kasing ipinaglalaban ang lugar. Kesyo magkakamatayan na daw sila'y nananatili pa ring kalmado. Malambing naman kasi talaga ang pananalita nila.
"Anyway nasaan si Karlo?"
"Oh," biglang sambit niya at narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Karlo. "Oh?"
Suplado.
"Gusto mo iPhone?" nang-aasar na ani ko.
"No thanks. Gusto mo matuto ng martial arts?"

BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomantizmShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...