Chapter 27

10 2 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

"MAY gusto sa 'kin si Kalmin?"

Hanggang ngayon ay hindi ako makatulog dahil sa isiping 'yon. Pilit kong hindi iniintindi subalit sapilitan din itong naglalayag sa isip ko.

Kanina nang sabihin ni Shys sa 'kin na hindi niya na daw iisipin na may gusto sa 'kin si Kalmin ay paulit-ulit ko siyang tinanong kung paano, bakit, at paano ulit.

'Ano naman kaya ang naisip n'on? Imposible naman na magkagusto sa 'kin si Kalmin 'no!'

Hindi ko talaga maintindihan. May parte sa akin na naniniwala pero lamang pa rin ang hindi. Natural dahil dalawang linggo pa lang naman ang nakalilipas. 'Pero posible pa rin.'

I just hate him so much.

Ayaw ko sa lahat ay ang makulit. Madaldal, moody, nakakainis, nakakairita. At higit sa lahat, 'Childish.'

O.A na naman siguro ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil kusa ko siyang nasusungitan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Pagdating sa kaniya ay laging nanginginit ang ulo ko kahit wala namang nakakainis.

'Idagdag mo pa si Cloud. Feeling close din.'

Pansin ko talaga ang pagiging wirdo nang dalawa. It's not bad naman to assume things, I guess. Hindi mo naman ako masisisi dahil buang lang ang makakapagsabi na normal lang ang ikinikilos nila.

'Ah nakakapagod mag-isip.'

KINABUKASAN ay na-late na naman ako ng gising. Hindi na ako nakapagalmusal at dali-dali nang pumasok sa kotse. Mabuti naman at nakisama ang dalawa kong bodyguards. Mabilis lang ang naging biyahe.

Halos madapa pa 'ko sa sobrang pagmamadali at natigilan pa nang makita ang matangkad, moreno munit chinito na lalaki na matagal ko nang hindi nakita.

"M-MJ," mahinang usal ko sakaniya na nakatayo at nakapamulsa sa unang palapag ng hagdan.

Nginitian pa 'ko nito. "Late?"

I nodded.

"Ako din eh, ah sabay na tayo?"

Napakurap naman ako at wala sa sariling hinawakan ang dibdib ko. 'Mayroon pa ba?'

"A-Ah oo, sige." alanganing sagot ko.

Tahimik naming tinahak ang tahimik na hallway at gusto kong murahin ang sarili dahil late na nga ako, mabagal pa ang hakbang ko dahil sinasabayan ang mabagal din na paglalakad niya.

'Eh hindi naman ako nagmumura kasi.'

"Ah kamusta ka na?" tanong niya.

'Damn I'm not ready for this.'

Luminga pa muna ako sa paligid at wala namang tao. Tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa hagdan. "I'm g-great. Ikaw?"

"Never been bad." nakangising aniya. Nag-iwas naman ako ng tingin.

'Ano'ng tawag mo do'n sa ginawa mo sa 'kin? Good? Psh.'

"K-Kamusta nga pala kayo ni hip- n'ong girlfriend mo?" utal na tanong ko pa.

"Si Feiya?"

'Ewan ko. Akala ko nga hipon eh.'

Hindi ko ito sinagot.

"We're good." Hindi ko alam kung bakit parang natatawa ito. Hindi ko alam at wala akong pakialam.

Ilang dipa ang layo ko sakaniya at mukha kaming buang na nakatingin sa kung saan ngunit nag-uusap.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon