Chapter 44

3 4 0
                                    

SHYSTINE'S POV.

"HOW'S the scoring?" rinig kong tanong ni Alv.

Nagulat ako doon dahil sa tagal ng pananahimik niya ay bigla itong mag-sasalita. She looks sad.

'Gagong Kalmin 'yon.'

Sa totoo lang ay gusto ko ngayong sipain si Kalmin. He's numb. And that Icy? Naiinis ako sa kaniya. Sinabi ko na nga ba at may itinatago itong landi.

"You must hit them and don't let them hit you."

"Sa Karate Kid mo 'yan nalaman Master." nakangiwing sagot naman sa kaniya ni Wil.

"Fine. You will only hit them in their head, face, neck, chest, abdomen, side and back. 'Yon lang at wala nang iba kung hindi ay disqualified."

"There is a criteria when it comes to performing. It's not always about how you kick or how your strength defines you. You must keep in mind your good form, good timing, accurate distance, awareness and attitude."

"Hindi pwedeng magalit kayo doon sa gitna dahil mas lalo kayong mapapahamak. Enjoy everything. This is just the beginning for some of you. But please, refrain from taking the fight seriously. Hindi sa sinasabi ko na gawin niyo itong biro, my point here is that, win or lose you'll remain brilliant. You all never and will never fail to make me proud. Remember that. I'm proud of you team." nakangiting pag-papalakas nang loob bigla sa amin ni Master.

Isa talaga sa pinaka-hinahangaan ko sa kaniya ay ang pagiging mabait nito. Mapagkumbaba at napakamatulungin. Minsan pa nga'y naihalintulad ko rin sa kaniya si Alv. Nakikita ko sa kaniya si Alv lalo na sa galing nitong mag-advice. Ganoon na ganoon si Alv. Totoong-totoo sa sinasabi.

Mayamaya pa'y may isang lalaki na pinatunog ang malaking itim na gong na naroon pala sa gilid. Agad na naghiyawan ang mga tao at nagsisigaw. Isa na ako roon siyempre!

'This is it!'

"Yuko is awarded for middle or upper level punch. That's one point. Waza-ari is two points if you kick the oponent's middle body. Abdomen, chest and the side. While Ippon which is three points are for kicking to upper level, performed on a fallen or thrown your opponent." seryosong sambit noong lalaking naka-puting karategi.

Nagsimula na ang laban at nauna agad ang SAIJI laban sa Burdens. Mga nakakulay ube na karategi at puros lalaki. Unang tumungtong si Axelle na nakangisi pagkatapos ay ang isang morenong lalaki na seryoso. Sabay itong nag-bow at hinintay ang signal noong referee.

"Shobu Hajime!" biglang sigaw noong referee at mas umingay ang crowd!

"Simula na!" sigaw pa noong iba.

Tutok na tutok ako sa kanila at pinagmamasdan ang bawat galaw. Si Axelle ang kusang umaabante habang ang kalaban ay umaatras. Naka-amba ang parehong palad at maganda ang postura. Mayamaya pa'y agad na tumakbo si Axelle para sana atakehin ito subalit tumakbo palabas sa linya ang lalaki!

"Hala takot!"

Agad na lumapit ang master noong tumakbo at tila pinakalma ito. Mayamaya pa'y tumango-tango ito at bumalik sa gitna. Mas lalong ngumiti si Axelle. Tila inaasar ito.

'Mayabang!'

Hindi pa man nakakatapos sa pag-bbow ang lalaki ay agad na sinipa na siya ni Axelle at tumama sa kaniyang leeg! Natumba agad ito at namilimit sa sakit!

"Yame!" sigaw noong referee at lumapit sa mga hukom. Nag-usap usap ang mga ito at bumalik naman ang referee. "SAIJI, Axelle Jae Gwon, neck strike! Ippon!"

Napatingin ako sa malaking screen na nandoon at laking gulat nang three points na agad ito! 'Malamang neck strike nga eh.'

Nagtuloy-tuloy ang laban at sumulyap naman ako kay Alv. Nakatingin lamang ito sa harap ngunit parang wala sa sarili. Kinalabit ko ito at nagitla pa. "A-Are you okay?" tanong ko na halata naman na ang sagot.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon