Chapter 51

3 1 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

"ALVAPRIYA?" rinig ko ang mahinang pagtawag ng isang ginang. Ni hindi ko maigalaw ang ulo para lingunin ito. "Glad you're awake."

Si Tita Crystal. Cloud's mom.

"You've been asleep for 3 days. Wait I'll call the—"

Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nang may pumasok. Batid kong mga nurse iyon at doktor. Tinanong nila ako ng mga bagay-bagay at puro pag-tango at pag-iling lang ang sinagot ko. Ni ang ibuka ang bibig ay hindi ko magawa. Sinubukan kong pakiramdaman kung may tao ba sa tabi ko ngunit wala. Tanging ang presensya lang iyon ng mga nurses at ni Tita.

Umalis na siya...

Mayamaya pa'y naramdaman ko na ang pag-alis nila at lumapit naman si tita sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti.

"Dapat pala matagal ko nang nalaman na you and Cloud are friends. Para noon mo pa nalaman."

Naramdaman ko ang pagkunot ng noo nang sabihin niya iyon. Ano ang ibig niyang sabihin? Nanatili akong nakatingin sa kisame.

"I'm afraid na one day, huli na ang lahat. I have the guts but, I'm not sure if you can still accept everything after what happened." Huminga ito nang malalim bago sabihin ang "you've been experiencing chest pain but didn't tell anyone. Why?"

Parang alam ko na kung saan patungo ang istoryang ito. May ideya na ako at alam kong hindi ako handa na pakinggan iyon. Hindi ako handa.

"You need a heart donor, hija."

Napapikit ako ng mariin at bumilis ang paghinga. Bigla ay parang gusto kong mamatay nalang agad. Ayaw ko nang mahirapan pa si mommy. Ayoko silang mahirapan lahat. 'Pagod na ako.'

"Hey, are you alright?" Mahihimigan ang pag-aalala sa boses niya. Pinakalma ko muna ang sarili at mahinang tumango. "Are you sure?"

I slowly nodded. I gesture her to come closer.

"S-Story."

Ngunit gusto kong matawa dahil halos walang lumabas na boses sa akin. Ganoon na nga talaga siguro akong kahina. Mabuti nalang at naintindihan nito.

"Alice and I were bestfriends."

"We were so close back then. Hindi na masyado ngayon dahil nagpakalayo-layo si Alice. Friendship over na kami but, ganoon talaga. We still have eachother's back. Well, here it is noon highschool, uso ang loving-loving." mahinang kwento ni tita. Ramdam kong nakangiti at nanatili lang akong nakapikit na nakikinig.

'Kunwari shocked ako.'

"We both had a crush on Clyde. But Clyde likes your mom. A lot. Pero he was so damn shy to make a move so he asked Clay to help him. Magkaiba sila ni Clay, kung mahiyain si Clyde ay basag ulo naman ang kambal niya."

Agad akong napadilat sa narinig. Kung ganoon ay kambal sila? Magkakambal si Tito Clyde and daddy? Naguguluhan ako. Bakit nagpa-retoke si daddy? Bakit nag-iba si daddy? 'Or is he really my dad?'

Ang gulo.

"Alice is very pretty. Like, half of the students likes her. She's humorous and kind. She's the most humble person. Your family is rich, but she always told me na mom niya lang iyon dahil wala pa siyang work kaya hindi siya mayaman. I admire her for being so down to earth. Sa mga paplano-plano nilang dalawa, nina Clyde and Clay. Clay then fell inlove."

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon